Kabanata 2
FiancéWAIT, am I dreaming? O kaya ay hallucinating?
Naparami ata ang inom ko! Kasi imposible! 'Di ba?!
Maya-maya pa ay nanliit ang mata ko at humagalpak ng tawa.
Nag-iilusyon na siguro ako! Masyado na ata akong nababaliw kay Terrence. Nakikita ko siya sa sobrang kalasingan! 'Di ba?! O lasing na ba ako talaga? Baka oo!
Bahagya ko siyang tinulak at tinitigan, nakakunot ang noo ng gwapo niyang mukha.
"Baliw ka na, Natalie!" I murmured at pinalo ang ulo ko.
Bahagya akong natumba at agad namang humigpit ang hawak sa baywang ko para alalayan ako patayo. Napasubsob ako sa dibdib niya kaya naamoy ko ang pabango niya.
I shrugged the imagination away.
No! Lasing lang ako masyado! Paanong mapupunta dito si Terrence? Hindi naman siya tambay sa bar na 'to!
Tinulak ko siya ulit pero masyado siyang malakas kaya hindi ko nagawa
"Bitiwan mo nga ako!" Tinulak ko siya pero hinigpitan niya ang hapit sa baywang ko kaya ini-angat ko ang tingin ko at kinurot ang pisngi ng ilusyon na mukha na Terrence sa harap ko.
I'm dreaming?
"Fuck!" Sabi nito at napangiwi. Humagikhik ako at mas kinurot ang pisngi niya.
"Bakit kamukha mo si Terrence?" Lutang kong tanong. Tinuro ko ang mukha niya at tumawa na parang nahihibang.
Hinimas niya ang kinurot kong pisngi niya at binaba ang daliri kong nakaturo sa kanya
"It's me," he said. Umiling ako at tinawanan siya.
"Doppelganger ka, ano?" Kumunot ang noo niya at tinitigan ako.
"No."
"Weh?" Tinignan ko siya na parang isang napakalaking joke at natawa na naman.
Nagpapanggap siyang si Terrence! Isa pa, paano naman ako mapapansin ng isang Terrence Samaniego? Never in my dreams!
I stared at him, he stared back at me. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang kakaibang pakiramdam ng mga titig na iyon.
It was a cold gaze, a very familiar one, and that kind of intensity? That you could never make inside your daydream. Natigil ako bigla.
Is this really Terrence?! Pero, bakit naman? I mean...
My eyes fell on his reddish lips. I swallowed the lump in my throat before catching his intense gaze again. Madilim iyon at malalim, tila nanghahalina't nang-aakit.
His jaw clenched. I moistened my lips.
It wasn't a dream, was it?
Nawala ako sa hinagap nang bigla niyang hinapit ang baywang ko at inatake ang labi ko. His kisses were rough, and his tongue found its way to the opening of my mouth in an instant. Noong una ay tulala pa ako pero nang madarang at dumiin ang halik niya ay kaagad akong gumanti.
He held my waist tightly at napapikit na rin ako at sinabayan ang halik niya. I wrapped my arms around his nape and deepened the kiss.
Nangingiti ako habang hinahalikan siya at hindi pa rin ako makapaniwala. He's actually here in front of me! Terrence Samaniego just noticed me and we're making out in the middle of the dancefloor! Goodness!
Halos mawalan na ako ng hininga pagkatapos ang halikan namin at napatingin ako sa kanya.
Nag-iinit ang pisngi ko at umapuhap ang nagwawalang puso. He stared at me with his jet-black eyes but somehow it wasn't that cold anymore. Malamlam na ito at malambot habang nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Taming My Billionaire (Published under PSICOM)
General FictionHot Bachelors Series #2: After spending a hot fiery night with the man of her dreams, Natalie Sena Paige is devastated to wake up and find him not wanting her. But soon, she discovers that she's set to be engaged and married to her one and only love...
Wattpad Original
Mayroong 13 pang mga libreng parte