They thoughts...
Nahihilo ako ng idilat ko ang mga mata ko pero hindi ko inaalintana ang pakiramdam na iyon dahil sa mainit na bisig na nakabalot sa katawan ko.
Napangiti ako ng maalala ko ang nangyari kagabi. Hinding hindi ko pag sisisihan na sakanya ko binigay ang iniingatan ko. Dahil kagabi ay pinaramdam sa akin ni Zander na isa akong mahalagang babae.
Naramdaman kong gumalaw ang braso ni Zander at niyakap pa akong lalo. Ang palad niyang nasa likuran ko kanina ay lumipat sa buhok ko at marahan itong hinaplos. Napapikit ako sa sarap ng ginagawa niya. Pakiramdam ko alagang alaga niya ako. Pakiramdam ko isa akong bata na bini baby pa.
"Are you awake?" Halatang bagong gising pa ang boses niya ng magsalita siya. Bahagya akong tumango. "Anong nararamdaman mo? Masakit pa ba? Nagugutom ka na ba?" Nagaalalang tanong niya. Hindi ko alam ang isasagot ko.
Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Masakit pa nga pero hindi naman ganon kasakit. "Hindi na at hindi pa." Sagot ko sakanya.
"Kailangan kong pumasok. Wag ka na lang pumasok. Dito ka na lang o kaya kuhanin mo ang mga damit mo lipat ka na dito." Sabi niya.
Natuwa ako sa sinabi niya. Gusto na niya akong makasama? Pero napawi ang saya ko ng pumasok sa isip ko na magiging live in kami. Pero wala naman akong karapatan na mag demand di ba? Ni hindi ko pa nga alam ang relasyon namin eh.
"Papasok ako at okay lang ako sa tinitirhan ko." huminga ako ng malalim pagkatapos kong pakawalan ang nga salitang iyon. Tiningala ko siya para makita ko ang reaksyon niya.
"Pero... gusto kitang makasama araw araw." maramdaming aniya.
"Hindi pa pwede. Ni hindi ko pa nga alam ang relasyon natin tapos gusto mo magsama na tayo?" sabi ko sakanya. kumunot ang noo niya.
"Hindi pa malinaw sayo kung ano tayo? hindi ba sinabi ko ng mahal kita! akala ko nagkalinawan na tayo!?" naiinis na aniya. bahagya na ding bumilis ang paghinga niya dala siguro ng frustration.
umupo ako habang hawak ang kumot na magtatakip sa dibdib ko, bahagya kong kinagat ang ibabang labi mo.
Tama siya. Malinaw sakanya ang nararamdaman niya pero sa akin? hindi ko alam. Mahal ko na ba talaga siya? paano kung hindi pala?
naramdaman kong umupo na din siya. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. "Mahal kita Asia. Kung iniisip mo naman na balak lang kitang gawing ka live in at hindi papakasalan. Please. Stop it. Handa kitang pakasalan kahit saang simbahan sa iba't- ibang parte ng mundo." puno ng assurance ang boses niya. "Mahal din kita." mula sa pusong banggit ko.
Iniharap niya ang mukha ko sakanya at nakita ko ang malapad niyang ngiti. "Say it again." pag uutos niya. Tinignan ko siya sa mata at sinigurado kong makikita niya ang pagmamahal sa mata ko bago ko sinabi ang gusto niyang marinig. "Mahal kita Zander."
Inilapit niya ang mukha niya sa akin at inangkin ang labi ko.
----
Nag kalinawan na kami ni Zander sa mga nararamdaman namin pati ang pag tira sa bahay niya ay napag usapan na namin.
Pumayag siyang sa apartment ko na tinutuluyan ko ako patuloy na tumira dahil sabi ko nagkikita naman kami sa trabaho.
Hindi na din kami nakapasok sa trabaho kaya nanood na lang kami at nagpalipas ng araw sa unit niya.
Nang mag gabi na ay nag aya na ako kay Zander na uuwi ako. Hinatid niya ako kahit sabi ko ay wag na.
