Zander
"Bye Iha. Balik ka ah." Ani ng mama ni Sir Buerano habang nakataas sa ere ang palad. Ngumiti lang ako sakanya bago sumakay sa sasakyan, nang maisara ni Sir Buerano iyon ay agad naman siyang lumapit sa mama niya at hinalikan iyon sa pisngi bago lumapit sa sasakyan at pumasok sa driver's seat.
Minaobra niya iyon. Bawat isa sa amin ay walang umiimik, tanging paghinga lang ang naririnig sa loob ng sasakyan.
Pinaglaruan ko ang mga daliri ko dahil hindi ko alam kung paano ako magsasalita at magtanong.
Suminghap ako at nanoot sa ilong ko ang pinag halong pabango ng sasakyan at panglalaki na amoy ni Sir Buerano.
"Ahmmm..." panimula ko na mula sa pagkakatingin sa harapan ay bumaling ako sakanya nakita ko ang paglingon niya sa akin at pag tingin muli sa harapan. "S-sir Buerano, saan niyo po ako dadalhin?"
He chuckled "Please Asia, Just Zander. Pakiramdam ko si Papa ang tinatawag mo kapag binabanggit mo ang Sir Buerano." Aniya. "Pero Boss ko po kayo kaya --.." hindi niya ako pinatapos sa sasabihin ko nang mag salita siya. "Please Asia.." aniya kaya napakagat ako sa labi.
Naputol ang usapan namin ng huminto ang sasakyan niya kaya agad akong tumingin sa paligid at nakita ko ang magkakatabing restaurant.
Nilingon ko si Zander-- pina praktis ko sa isip ko na tawagin siya sa pangalan niya-- ibubuka ko sana ang bibig ko upang magtanong ng nagsalita siya. "Dinner date?" Aniya na nagpapula sa pisngi ko. Ito ang unang pagka kataon na may nag alok sa akin ng date. Pero busog pa ako.
"Pero Si-" pinutol niya ang sasabihin ko "Zander." Aniya. Huminga ako ng malalim "Pero Sir Zander busog pa po ako." Wika ko.
"Ganoon ba? Maybe tomorrow? Kukunin kita after work." Aniya at muling pina andar ang sasakyan niya.
Hindi ko alam kung paano siya tatanggihan sa alok niya kaya pinanatili ko na lamang na nakatikom ang labi ko. Bukas hindi na lang ako sasama sakanya.
Huminto kami sa harap ng El Buerano kaya agad akong bumaba at naglakad papasok. "Dapat hinintay mo ako Asia." Nagulat ako ng nasa tabi ko na siya at sinasabayan ang lakad ko.
"Thank you pala sa pagligtas mo sa akin kahapon..." aniya na nagpahinto sa akin. Hinarap ko siya at napaiwas din ako ng tingin dahil nakatitig siya sa labi ko. Muli ay naalala ko ang paglalapat ng labi namin. "O-okay lang po. At kung inaya mo ako ng dinner para doon, huwag na po. Okay na. Simpleng thank you lang okay na. Excuse me." Sabi ko at naglakad muli pero ngayon ay binilisan ko na.
"OMYGOD! Asia. Ano!? Kamusta? Masarap ba?" Tanong ni Pearl sa akin na ikinapagtaka ko. Paano niya nalaman na kumain kami sa mama ni Zander?
"Masarap naman." Kahit nagtataka ay sinagot ko pa din ang tanong ng kaibigan ko. Napapikit ako ng tumili si Pearl. "Really!? OMYGOSH! ginawa niyo na iyon? Pero Im sure mas masarap si General Manager." Aniya na ikinunot ng noo ko.
"Anong sinasabi mo? Kumain lang kami sa bahay ng mama niya. Nag thank you sa akin ang mama niya dahil niligtas ko si Sir Zander." Sambit ko.
"Ayyy... ganon?" Nadi disappoint na sabi niya. "Kala ko pa naman! Sayang naman..." ngumuso siya at pumangalumbaba. Umiling na lamang ako bago tumingin sa harapan. Napaayos ako ng tayo ng makita ang isang babae na papalapit sa pwesto ko.
Naka sunnies ito at naka black midriff top na pa halter ito at naka fitted jeans at naka killer shoes. May bag na naka angkla sa braso nito ang buhok niyang diretsong diretso at bahagyang kulot sa ilalim at ombre ang kulay na pink, violet at blue at ang diretsong buhok ay blonde brown ang kulay. Sumisigaw ang babae ng karangyaan.
Ang bawat pag hampas ng balakang nito kapag naglalakad ito ay parang nagsasabi na 'Hey! Look at me.'
"Hi. Im Tanya, Zander's girlfriend. Can you call him?" Aniya ng makalapit sa akin. Ang boses niya ay napaka ganda bahagya itong sweet na sexy. Lahat ng lalaki ay mahuhulog sa ganda nito.
"Ahmm.." hindi ko alam ang isasagot ko kaya tumingin ako kay Pearl na nakatingin din pala sa babae. "What!? Ano miss!? Titigan niyo na lang ba ako!?" Naiinis na wika niya.
Hindi ko alam kung sinong Zander ang hinahanap niya. Si Sir Zander ba o iyong guest na Zander din ang pangalan.
Itatanong ko na sana kung sinong Zander ang hinahanap niya ng mahagip ng paningin ko si Sir Zander na naglalakad papunta pwesto namin ni Pearl. Titig na titig siya sa akin na parang inaakit ako. Nagkabuhol ang dila ko at parang nakalimutan ko kung paano magsalita kaya itinaas ko ang hintuturo ko at itinuro siya. Lumingon ang babaeng nag ngangalan na Tanya.
Ang titig ni Zander ay nasa akin pa din. Lumapit ang babae sa kanya at inangkla ang isang braso sa leeg nito bago hinalikan. Napabilis ang tibok ng sobra ang puso ko at parang nahihirapan akong huminga. Anong nangyayari sa akin?
Napahawak ako sa puson ko ng sumakit iyon, sa sobrang sakit ay pakiramdam ko namumutla ako.
"Pearl, Bathroom lang ako." Paalam ko kay Pearl at naglakad papunta sa banyo.
Napaka haba ng daan papunta sa banyo. Ayun ang nasa isip ko habang naglalakad. Napahawak ako sa puson ko ng muling sumalakay ang kirot. Umikot ang paligid ko at nagpapawis ng malamig.
Humakbang ako ng ilang beses at biglang nagdilim ang paningin ko.
----
Nang imulat ko ang mga mata ko ay nasa isang kwarto ako ng puro puti. "Are you okay?" Napalingon ako sa may ari ng boses na iyon na walang iba kung hindi si Sir Zander.
Tumango ako at inalala ang nangyari. "Dysmenorhea lang daw. You're here sa clinic." Aniya. "And a.. I buy what ypu need. Sanitary and new underwear." Nahihiyang dagdag pa niya bago umiwas ng tingin.
Binilhan niya ako ng underwear? At sanitary? Nakakahiya! Pero bakit kailangan niyang gawin iyon?
"Salamat Sir Zander pero hindi mo na kailangan na gawin iyon." Wika ko sakanya.
Hindi naman niya kailangan na gawin iyon. Hindi iyon gawain ng CEO sa staff niya.
"Bakit hindi?" Tanong ni Sir Zander. "Kasi CEO kayo at staff niyo ako." Wika ko.
"So? Ano naman!? Porket CEO ako bawal ko ng gustuhin ang staff ko?" Aniya na nagpawala sa isip ko. Gustuhin? Anong ibig niyang sabihin?
Tumingin ako sakanya ng nagtataka. Inangat niya ang kamay niya at inabot ang kamay ko bago dinala iyon sa labi niya upang kintalan ng halik.
"Asia, I like you. Gusto kita. Sa unang beses pa lang ng nakita kita naagaw mo na ang atensyon ko." Seryosong sabi niya. Nagtatapat ba siya sa akin ng nararamdaman niya?
Hindi ko maintindihan. "Hindi ba may girlfriend ka?" Tanong ko sakanya. "No. Hindi ko girlfriend iyon. She's my ex. Matagal na kaming hiwalay. Sinabi ko na sayo hindi ba? Mahigit isang taon na kaming hiwalay." Pagpapaliwanag niya.
Umiling ako. Hindi ko maintindihan... bakit ako?
BINABASA MO ANG
Last Seconds (Completed) TOL #3
General Fiction"I just want to be happy before that time comes... to be happy until the last seconds of my life..." Maria Asia Falogme Copyright © 2015 A novel by: Myka Baladjay