CHAPTER 8

346 9 2
                                        

Samantha POV:

Nagising ako sa katok ni Tita Irene. "Sam, handa na ang hapunan. Baba ka na," sabi niya. Kaya bumangon na ako at dumiretso sa banyo. Grabe, ang ganda ng banyo nila, sana all. Matapos maghilamos, lumabas na ako ng kwarto at pababa ng hagdan. Naririnig ko silang nagtatawanan sa dining area.

"Oh, Sam! Gising ka na pala. Halika na, kakain na tayo," bati ni Tito Greggy habang inaayos ang upuan. Ngumiti ako at umupo sa tabi ni Tita Irene. Yun na lang kasi ang bakante.

Kumpleto na kaming lahat. Si Andy ang nagdasal. Pagkatapos, tinignan ko ang mga pagkain sa mesa. Pero hala, karamihan sa mga pagkain bawal sa akin. Huhu, ang hipon, nasa harap ko pa talaga! Pero nag-crave talaga ako, kaya kumuha na rin ako ng dalawang piraso, bahala na. Sana lang 'di mahalata.

Kakain na sana kami ni Tita Irene nang biglang nagsalita si Ate at Tito Greggy nang sabay:
"Sam, di ba allergy ka sa hipon?"
"Hon, di ba allergy ka sa hipon?"

Napatingin ako kay Tita Irene, sabay naming sinagot:
"Eh, dalawa lang naman!"

Sabay ulit na nag-"No!" si Ate at Tito Greggy. Napalungkot kaming dalawa ni Tita Irene. Nagkatinginan kami at alam kong pareho kaming gusto maglambing. Kaya sabay din naming sinabi:
"Plssss!"

Nag-puppy eyes pa kami, kaya natawa sila. Napabuntong-hininga si Tito Greggy at sinabing, "Okay, fine. Puwede kayong kumain, pero dalawa lang talaga ah! Sam, lalo ka na, kakatapos mo lang ma-confine sa ospital."

Tumango na lang ako at ngumiti. Habang kumakain, biglang nagsalita si Tita Liza, "Sam, ayaw mo ba nitong kare-kare na may nuts? Masarap ito!"

Umiling ako at sinabing, "Ok lang po ako dito sa kare-kare na walang nuts. Allergy din po kasi ako sa mani... hehe."

Napatingin silang lahat kay Tita Irene. Nagulat ako sa sinabi ni Mama Meldy, "Same pala kayo ni Irene, apo. Allergy din siya sa mani, ha. Ang dami ninyong similarities!"

Napangiti ako kay Mama Meldy, pero deep inside, kinakabahan na ako. Alam ko na kung saan papunta ito. Pero tahimik na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain.

Pagkatapos ng hapunan, gusto ko sanang magligpit pero pinigilan nila ako. Kaya umakyat na lang ako sa taas. Habang naglalakad, may nakita akong music room. Pumasok ako at napansin ko ang piano sa gilid. Namiss ko na mag-piano at kumanta. Kaya sinubukan ko uli—tinugtog ko ang favorite song ko, Dandelions.

Habang kumakanta ako, bigla akong naluha. Namimiss ko na ang mga magulang ko. Gusto ko silang yakapin, pero hindi pa ngayon ang tamang panahon. May kailangan pa akong ayusin at harapin bago ko masabi ang lahat ng totoo.

Pagkatapos kong tumugtog, narinig ko ang pamilyar na boses sa likod ko. Si Tita Irene.

"Ang galing mo pala tumugtog, Sam. Ang dami talaga nating similarities. Sana ikaw na lang yung nawawala kong anak. Kamukhang-kamukha talaga kita. Pero mukhang malabo 'yun. Kapatid ka ni Xandra at tunay na Buenavista ka," sabi niya habang naiiyak. Tumabi siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

Gusto ko na sanang sabihin ang totoo, pero hindi pa puwede. Kaya pilit akong ngumiti at umiwas ng tingin. "Kahit di po ako ang anak niyo, puwede niyo po akong ituring na parang tunay na anak. At wag po kayong mag-alala, mahahanap niyo rin po siya... o baka nga nasa tabi-tabi lang po siya," sagot ko.

Napatigil si Tita Irene at nagtanong, "Ano'ng ibig mong sabihin?"

Ngumiti lang ako at iniba ang usapan. "Tara na po, maglibot na lang tayo. Ang dami pong magagandang lugar dito sa Ilocos."

Pagbaba namin, naghahanda na rin ang lahat para mag-tour. Dalawang van ang ginamit namin. Yung isang van para kina Tita Irene, Tita Liza, at Mama Meldy. Sa kabilang van naman, kasama ko sina Kuya Sandro at ilang bodyguard nila. Habang nasa biyahe, tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana, iniisip ang mga susunod na mangyayari.

THE REAL & ONLY DAUGHTERWhere stories live. Discover now