"Sunduin kita bukas ah." sabi niya ng nasa kanto na kami malapit sa tinutuluyan ko. Dito lang kasi ako nagpahatid dahil ayaw kong makita niya ang maliit na tinutuluyan ko.
Marahan akong tumango bilang sagot sa sinabi niya kahit na mukhang hindi naman siya nagtatanong.
"Bye." paalam ko at ako na ang kumalas ng seatbealt sa katawan ko. Nang bubuksan ko na ang pinto ay pinigilan niya ako kaya napatingin ako sakanya. Bigla niyang inilapit ang mukha niya sa akin at pinaglapat ang labi namin. Pagkatapos ng saglit na halik na iyon ay pinadaan niya ang daliri niya sa gilid ng labi ko. "Bye Baby ko." malambing na sambit niya na nagpawala sa pagtibok ng puso ko.
Ilang saglit akong natulala. "Ahmm...Sige. Bye." paalam ko sabay baba sa sasakyan niya.
---
Pilit kong inaalis ang pagkakahawak ni Zander sa palad ko dahil halos lahat ng empleyado niya ay nakatingin sa amin.
Nang maka pwesto na ako sa reception desk ay pinaghahampas ako ni Pearl. "Sabi na eh! Tama ako! Kayo na?" Impit na tili ni Pearl. Pinamulahan ako ng mukha at bahagyang tumango.
Hinampas niya akong muli sa braso at nagpakawala ng tili niya bago huminto at ngingiti ngiti na lang.
Sa halos one fourth ng hoteliers ay isa si Pearl sa natuwa sa relasyon namin ni Zander, karamihan kasi sa hoteliers ay masasama ang tingin sa akin.
Lumipas ang dalawang linggo at ganon pa din ang tingin sa akin ng ibang hoteliers. "Siguro piniperahan ni Asia si Sir. Madiskarte din pala siya sa buhay no!?" narinig kong sabi ng isang hotelier mula sa labas ng cubicle.
Nakayukong lumabas ako ng cubicle at kunwari ay wala akong narinig.
Bumalik ako sa pwesto ko at inisip ang sinasabi ng mga hoteliers. Minsan ay nai kwento ko na kay Pearl ito at paulit ulit niyang sinasabi na huwag akong mag pa apekto, pero paano? paano ko gagawin iyon?
Sa bawat lumalabas sa bibig nila ay apektadong apektado ako kahit na hindi naman totoo.
Nag vibrate ang phone ko na nakalagay sa ilalim ng lamesa ng reception desk kaya kinuha ko iyon.
Isa pa ito! nalaman ng hoteliers na kay Zander galing ang phone ko kaya nagalit sila lalo. Tinangihan ko ito kay Zander ngunit pinilit niya. Gusto ko man na sabihin na baka kung anong isipin ng ka trabaho ko ay hindi ko magawa dahil hindi magandang tignan ang ganoon, amo ko pa din si Zander kapag nasa hotel.
Zander
Baby, Hindi tayo magkakasabay na umuwi may meeting pa ako.
Natatawa ako kapag naiisip ko na pinapalitan ni Zander ang pangalan niya sa phone ko. Zander lang kasi ang nilagay kong name at pinapalitan niya iyon ng 'Baby <3' pero pinapalitan ko din iyon. Gusto kong naasar si Zander dahil ang cute niyang tignan.
Tumayo ako kasabay ng pagtipa ko sa phone ko, kaso ay naihinto ko iyon ng makaramdam ako ng pag ikot ng paligid ko.
"Okay ka lang Asia?" nag aalalang tanong ni Pearl at inalalayan akong umupo. Bahagya akong tumango sa tanong niya. "Okay lang. Siguro napagod lang ako ngayong araw."
BINABASA MO ANG
Last Seconds (Completed) TOL #3
General Fiction"I just want to be happy before that time comes... to be happy until the last seconds of my life..." Maria Asia Falogme Copyright © 2015 A novel by: Myka Baladjay