Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

Kabanata 12

275K 5.4K 227
                                    

Kabanata 12
Chance

PARA akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Maging sina Tita ay napasinghap sa gulat.

"Terrence Brennan!" Tito's voice roared, calling him out.

But Terrence had no reaction at all, malamig lang ang tingin niya sa amin at ibinaba ang hawak niyang kutsara.

"What?" mariing baling niya sa ama.

"Your mouth, Terrence! Don't shout at your father!" Galit na sigaw ni Tita. "You're marrying Natalie and that's final!"

Nakita kong nagbaga ang tingin ni Terrence at nanginig ang katawan ko nang bumaling siya sa akin na may galit sa mga mata. Mariin siyang pumikit at inilagay ang ang daliri sa sentido.

"Can you... Can you just stop ruling my life?!" He burst out at at padabog na hinampas ang lamesa. Napapiksi ako sa ginawa niya at abot-abot ang kabog ng dibdib ko ngayon.

"We are not ruling you, Terrence Samaniego! You rule your own life!" Matigas at kapareho pa rin na tono na sikmat ni Tita.

"I rule my own life? Seriously? All this time all of you are ruling me! Lahat ng sinasabi n'yo ginagawa ko! Ano?! Pati ba naman pagpapakasal ay susundin ko?! Hell no!" Galit na sigaw pabalik ni Terrence at alam ko sa sarili ko na ilang sandali ay bubuhos na ang luha na kanina ko pa pinipigilan.

"Lower your voice, Terrence!" Sigaw ni Tito dito. "You're gonna marry Natalie. You can't say no and it's final!"

"No! I won't and that's final!" Nagbaba ako ng tingin at nakita ko ang nakakuyom na kamay ni Terrence.

Napatungo ako at nakagat ang labi ko. I can feel my heart breaking into pieces.

"Terrence, it's for the company's sake! Makipag-cooperate ka naman!" Halos histerikal na sabi ni Tita at hinawakan siya sa balikat ni Tito para pakalmahin.

"So, it's all this is about?" mapang-uyam niya akong binalingan. "You pester me everyday for this? Para ano? Makuha ang loob ko? It's all about the company? So, why don't you marry, Travis? Huh? Why me?" he spat bitterly, his eyes blazing in anger.

Nangingilid na ang luha ko at mariin ko nang kinagat ang labi ko para mapigilan ang pagkawala nito sa mga mata ko.

"Because...because I love you," sabi kong halos bulong at tumungo. Narinig ko ang pagak niyang pagtawa pagkatapos ay nagsalita.

"You love me? Oh, come on, bitch. I don't even like you!" He spat and that's when my tears fell.

I saw the stunned look from Terrence's eyes. Mukhang nagitla rin siya pero kaagad na nawala ang lambot ng tingin at muling lumamig.

"Oh my God! Terrence!" Pasigaw at gulat na sigaw ni Tita sa anak niya.

"I'm out," matigas na sabi nito bago tumayo at padarag na tumayo sa upuan niya.

"Oh my God, Natalie! I'm so sorry!" Puno ng simpatya na sabi ni Tita bago hinawakan ang kamay ko, nanatiling nakayuko lang ako at patuloy ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko.

He doesn't even like me...I thought...

"E-excuse me po..." Agad akong tumayo at walang lingon-lingong tumakbo palabas ng private room. Hinanap ng paningin ko si Terrence at agad akong tumakbo para maabutan siya.

"T-Terrence! W-wait!" Mabilis akong tumakbo at hinabol siya papuntang parking lot. Mariin akong napapikit nang maabutan ko siya at mahawakan sa braso.

"What do you want?!" impit akong suminghap nang hawakan ang braso at padarag na isinandal ako sa pader.

My eyes burned, my body trembled in nervousness.

"T-Terrence..." My voice is shaking.

"What?! You'll beg me to marry you?" Maanghang niyang tanong. Patuloy na tumutulo ang luha ko sa mga salita niya. "Telling me you love me can't give you a chance to make my heart melt, woman! Don't try to fool me! Kaya ka ba nakikipaglapit sa akin para matuloy ang walang kwentang kasal na 'yan? Para sa kompanya? Para sa sarili mo?" Napahikbi ako at umiling.

"You know what? You're a selfish brat. Paano naman ako? I'm gonna be stuck in a fucking marriage, ni hindi ako naging malaya! All I want is freedom and you're taking it away from me!" He exclaimed.

"N-no, I... I am not taking your freedom away from you. L-lahat ng ipinakita ko sa 'yo ay totoo. I... I really love you, Terrence," I confessed. Kahit na nanginginig ang boses ko ay kinaya ko pa rin magsalita.

"Fuck, woman. You can't fool me. Alam kong ginagawa mo ito dahil sa kompanya! Ano, inuto ka ba ni Mommy? How can you say you love me, huh? Hindi nga kita gaano katagal na kilala pagkatapos ay sasabihin mo sa aking mahal mo ako?!" He shouted right in front of my face.

"Hindi... Hindi ko ginawa 'yon para sa kompanya. Please, Terrence. Give me a chance to show my how true my feelings are," I begged. Nanginginig ang kamay kong hinawakan ang braso niya at niyakap siya. Sumandal ako sa dibdib niya at dama ko ang sunod-sunod at malalim na paghinga.

Patuloy lang ang paghikbi ko sa dibdib niya at mahigpit siyang niyakap. Mas lalong bumagsak ang luha ko nang pakiramdam kong huminahon siya at naramdaman ko ang kamay niya sa buhok ko at marahang hinaplos iyon.

"Please," I whispered. "I didn't know I was getting married to you. I h-had no idea. I did all that because I like–no, I'm in love with you, T. Even without the company, I'd want to marry you."

He breathed. Pumirmi ang palad niya sa buhok ko hanggang sa nabawasan na ang tensyon at galit niya.

"Give... Give me time to think," mahinahon niyang sinabi sa akin at niyakap ako pabalik.

"S-sorry" I managed to say in between my sobs.

"I'm sorry, too. Sorry if I shouted at you. I was mad. It's wrong," mahinahon niyang bulong sa akin. "Just that...my fucking temper was a pain in the ass. I shouldn't have..."

"I understand," I hummed.

Nanginginig ang katawan ko sa nararamdaman at pakiramdam ko ay bibigay ang paa ko.

"Fuck," he cursed when he noticed it. I felt his arm reach for my arms and waist to catch me.

"K-kaya ko," sabi ko at umayos ng tayo pero hindi ko nagawa dahil nanghihina pa rin ako dahil sa pag-iyak.

"No, you don't," matigas niyang sabi at naramdaman ko ang pagbuhat niya sa akin kaya napakapit ako sa leeg niya.

Naglakad siya karga ako papunta sa sasakyan niya at agad akong pinaupo sa passenger's seat. Marahang sinara niya ang pintuan at pagkatapos ay umikot para makasakay sa kabila.

Sumandal ako sa upuan at pumikit. Malalim ang paghinga ko at hindi pa rin nawawala ang sakit na nararamdaman ko sa sinabi niya. Napamulat ako nang marinig ko ang pagsara ng pinto sa side niya at sumulyap sa kanya.

Mariin ang pagkakakagat niya ng kanyang labi at mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela habang nakatulala lang sa harapan. Kumurap ako at naramdaman ko ang pagbasa ng pisngi ko kaya agad kong pinunasan para mawala.

"T-Terrence," mahinang tawag ko sa atensyon niya. Tumingin siya sa akin pagkatapos ay bumuntonghininga.

Napigil ko ang hininga ko nang punasan niya ang luha ko gamit ang daliri niya habang nakatitig sa akin.

"Don't cry, I'm sorry," he whispered. He heaved a deep sigh and caressed my face gently.

"Can you... Can you give me a chance?" I asked again.

He remained staring, watching me while considering.

"Let see," mahinang sabi niya at lumuwang ang paghinga ko dahil sa kanyang isang tipid na ngiti.

Taming My Billionaire (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon