Kabanata 3

1.4K 46 0
                                    

Alergy

Tatlong kwarto na lang Asia! Bulong ko sa sarili ko. Alas diyes na at hihikab hikab na ako.

Tinignan ko ang room number ng kwarto at kumatok ng tatlong beses doon, nang walang makuhang sagot ay pinasok ko na ang duplicate na susi ng kwarto na ito sa door knob para pabuksan ko iyon.

Binibigay lang ang mga duplicate na susi sa mga maglilinis or may emergency sa kwarto pagkatapos ay ibabalik na din agad.

Pag pasok ko ay agad akong nagtuloy sa loob ng kwarto habang hatak hatak ang pinaglalagyan ng mga bed sheet. 'Konti na lang Asia.' Sabi ko sa sarili ko habang inaayos ang bed sheet. Nang matapos ako ay lumabas na ako doon.

Pinalitan ko din ang dalawa pang sumunod na kwarto at laking ngiti ko ng matapos ko iyon pero napawi ang ngiti ko ng maalala na hanggang lunes ay ganito ang gagawin ko.

Hindi naman ako makapag reklamo dahil baka mawalan ako ng trabaho. Sa panahon ngayon ay mahirap pa naman na maghanap ng trabaho.

Lumabas ako ng kwartong iyon at naglakad papunta sa elevator habang tulak tulak ko sa unahan ko ang pinaglagyan ng mga bed sheets.

Bumukas ang elevator at nakita kong lumabas mula doon si Sir Buerano. "Good evening po Sir." Bati ko sakanya. Ngumiti naman siya pero hindi ako binati pabalik. Tinignan ko siya sa mata at nakita kong namumula ang mata niya.

'Baka lasing lang. Pero..' I shook my head. Hindi ako dapat makialam doon.

Pumasok na ako sa loob ng elevator at pinindot ang first floor button. Nakatingin lang ako sa likod ni Sir Buerano na naglalakad ng diretso. Nang pasara na ang elevator ay nakita kong bumagsak si Sir Buerano, Namilog ang mata ko sa gulat at kusang gumalaw ang kamay ko upang pigilan ang pag sara ng elevator. 

Agad akong tumakbo papalapit sa sakanya. "Sir.." tawag ko sakanya ngunit wala na siyang malay. Nataranta ako at hindi alam ang gagawin sa huli ay nagpasiya akong ipasan siya sa likuran ko.

Nadama ko ang bigat niya pero hindi ko pinansin iyon at agad na nilakad ko ang mga paa ko.

Naiharang ko pala ang dala ko sa elevator kaya nanatiling nakabukas iyon, bahagya ko iyong sinipa at naglakad papasok doon. Pinidot ko ag first floor. "Sir." Tawag kong muli sakanya. Narinig ko siyang sumagot. "N-nahi-h-hirapa-n a-ako--ng hu-inga." Nahihirapang wika niya. Binaba ko siya at inupo sa sulok ng elevator.

Kinapa ko ang leeg niya ng pamansin kong namumula siya. Bakas sa mukha niya na nahihirapan siya. "A-anong gagawin ko?" Natatarantang tanong ko. Nakita ko ang necktie niya at tinanggal ko iyon pagkatapos at tinanggal ko ang pagka buttoness ng polo niya hanggang sa tatlo pero parang walang epekto sakanya. "A-ano po bang nangyari!?" Natatakot at natatarantang tanong ko. Initaas niya ang kamay niya parang may inaabot. Bigla ay naalala ko ang CPR.

Agad kong nilapit ang mukha ko sakanya at pinaglapat ang labi namin upang bigyan siya ng hangin. Naramdaman kong humawak ang kamay niya sa braso ko.

Narinig kong bumukas ang elevator at ang pagsinghap ng ilang boses agad akong humiwalay sakanya "Sir!? Sir!?" Tawag ko sa pangalan niya. Natataranta pa din. Nakita kong umayos ng konti ang paghinga niya pero namumula pa din siya.

Agad akong tumingin sa pinto ng elevator at nakita ko ang ilang hoteliers at mga guest. Nang wala akong makitang lalaking makakatulong sa akin ay agad akong bumaling kay Sir Buerano at muli siyang pinasan. Agad naman na nahawi ang mga tao sa elevator.

---

"Na alergy siya at buti ay nabigyan no siya ng hangin." Ani sa akin ng doctor ng clinic.

"Pero okay na po siya di ba?" Tanong ko sa doctor. Tumango naman ito at napahinga ako ng maluwag.

Lumapit ako sa kama niya at tinignan ko siya. Natutulog na lang siya at maayos na ang paghinga niya ang mukha niya ay medyo namumula pa.

Nilibot ko ang paningin ko at hinanap ang orasan ng clinic na ito. Mag a-alas onse na ng gabi. Huminga ako ng malalim ng madama ko ang sakit ng likod ko.

Tinignan ko si Sir Buerano mula ulo hanggang paa at napabuntong hininga ako. Napakalaki ng tao na 'to. Paano ko siya nagawang pasanin?

SUMALAMPAK ako sa foam ko ng makauwi ako sa nire rentahan kong bahay. Pakonti konti kong pinikit ang mga mata ko at hinatak ako ng antok.

Nagising ako sa tamang oras. Tumayo ako sa harap ng salamin ko at humikab doon. Inaantok pa ako ngunit hindi na ako makakatulog dahil sanay na ang katawan ko ba magising sa ganitong oras.

Naligo ako at hinubad na ang damit na suot ko pa pala mula kahapon. Hindi ako nakapag palit ng damit sa sobrang pagod.

Bigla ay naramdaman ko na naman ang pagka lungkot. Naalala ko, minsan ay hiniling kong mamamatay na lang din para hindi na ako mahirapan. Para hindi ko na maramdaman ang pag iisa.

"Kanina ka pa buntong hininga ng buntong hininga! Ano bang problema mo!?" Naiinis na tanong ni Pearl sa akin. "Masakit kasi ang likod ko." Nakangusong wika ko habang nakahawak sa balikat ko at marahang pinipisil pisil iyon.

Nagula ako ng biglang tumili si Pearl. "Narinig ko na naghalikan kayo ni Sir Buerano sa elevator ah." Napanganga ako sa sinabi niya at agad na napanganga. "Halikan!? CPR iyon." Sabi ko sakanya.

"Kaya nga. Nagdikit ang labi niyo. Halikan iyon!" Aniya. Sasagot pa sana ako ng may sumulpot sa harapan namin. Si Sir Buerano may kasamang babae.

Pinasok niya ang babae sa loob ng front desk at hinatak naman ako. "Hannah diyaan ka lang muna. Tara Asia." Wika niya at hinatak ako papalabas ng hotel.

Nagtataka man ay nag pahatak na din ako. May pumarada na sasakyan sa harapan namin at binitawan niya ako para buksan ang pinto ng sasakyan.

"Get in." Utos niya. Tinignan ko ang mga mata niya at nakita kong seryoso siya. "That's an order from a CEO." Aniya kaya dagli dagli akong pumasok sa loob ng kotse niya.

Sinara niya ang pinto at umikot sa kabila. Hindi ako umimik ng sinimulan na niyang imaniobra ang sasakyan.

Gusto kong itanong kung saan kami pupunta ngunit natatakot akong ibuka ang mga labi ko.

Inabala ko ang sarili ko sa pag tingin sa tanawin sa labas ng sasakyan. Ito ang unang beses na nakasakay ako sa kotse.

Pumasok kami sa isang subdivision at huminto sa isang napakalaking bahay. Tinignan ko siya ngunit wala ng tao sa kinauupuan niya kanina.

Napabaling ako kabilang side ko ng bumukas ang pintuan doon. Inalalayan niya ako sa pagbaba at inakay papasok sa loob ng mala mansion na bahay.

Napasinghap ako sa ganda niyon at lalo akong namangha ng pumasok na kami sa loob. Sinalubong kami ng medyo may katandaan na babae.

"Siya ba iyon?" Tanong niya kay Sir Buerano bago tumingin sa akin. "Yes, Ma." Aniya. Tinignan ko siya ng naguguluhan.

Bineso ako ng babae pagkatapos ay inakay ako papasok sa pinakaloob ng bahay nila.

Napakabait ng babaeng ito. Bigla ay nakaramdam ako ng mabigat sa dibdib ko. Paano ang pakiramdam ng may mama? Kapag naging mama ako gagawin ko ang lahat para hindi niya maramdaman ang pag iisa na nararamdaman ko ngayon.

"Kain ka lang iha. Huwag kang mahiya." Aniya ng dinala niya ako sa hapag. "A-ano pong meron?" Nagtatakang tanong ko. Napahinto naman siya sa gagawin sanang pag subo at tumingin sa kay Zander Buerano na nasa tabi ko. "Hindi niya sinabi sayo? Pasasalamat ko ito kasi niligtas mo ang unico iho ko. Salamat Iha ah." Aniya na punong puno ng sinseridad.

"Ma. Sabi sayong huwag muna kasi ngayon eh. Nauna pa kayong magpasalamat sakanya. Parang kayo ang niligtas." Naiinis na wika niya at mahina ang pagkaka banggit sa huling salitang sinabi niya.

Last Seconds (Completed) TOL #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon