Kabanata 10

1.4K 41 0
                                    

Too late.

Ang hirap isipin na mahal niyo ang isa't-isa pero hindi pwede. siguro nga pwede pero ayoko. Ayokong dumating ang panahon na maiiwan ko si Zander dahil sa sakit ko.

Masakit kapag iniisip ko na nakahanap na si Zander ng iba. Yung pwedeng makasama niya sa habang buhay. Yung taong kayang ibigay lahat ng pangangailan niya, 'yong taong kaya siyang mahalin ng walang pag aalinlangan. Yung bagay sakanya.
Iyong taong walang sakit.

"Kuya, pwedeng dito muna ako?" ani ko sa nurse na nagtutulak ng wheelchair ko. "Okay po. Balikan ko na lang po kayo after thirty minutes." aniya. Bahagya ko siyang nginitian at tumango.

Mag a anim na buwan na ang tiyan ko at sa loob ng panahon na lumipas maraming nagbago lalo na sa katawan ko.

Sinilip ko ang babies room. Inangat ko ang palad ko at ipinatong iyon sa salamin na humahati sa pagitan ng mga sanggol at sa akin.

'Baby... Kapag nailabas kita, kawawa ka naman. Maari kasing mamatay ako.' huminga ako ng malalim dahil sa iniisip ko. Napakasakit. Ang hirap. Ramdam ko ang bigat sa kaliwang bahagi ng dibdib ko. Parang may milyon milyong na bagahe ang nakasabit doon. 'Kapag nangyari yun.. Sana mapunta ka sa mabuting magulang. Sana alagaan ka nila gaya ng gusto kong pag aalagang gawin sayo.'  Ang luhang pinipigilan ko ay tuluyan ng lumabas. Nag unahan iyon sa pag tulo na para bang may humahabol sakanila. Nagbara na din ang ilong ko at nahirapan akong lumunok. 

Sana katulad ng mga bata sa nursery room makukuha ko din ang Baby ko kapag ilalabas na siya. Sana maging healthy siya.

Sumalakay ang kakaibang kirot sa sinapupunan ko ngunit saglit lang iyon kaya ininda ko na lang. Muli kong tinignan ang mga sanggol at pinunasan ang luha ko.

Muling sumalakay ang kirot sa sinapupunan ko ngunit mas matindi na ang ngayon kaya kahit anong inda ko ay napa giik ako sa sakit.

Ramdam kong tumutulo ang mga pawis kong malalamig pero hindi ko inalintana iyon.

May narinig akong mga yabag at sigaw bago ako nawalan ng malay dahil hindi ko kinaya ang kirot. Nang idilat ko ang mata ko ay nasa kwarto na ako na itinalaga sa akin simula ng ma admit ako.

Luminga ako sa paligid at naghahanap ng tao doon ngunit ako lang palang mag isa ang nasa kwarto.

Hinawakan ko ang sinapupunan ko. Nang maramdaman kong okay naman siya ay ganon na lang ang saya ko.

Bumukas ang pinto kaya napatingin ako doon. Pumasok ang babaeng nakaputi na nakasalamin, ang blonde at ombre nitong buhok ay nakapusod, sa leeg nito ay may naka sukbit na stetoscope.

Kakatapos lamang niya ng Internship niya ng pinalitan niya ang doktora na  naka assigned sa akin.

Kung sa unang pagkikita namin ay sumisigaw ng karangyaan ang katawan niya, ngayon naman ay nagsusumigaw iyon ng respeto at ka disentehan.

Hindi ko lubos na maisip kung bakit, bakit pinagpalit ni Zander ang isang kagaya niya sa akin. Si Tanya ang babaeng hiling ng mga lalaki.

"Hi." malungkot na bati niya. Sa tono  palang ng boses niya ay alam ko na agad na hindi maganda ang balitang dala niya.

Napayuko ako. Muli ay bumigat ang kaliwang bahagi ng dibdib ko. Hinanda ko ang sarili ko sa sasabihin niya ngunit kahit anong dasal ko ay hindi ako magiging handa.

Kinagat ko ang ibabang labi ko bago ako nag angat ng tingin sakanya. "Sorry to tell you this... you know naman na I'm always straight to the point di ba!? so.. kapag sinumpong kapang muli ng sakit ay kailangan na kitang paanakin. Kapag hindi natin ginawa iyon ay maaring ikamatay niyong mag ina." malungkot na pahayag niya.

Yumuko na lamang akong muli at hinayaan ang luha ko na tumulo ng tumulo.

Kailangan kong magpakatatag pero hindi ko alam kung paano pa. Sa sitwasyon ko, hinihintay ko na lamang na mailabas ang baby ko at kung hindi ko kakayanin ay iiwan ko na ang mundo.

Tumikhim si Tanya pero hindi ako nag angat ng tingin. Ayokong makita ang mga mata niyang puro awa ang nakasalaysay kapag tinitignan ako.

"Asia, Malakas ka. Dahil kung hindi, hindi ka aabot sa point na ito. Baka sa unang tatlong buwan pa lang ay nalaglag muna ang bata pero hindi. You're a strong woman. Kahit na wala ang ama ng dinadala mo ay kaya mo." narinig ko ang pag hinga niya ng malalim. "You should keep on fighting. Don't lose hope." aniya na punong puno ng pag asa. "I have to tell you something pala... alam ko kung sino ang ama ng dinadala mo." sa mga oras na iyon ay hindi ko na inisip ang kung ano, nag angat ako ng tingin at tinignan siya ng nag mamaka awa. "Don't tell him please.." pakiusap ko. 

"It's too late. Nasabi ko na sakanya." wika niya na ikina hina  ko.

---

Pagkatapos ng usapin na iyon ay inaasahan ko na ang pagsugod ni Zander dito. Pero ilang araw na ang lumipas ay hindi ko pa din siya nakikita. Hindi pa din siya dumadating. Siguro... wala talaga siyang pakialam sa akin. siguro hindi talaga niya ako mahal.

kumirot ang puso ko isipin ko pa lang na hindi ako mahal ni Zander.

Kumirot ang sinapupunan ko at sumalakay ang kakaibang kaba sa dibdib ko. Naalala ko ang sinabi ni Tanya sa akin. Kapag sumalakay pang muli ang kirot ay papa anakin na ako.

'Hindi pwede!' wika ko sa sarili. Six months pa lang ang tiyan ko kaya hindi pwede.

Tiniis ko ang sakit, kinagat ko ang labi ko at napakapit ako sa kumot ko sa aking magkabilang gilid, kumukuha ng lakas. Para akong hinihiwa, parang binubutas ng kung ano ang sinapupunan ko, parang pinipisa ang kung ano sa loob. Masakit pero tiniis ko.

Sa huli ay hindi ko nakayanan ang sakit kaya napasigaw na ako.

Nang idilat ko ang mata ko ay nasa isang madilim akong lugar, pero may iyak ng sanggol ang napapayagpag sa buong paligid.

Ang iyak na iyon ay napaka pamilyar sa akin, binibigyan niyon ng tuwa at sakit ang puso ko.

Naglakad ako at hinanap kung saan mas malakas ang iyak na iyon sa pag asang makikita ko ang sanggol.

Lumakad ako ng lumakad at nakita ko ang isang sanggol na naka balot sa lapin sa gitna ng kadiliman na ito.

Tinakbo ko ang distansya namin ng sanggol. Ngunit ng makakalapit na ako ay bigla akong nahulog sa kung saan. Napapikit ako sa takot.

Nang idilat kong muli ang mata ko ay liwanag na ang sumalubong sa akin. at isang pigura ng lalaki.

Naalala ko ang panaginip ko at ang baby ko. Dahan dahan kong hinaplos ang sinapupunan ko at ganong na lang ang pagwawala ko ng wala akong mahaplos doon.

Ang sumunod na nangyari ay ang pagturok ng kung ano sa akin at ang paghatak muli sa akin ng antok. 

Last Seconds (Completed) TOL #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon