Kabanata 1

2.8K 52 0
                                    

Maria Asia Falogme

"Asia, sa tingin mo bakit kaya tayo pinagtipon tipon ngayon?" Tanong ng kasamahan ko na si Pearl na nasa bandang unahan ko.

Naka linya kasi kaming mga hoteliers sa loob ng isang hall. Nagpatawag kasi ng meeting ang GM, dahil may i-a-announce siya.

Ngumuso ako at umiling iling sa tanong ni Pearl bilang sagot. "Ahh.." Pearl gasps ng paluin siya ng Director of Housekeeping gamit ang ruler na mahaba "Masyadong mataas ang palda mo." Ani nito.

Yumuko na lamang si Pearl sa sinabi nito. Naglakad palapit sa akin ang DOH at tinignan akong mula ulo hanggang paa. "Kapalan ang make- up." Ani niya sa akin bago ako nilagpasan. Hindi ko kasi hilig ang makapal na make-up dahil hindi ito masyadong maganda sa mukha.

Bumukas ang pintuan ng hall kaya napatingin ang halos lahat doon kasama ako. Pumasok ang GM kasama ang ilang Directors at isang lalaki na ngayon ko lang nakita, sinundan ko sila ng tingin hanggang sa tumigil sila sa harapan namin. Lahat sila ay naka tuxedo at kagalang galang tignan.

GM cleared his throat bago nagsalita.  "Siguro nagtataka kayo kung bakit ako nag patawag ng meeting." Bahagya akong tumango tango sa sinabi niya. Tumingin siya sa relo niyang naka ikot sa palapulsuha. "Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Our CEO is on vacation kaya inatasan niya ang anak niyang pumalit sakanya. Riff Zander Buerano will be our temporary CEO." Aniya at tumingin sa katabi niyang lalaki na bago sa akin ang itsura.

"I'll be your temporary CEO.. so be good to me." Aniya bago ngumiti. Narinig ko ang ilang tilian ng babaeng kasama ko sa pila kaya napa iling na lang ako.

Madami pa silang sinabi ngunit wala ng pumasok sa isip ko. Ilang sandali pa ay nag paalam na sila at isa isang lumabas.

Pumwesto sa gitnang harapan ang DOH "Stacy, Aly, Merlene at iba pang tumili maiwan kayo." Aniya habang nilalaro ang ruler sa gilid ng hita niya.

Lumabas na ako kasama ng mga hoteliers na hindi na banggit. "Ang gwapo ni GM noh!?" Pigil na tili ni Pearl na siyang kasabay ko sa paglalakad pabalik sa front desk.

"Ewan ko sayo. Ano gwapo sa lalaking tinubuan ng buhok sa mukha?" Nang aasar na tanong ko sakanya na ikinasimangot niya. "Gwapo kaya siya. Ang sarap pang halikan." Ngumiwi ako sa sinabi niya at halos maduwal ako ng isipin ko ang gusto niyang mangyari.

Nang nakabalik na kami sa front desk ay pumwesto na kami. Ngayon ay sa front desk ako, noong nakaraan kasi ay taga linis ako ng kwarto at masasabi kong mas madali ang trabaho kung sa front desk ka. Masakit nga lang sa paa dahil magdamag kang nakatayo.

Lumipas ang oras at maraming nag check in. Isa kasi ang El Buerano sa sikat na hotel sa manila.

Nakita kong sunod sunod nang pasukan ng mga taong naka formal na damit. "Ang taray! Sana ganyan din tayo Asia. Pa company company party na lang." Wika ni Pearl na nasa tabi ko.

May nag pa reserve daw kasi ng isa sa malaking function hall ng hotel na ito para sa company party. I sighed. "Oo nga eh. Bakit kasi pinanganak tayong mahirap eh." Tugon ko sakanya at pinanood ang mga pumapasok sa hotel.

May babaeng nag check in kaya inasikaso ko iyon. Naka akbay sakanya ang lalaking parang halos wala ng malay. "Nalasing na ang boyfriend ko eh." Sabi ng babaeng naka royal blue at bahagyang nakakulot ang buhok sa ilalim. Napansin siguro niya ang pagsulyap sulyap ko sa kasama niya.

Ngumit ako at tumalikod para kunin ag susi nang kwarto na para sakanila. Nang maka alis sila ay muli kong pinagsawa ang mata ko sa mga long gown ng babaeng bisita.

Tumingin ako sa malaking orasan ng hotel na nakatayo sa gilid ng makaradam ako ng pagod. Mag a-alas otso na pala isang oras na lang at dadating na ang kapalitan ko.

"Miss may nag check in po ba ditong ang pangalan ay Kenzo Romnick o..o Graciella?" Natatarantang tanong ng isang babae sa akin. "Sorry Miss bawal po kaming mag bigay ng information." Magalang na sabi ko dahil bawal naman talaga iyon. Isa iyon sa rules namin. Minura niya ako at sinigawan na ikinagulat ko, sa halos mag iisang taon ko na dito ay ngayon lang ako nasigawan ng customer "His my husband! Just answer my question!" Ibubuka ko sana ang bibig ko ng makita ko ang lalaki sa likuran niya. "It's okay sabihin mo na sakanya." Uto niya sa akin kaya yumuko na lang ako at tumingin aa monitor na nasa harapan ko. "Mam wala pong Kenzo pero may Graciella po sa room 506." Magalang na sabi ko pa din. Mabilis na naglakad ang babae paalis kaya naiwan ako at ang temporary CEO na siyang nasa likod ng  babae kanina.

"Sorry about that." Aniya. Yumuko lang ako at nakinig sa sinasabi niya. "She's my bestfriend's wife. Don't worry hindi ka matatanggal dahil sa pagsuway mo sa rules.. Miss.." nag angat ako ng tingin at tinignan siya. "Miss Falogme." Dugtong niya.

Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya pinanatili ko na lang na nakatikom ang bibig ko.

"Asia! Naku.. sorry na late ako. Sige na palit ka na para makauwi ka." Sabi ng humahangos na si Kyla na siyang kapalitan ko.

"Miss Ursais, next time don't be late." Ani ni Sir Buerano. Nanlaki ang mata ni Kyla sa nakita at humingi agad ng paumanhin. Mukhang mas nauna silang naka alam kaysa sa amin na pang umaga.

Nag excuse na ako sakanila at naglakad na papunta sa mga lockers ng hoteliers.

Nang makapagpalit ako ay naglakad na ako palabas ng hotel. "Bye Asia." Paalam sa akin ng gwardya ng hotel.

Nakakatuwa sa hotel na ito dahil lahat kami ay magkakapamilya kung magturingan. Lahat kami ay magkakasundo.

Ngumiti ako sa gwardya bago tuluyang lumabas sa hotel. Naglakad ako papunta sa sakayan ng pampasaherong jeep papunta sa bahay na nirerentahan ko.

"Asia, ipapaalala ko lang na bayaran ng upa sa susunod na linggo ah." Ani sa akin ng may ari ng bahay na nire rentahan ko. "Opo i aabot ko na lang po sa inyo." Sagot ko sakanya atsaka umakyat sa bahay na tinutuluyan ko.

Pagpasok ko ay bumugad sa akin ang napakadilim na paligid. Kinapa ko ang switch ng ilaw sa gilid at pinindot iyon para mag on. Lumiwanag sa paligid.

Tuluyan akong pumasok sa loob. Nakaramdam na naman ako ng pag iisa. Wala na akong magulang. Namatay si Mama a year pagkatapos akong ipanganak, makalipas ang limang taon ay sumunod si Papa. Kinuha ako ng tiyahin ko noon para maging tindera sa medyo maliit niyang tindahan ang kapalit ay pagpapa aral sa akin.

Nang mag dise otso ako ay pinalayas na ako ng tiyahin ko sakanila kaya simula noon ay nasanay na ako na mabuhay ng mag isa. Naghanap ako ng kahit na anong trabaho para mabuhay ang sarili at matuloy ang pag aaral.

Naglakad ako sa isang parte ng kwarto ko kung saan nakapatong ang kalanan at sa tabi noon ay ang lagayan ng pinggan. Kinuha ko ang sardinas sa drawer ng platuhan, doon ko itinatago ang mga delata ko at instant noodles upang hindi pagdiskitahan ng daga.

Ginisa ko ang sardinas kasama ang kamatis at sibuyas ng matapos ay nagsaing ako ng isang gatang ng bigas.

Nang maluto iyon ay hinain ko na sa lapag iyon at kinain ng masagana.

Niligpit ko ang kinainan ko bago nilatag ang foam na tinutulugan ko.

Sa loob ng napakaliit na kwartong ito ay madami na akong nagagawa dito. Madami na din ang pinagsamahan namin ng maliit na apat na sulok ng kwartong ito.

Last Seconds (Completed) TOL #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon