Party
Mahigit dalawang buwan na simula ng niligawan ako ni Sir Zander. Simula ng magtapat siya ay niligawan na niya ako.
Pero hanggang ngayon hindi ko pa din maintindihan. Bakit? Bakit ako?
"Asia!" Napalingon ako kay Pearl na nangingisay ngisay ng tinawag ako. Ngumuso siya sa harapan at nakita ko si Sir Zander na may dalang bouquet of tulips habang may malaking ngiti sa labi.
"Good morning Asia." Bati ni Sir Zander ng makalapit siya sa amin. Bumilis ang pintig ng puso ko sa sobrang tuwa. Hindi ko itatangi na pa konti konti ng nahuhulog ang loob ko sa lalaking ito. "Good morning Sir Zander." Bati ko pabalik.
Huminga siya ng malalim at alam ko ang dahilan noon. Gusto niyang tawagin ko siya sa pangalan niya at hindi sa Sir Zander, na hindi ko magawa. Naiilang kasi ako at parang hindi maganda na nasa trabaho kami at ang tawag ko sa CEO ay sa pangalan lang niya.
"May kasabay ka ng mag lunch?" Tanong niya sa akin. Napatingin naman ako kay Pearl habang tinuturo ito. Nakita kong umiling si Pearl. "Hindi kami magkasabay." Sambit niya na nagpanganga sa akin.
Anong hindi? Palagi kaming sabay ah. Tumingin ako Kay Sir Zander at nakita ko kong nakangiti siya ng malapad.
"See you at lunch Asia." Aniya na nagpatayo ng balahibo ko sa buong katawan. Hindi ko alam kung paano niya nagagawa iyon sa pamamagitan lang ng pag banggit ng pangalan ko.
"Yieeee.. bye Sir." Paalam ni Pearl na kinikilig kilig pa. Sinuway ko siya na ikina nguso niya. "Kunwari pa! Kinikilig naman." Dagdag pa niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Mabilis lumipas ang oras at sumapit ang lunch break. Paano ako kakain ng maayos nito!?
Mauuna na sana akong mag lunch at iiwan si Sir Zander ng hindi pa siya dumadating. Si Pearl kasi ay sa labas nag lunch.
Pag dating ko sa canteen ay halos matisod ako ng hindi ko tinignan ang nilalakaran ko at napokus ang mga mata ko sa lalaking naka upo sa pang dalawahan na silya at nakatingin sa akin. Si Sir Zander.
Dahan dahan akong naglalad papunta sakanya. "Zan- Sir Zander.." tawag ko sakanya. Tumayo naman siya at inalalayan akong umupo. Halos hindi ko naman maigalaw ang leeg ko dahil baka kapag ginawa ko iyon ay takasan ako ng lakas loob ko dahil alam kong kanina pa may nakatingin sa amin.
Bakit nama hindi di ba!? Isang staff kasabay mag lunch ang CEO.
Napansin kong punong puno ng pagkain ang lamesa niya. "Eat Asia. Ang payat mo." Aniya. Napaiwas ako ng tingin.
Pinilit kong lunukin ang pagkain kahit na naiilang ako sa presensiya niya. "Asia... are you free tonight?" Tanong niya nang matapos kaming kumain.
Natigilan naman ako. Wala akong gagawin mamayang gabi pero bakit niya kaya tinanong? "Wala Sir Zander."
"Zander." Aniya. Sinasabing iyon na lang ang itawag ko sakanya. "Z-zander." Pag uulit ko na ikina ngiti niya. "Ang sarap pakinggan." Aniya "Nga pala bago ko makalimutan. Gusto sana kitang isama sa party na a-attend-ang kong bagong bukas na hotel."
Tatangi sana ako pero nakita ko na ang mga mata niyang nagsasabing pumayag ako.
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga bago ako marahan na tumango.
"Thank you." Aniya ng naka ngiti ng malapad.
Itinuon ko naman ang pansin ko sa pagkain at pinilit kong kumain kahit na naiilang ako dahil sa mga matang nasa paligid namin na nakatutok aa amin.
----
Manghang mangha ako sa ganda ng condo na tinitirhan ni Pearl, hindi ko alam na mayaman pala siya. Akala ko pareho kami dahil nagta trabaho din siya sa hotel pero mali ako.
BINABASA MO ANG
Last Seconds (Completed) TOL #3
General Fiction"I just want to be happy before that time comes... to be happy until the last seconds of my life..." Maria Asia Falogme Copyright © 2015 A novel by: Myka Baladjay