Kabanata 9

1.2K 33 0
                                    

Ang sakit

Hindi niya dapat malaman. Salitang paikot ikot sa utak ko habang pinapanood ko si Zander na ipagluto ako ng isang putahe na paborito niya daw.

Naka suot siya ng apron at makisig na gumagalaw sa kusina habang ako naman ay nakaupo lang sa isang stool.

Hinaplos ko ang sinapupunan ko. 'Baby.. bubuhayin kita kahit na anong mangyari kahit na ikamatay ko pa. Kaya kapit ka lang ah.' Bulong ko sa likod ng utak ko.

Kailangan kong bumuo ng desisyon. May ipon pa naman akong pera kahit na konti lang iyon siguro sapat na iyon para makalayo ako kay Zander at maipagamot ko ang sarili ko.

Ayokong kapag nalaman niya ang sitwasyon ko ay gastusan niya ako. Baka kung anong isipin ng mga tao. Baka sabihin nila ginagamit ko si Zander. Hindi iyon totoo.

Ang tunog ng paglapag ng plato ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan mula sa pag iisip ng malalim.

Nakita kong inilapag niya ang Carbonara. Amoy pa lang ay mabango na.

Tinignan ko si Zander na nakatingin na din pala sa akin nag aantay ng sasabihin ko. Tumaas ang kilay niya. Nagtatanong.

Ngumiti ako. "Mabango." Ngumiti siya pabalik sa akin bago naglakad papunta sa likod ko at niyaka ako mula sa likod ang baba niya ay nakapatong sa balikat ko. "Mas mabango pa sa akin?" malambing na wika niya. Natawa ako sa sinabi niya. "Ewan ko sayo." natatawa ko pa rin ako ng sinagot ko siya.

Inabot niya sa akin ang tinidor kaya kinuha ko iyon at sumandok ng Cabonara. Nang isinubo ko iyon ay agad kong naitakip ang isang kamay ko sa bibig ko.

"Anong problema?" napabitaw sa pagkakayakap si Zander sa akin kaya kinuha ko ang pagkakataon na iyon para tumayo at tumakbo papunta sa lababo.

Nagduduwal ako sa lababo. Naramdaman ko ang presensya ni Zander sa likod ko. "Anong problema?" tanong niya muli kasabay ng paghagod ng palad niya sa likod ko.

Naghilamos muna ako bago ako humarap sakanya at umiling iling. "Okay lang ako. Ulcer ata hindi kasi ako nakakain kanina." dahilan ko sakanya.

Nakakunot ang noo niya at tila sinusuri ako. "Simula ngayon kakain ka na sa tamang oras." aniya. Tumango tango ako at ngumiti. Pinagmasdan ko ang mukha niya at nababakas doon hindi niya paniniwala sa sinabi ko pero konti sakanya ang kumbinsido na, na may ulcer ako.

Nang bumalik kami sa hapag ay tinulak ko ng marahan palayo sa akin  ang plato ng carbonara.

"Ayaw mo nito? anong gusto mo?" tanong niya. at wala pang dalawang isip pumasok na sa isip ko ang mushroom and cheese.

"Pagkain na may mushroom and cheese." Natatakam na wika ko. "May cheese naman ang Carbonara at mushroom." aniya.

"Ayoko ng may gatas." sagot ko naman. "Okay. Order na lang tayo." sabi niya bago tumayo at kinuha ang phone niya.

Nag order nga siya at kumain kami. Pagkatapos ay nanood kami ng kung ano ano at doon na ako inabutan ng pag bagsak ng mata ko.

Nang idilat ko iyon ay madilim na. Napaupo ako sa kinahihigaan ko. Nakarinig ako ng ungol sa tabi ko tila nagising. "Baby, maaga pa." inaantok na wika ni Zander. "Ah. Naalimpungatan kasi ako. Matulog ka lang. Mag CR lang ako." sabi ko at bumaba sa kama.

"Buksan mo yung ilaw baka madapa ka niyan eh." naiinis na wika niya dahil hindi ko binuksan ang ilaw.

"Hindi na." sabi ko at naglakad sa dilim. Kabisado ko na naman ang unit niya kaya hindi ko na binuksan ang ilaw at isa pa isa ito sa paraan para makaalis ako.

Nang bumalik ako sa kama ay pinakiramdaman ko kung gising pa ba siya o tulog na, baka kasi hinintay niya ako.

"Zander.." tawag ko sa pangalan niya ngunit hindi siya sumagot. Bumuntong hininga ako. Gusto ko siyang kintalan ng saglit na halik ngunit hindi ko magawa dahil baka magising siya at hindi ko magawa ang pinaplano ko.

"I love you Zander. Babalik ako pangako." bulong ko at lumabas na ng unit niya.

Babalik ako kapag maayos na ako. Babalik ako kapag magaling na ako. Babalikan kita Zander.

Sumakay ako sa taxi at nagpahatid sa isang hospital. Nagpa admit na ako at pagkatapos ay ginawan nila ako ng iba't ibang test.

Habang ginagawa nila iyon dalawa lang ang nasa isip ko. Si Zander at ang baby ko.

--

Hinimas himas ko ang tiyan kong medyo may kalakihan na. Five months ko ng dinadala ang baby ko. Five months na ako sa hospital at hanggang ngayon ay hindi nila mapangalanan ang sakit ko. May nakasama akong pasyente dito at sinabi na baka tumor daw.

"Baby, kapit ka lang ah. Kaya pa ni mama 'to." naiiyak na wika ko. Dahil sa nakalipas na limang buwan ay sumasakit ang tiyan ko. Hindi ako maturukan ng kahit anong pain reliever dahil nga nagdadalang tao ako kaya wala akong ginawa kung hindi tiisin ang sakit.

Lumaki na din ang bayaran ko at buti na lang at may philhealth ako.

Nakatanaw ako sa pintuan ngayon ng may dumaan na mag asawa bigla ay sumagi sa isip ko si Zander.. Hinahanap kaya niya ako?

Last Seconds (Completed) TOL #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon