Wattpad Original
Mayroong 8 pang mga libreng parte

Kabanata 7

302K 6K 135
                                    

Kabanata 7
Panaginip

"TERRENCE–"

"Get in," matigas niyang sabi ng binuksan niya ang passenger seat para sa akin.

His voice sounded like I don't have a choice to say no and I'm not planning to kaya sinunod ko na lang! Sinundan ko siya ng tingin ng lumapit siya sa kapatid niya at may sinabi.

Napigil ko ang hininga ng nakita ko siyang nag-jog habang lumalapit sa sasakyan. Seryoso pa rin ang mukha niya at agad ding nakasakay sa driver's seat at agad tumingin sa akin.

"Seatbelt," maiksing sabi niya pero lutang lang ang utak ko sa sinabi niya.

"Huh?" Umiling lang siya at lumapit sa akin para ayusin ang seatbelt ko, sobrang lapit niya at naamoy ko na ang kanyang panlalaking pabango.

God! Halos magtititili na ako sa tuwa.

"What are you two talking about?" Mahina niyang tanong at pinaandar ang makina ng sasakyan niya.

Teka, I thought he was going somewhere?

"Uh, tinatanong niya kung nasaan ka 'tsaka ihahatid na lang daw niya ako." Nangunot ang noo niya sa sinabi ko at pumirmi ang labi niya.

"Don't..." aniya kaya napatingin ako sa kanya. "H'wag kang papahatid do'n," he said out of the blue.

Napakurap naman ako sa gulat at nakagat ang labi ko.

"Huh? Why not?" I asked but he didn't answer. His jaw was still clenched, his forehead creasing.

Naguguluhan man sa asta niya ay naalala ko ang pagbalik niya kanina dahilan para matamis akong napangiti.

"'Di ba, sabi mo aalis ka?" Tanong ko at pinaglaruan ang pouch ko habang nakatingin sa kanya.

"Hmm..." He hummed.

"Bakit mo ako binalikan? Out of the way, 'di ba?" Naging ngisi ang ngiti ko nang madaanan ng tingin ko ang bahagyang pagkunot ng noo niya.

May nabubuo ng rason sa utak ko, e, but I don't want to spoil it right away!

"Binalikan mo talaga ako?" Masayang tanong ko sa kanya at hindi ko na maitago ang sayang nararamdaman ko ngayon.

"No, they just cancelled the meeting," sagot niya at umiling.

Dapat ay ma-disappoint ako sa sinabi niya pero sa halip ay nasiyahan, nagpapasalamat sa nag-cancel ng meeting!

Nakangiting nakatitig lang ako sa kanya habang nagmamaneho at halata ang pagkailang niya rito.

"Ang bait mo, babe!" I praised, still gawking at him obviously.

"Stop staring," he said seriously but I noticed his cheek reddened. Napahagikhik naman ako at kinagat ang labi.

"Sa Varres lang ako." Ngiti ko, sumulyap siya sa akin at pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa daan.

"I know," he answered. Natigilan naman ako at nanlalaki ang matang napatingin sa kanya.

"Really?!" Gulat kong sabi.

Alam niya?! Ibig sabihin stalker ko siya?! Gusto niya rin ba ako?! Kumerengkeng na naman ang assumera kong isip pero wala namang masamang mag-aasume, 'di ba? Malay mo!

"Not what you're thinking," putol niya sa mapanghangad kong imagination kaya napangiwi ako.

"Panira ka ng pangarap, a?" ismid ko.

He scoffed.

"Paano ako naging panira? If I know ako kaya ng pangarap mo." I stiffened. My jaw dropped when my brain processed what he just said, the oozing confidence laced in his tone.

Taming My Billionaire (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon