CHAPTER 7

381 9 0
                                        

Samantha POV:

Habang nagpapahinga ako, lumabas muna sila Tita para asikasuhin yung hospital bill ko. Sabi ko ako na ang magbabayad, pero makulit sila at sinabi nilang sila na daw ang bahala. Kaya eto, mag-isa lang ako sa room habang nagpapahinga. Biglang tumunog ang cellphone ko—si Butler John pala.

"Yes po, may kailangan po kayo?" tanong ko.

"Sam, gising na sila," sabi ni Butler John, kaya napabangon ako sa gulat.

"Talaga po? Pwede ko po ba silang makausap? Pwedeng pakibigay yung cellphone?" tanong ko na may halong excitement. Secret muna kung sino ang tinutukoy ko, pero ang saya ko na gising na sila.

"Noted," sabi ni Butler John. Ilang sandali lang, narinig ko na ang boses nila. Namiss ko sila sobra.

"Kamusta na po pakiramdam nyo? Ayos na po ba kayo? Wala na po bang masakit sa inyo?" sunod-sunod kong tanong, halos di makahinga.

"Hahaha! Ayos na kami, wala ka nang dapat alalahanin. Ikaw nga ang inaalala namin dahil nasa ospital ka daw. Nabigla kami nung nalaman namin ang nangyari. Pagaling ka muna dyan, huwag ka munang magpaka-stress. Kapag nakabawi na kami ng lakas, kami na bahala sa mga problema mo. Ang gawin mo ngayon, magpahinga ka muna," mahabang sabi nila sa kabilang linya.

"Wag na po. I can handle naman po. Saka problema ko po ito, don't worry. Kaya ko po ito, pagod lang. Malakas po si Samantha, hahaha. Pakamusta nalang po sa kanya, miss na miss ko na po kayo. Pag may time, pupuntahan ko po kayo. Pero hindi pa ngayon, kasi baka may makahalata. Alam nyo naman pong para sa safety nyo ginagawa ko ito, diba?" sabi ko na may halong tuwa at pag-aalala.

"Haha, ikaw talaga. Pero salamat, kung di dahil sa'yo baka wala na kami. Don't worry, susundin namin ang utos mo. Dito muna kami. Miss na miss ka na rin namin. Huwag mo ring pababayaan ang sarili mo, lalo ka na," sabi nila na halatang nag-aalala.

"Sige po, salamat po. Paalam na po, papunta na ata sila dito, baka mahuli pa tayo. Masira pa ang plano, hehe. Bye po! Miss you two. Love you po, muah!" sabi ko bago ibinaba ang tawag. Sakto namang pagbaba ko ng cellphone, biglang pumasok sila Tita. Muntik na akong mahuli! Hays. Sa ngayon, di ko muna pwedeng sabihin sa kanila. Masisira ang plano ko. Pero makikilala din nila sila kapag ayos na ang lahat.

"Oh, gising ka na pala. Mukhang katatapos mo lang may kausap, ah?" tanong ni Tita Irene.

"Ah, yes po, Tita. May kinausap lang pong friend. By the way, kailan po ako pwedeng makalabas?"

"Mamaya daw, pwede ka nang makalabas. Pero need ka munang i-check ng doctor bago ka umuwi. Sa ngayon, okay na—nabayaran na namin ang bill mo," nakangiting sabi ni Tita. Sana ganyan pa rin siya kalambing kapag nalaman niya ang totoo.

"Okay ka lang ba, Sam? Ba't bigla kang natahimik?" tanong ni Tita na halatang nag-aalala.

"Ah, yes po. Okay lang po. May iniisip lang pero I'm fine. No need to worry," ngiti kong sagot kay Tita. Tumango lang siya at pumunta sa tabi ko, saka pinagbalat ako ng mansanas. Sinabi rin niyang pagkatapos kong makalabas ng ospital, pupunta daw kami ng Ilocos para makapagpahinga. Tumango na lang ako. Siguro nga kailangan ko rin ito para makapag-isip-isip.

Pagkatapos nilang asikasuhin lahat, nakalabas na ako ng ospital. Andito na ako sa condo ko kasama sina Ate, Kuya Luis, Tita Irene, at Tito Greggy para kumuha ng gamit. Sabi ko ako na ang kukuha, pero ayaw nilang pumayag na ako mag-drive. Baka daw kung ano pa ang mangyari. Sana all sweet!

Si Kuya Alfy at si Andy pala, kasama ng asawa niya, nasa Ilocos na daw kasama sila Mama Meldy at Tita Aimee. Gusto ko na silang makita! Siguradong magkakasundo kami lalo na ni Mia. Mahilig talaga ako sa bata, galante ako pagdating sa kanila. Pero nagiging kuripot ako pagdating sa sarili ko, haha. Ewan ko, di ko lang trip gumastos para sa sarili ko.

Pagkatapos ko mag-pack ng gamit, pumunta na kami sa parking lot at dumiretso sa airport. Mag-eroplano na lang daw kami para mas mabilis kasi pagod na rin sila sa pagbabantay sa akin. Kaya naisip ko na bigyan ko sila ng regalo bilang pasasalamat.

Pagkatapos ng ilang oras, nakarating na rin kami sa Ilocos. Dumiretso kami sa main mansion ng mga Marcos para makapagpahinga. Isang linggo daw kami dito kaya madami pang oras para mag-bonding. Siguradong kailangan ko rin ito kasi pagbalik namin sa Maynila, problema agad ang sasalubong.

Pagdating namin sa mansion, sinalubong ako ni Mama Meldy.

"Hi po! Kamusta na pakiramdam mo?" tanong ni Mama Meldy.

"Hi, Mama Meldy! Don't worry po, I'm fine. Na-miss kita!" sabi ko habang niyakap siya.

"Namiss din kita, apo. Anyways, eto pala sila Kuya Alfy, si Andy, at ang asawa niya," pakilala ni Mama Meldy. Ngumiti ako at nagpakilala din.

"Hello po, nice to meet you. I'm Samantha Buenavista, youngest sister ni Ate Xandra," sabi ko habang iniabot ang kamay kay Kuya Alfy at niyakap si Andy pati ang asawa ni Kuya.

"Hi Sam! Nice to meet you. Welcome sa Ilocos. I didn't know may kapatid pala si Xandra. By the way, this is Andy and my wife," nakangiting sabi ni Kuya Alfy.

"Hi Tita Sam! Nice to meet you po. Ang pretty nyo po! You look like my Baba (Tita Irene)," sabi ni Andy.

"Haha, thanks! Yeah, marami ngang nagsasabi niyan. Syempre, kanino pa ba ako magmamana? Kay Tita Irene, diba?" biro ko kay Tita Irene na may halong meaning pero di ko na pinahalata.

"Haha, ikaw talaga! Same lang naman tayong maganda," sabi ni Tita Irene habang tumatawa.

Habang nagpapahinga yung iba, nagkwentuhan muna kami sa baba. Maya-maya, nakaramdam ako ng antok at pagod, kaya nagpaalam ako kay Tita na aakyat muna ako sa kwarto.

"Uhm, Tita, saan po magiging kwarto ko? Gusto ko na pong makapagpahinga," tanong ko.

"Bakit, masama ba pakiramdam mo?" tanong niya na halatang nag-aalala.

"Ah, no po. Napagod lang po sa biyahe."

"Ah, sige. Tara, samahan kita sa kwarto mo. Tatawagin na lang kita pag kakain na," sabi niya.

Pagdating sa kwarto, nahiga na ako at nagpaalam si Tita na magluluto muna para sa hapunan. Habang nakahiga, iniisip ko pa rin kung paano ko sasabihin kina Ate ang totoo. Baka magalit sila. Sana hindi. Pero kung magalit man sila, maiintindihan ko. Handa akong harapin iyon.

Habang nag-iisip, di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

And everything went black.

THE REAL & ONLY DAUGHTERWhere stories live. Discover now