01

8 3 0
                                    

reu @reureuu_ 14s
nakakainis na talaga
|
reu @reureuu_ 3s
gawin ba namang stand by si peter? lol wtf

Kanina pa ako inis na inis. Yung babaeng nakita ko pala kanina ay ang pinakamagaling na player daw ng GL kaya isasama ito sa amin para mag represent ng PH. Ayos lang naman kung ganon e, kaso si Peter pa ang ginawang stand by? Halos hindi ko na nga nakitang nagpapahinga si Peter dahil sa pag-grind nya wag lang maalis sa pwesto e.

"This is Aramina Fuesco. Sya ang magiging obj nyo sa darating na tourna. She's from GL, at maganda ang stats nya. Better THAN Peter" madiin na saad ni Mr. Perez.

"Sir, hindi naman po"

"Anong pinopoint mo, Mr. Perez?" halata sa tono ng boses ni Peter na naiinis sya sa pinupunto ni Mr. Perez. Napatawa lang ang matandang kalbo at napailing.

"Look, Peter. Ilang taon ka na rin sa QIX pero laging "pwede na" ang feedback na nakukuha mo sa akin pagdating sa stats mo. Look, we're presenting PH in 13 days at hindi pwedeng kapalpakan ang ipapakita natin doon. I know you have a potential pero, potential lang. I don't see any improvements towards your performance, so it would be better if si Mina muna ang papalit sayo and stand by ka muna" sambit ni Mr. Perez na nakapag painit ng dugo ko.

Peter is one of the most stable Obj i've ever known. Wala pa ako sa QIX ay kilala ko na sya dahil sa stable performance nya bawat laro. Tapos ay sasabihan sya ng ganito ni Mr. Perez? How come? Hindi ko alam kung ano ang pinanggagalingan ni Mr. Perez dahil para syang tanga.

"EH GA—" pasabat na sana si Luke pero hinila na sya pababa ni Peter. Kitang kita ko kung paano sya nag pigil pero tumango lang sya sa amin bago magalang na umalis sa kwarto.

Napatingin naman ako kay Aramina na mukhang nalulungkot sa nangyayari. Gusto kong mainis sa kanya pero wala naman syang kasalanan.

Paglabas nila Luke ay sumabay na rin ako. Pikon na pikon ako sa Mr. Perez na to. Kung nandito lang si Ate Lara ay may masasabi sya, kaso itong kalbong to ay inutusan pa si Ate Lara na ayusin ang plane tickets namin na sya ang dapat na nagawa.

"Tanginang kalbo yan, sasatsatin ko na ulo nyan kahit walang buhok e" iritang sabi ni Russ pagka labas namin sa rooftop ng hotel.

"Tanga nga yan" dugtong pa ni Luke.

"Wala namang alam yon. Ginagamit lang tayo para magka pera e. Kahit si Ate Lara kinakawawa non" madiing sambit ni Thor.

"Punyeta kasi, tanggap ko kung ako pa gawing stand by kasi di ako stable lumaro, pero si Peter? Puta si Peter pa talaga?" sambit naman ni Eros.

Napalingon ako sa paligid dahil di namin nakita si Peter magmula pa kanina.

"Si Hareu nga lang at Peter ang stable sa atin tapos gagawin pang standby si Peter? Tanga talaga yon"

Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi ni Russ dahil totoo naman. Hindi naman sa nagyayabang dahil kami lang talaga ni Peter ang stable. Malalakas naman sila Russ, Eros, Luke at Thor pero sa Domination at Hardpoint lang. Pag dating sa Search and destroy ay nat-tilt sila dahil hindi naman namin map-predict ang pwesto ng kalaban hindi gaya ng sa HP at Domi.

To: Peterpanot
ayos ka lang?

From: Peternpanot
tangina mo talaga, mukha bang ayos yon

To: Peterpanot
HAHAHAHHAHAHAHA iyak mo lang pre

From: Peterpanot
leche ka, pero maganda si mina hahah gagi

To: Peterpanot
malandi ka tanga

Nang maiayos ko ang maleta ko ay hindi pa rin nabalik si Peter sa Room namin. Pumunta sa grocery store sa baba iyong tatlo ay nagpaiwan ako dahil mas gusto kong magpahinga sa rooftop. 3pm pa lang at 5pm ang practice namin.

Pag akyat ko sa rooftop ay pinagtabi ko agad ang dalawang upuan para humiga.

Relaxing.

Maaliwalas kasi ang hangin at hindi na mainit.

"Shout out kay...ano name non? Hindi ko nakita" dinig kong ingay na nanggagaling sa pintuan ng rooftop. Napalingon ako doon at nakitang walang habas na sinipa ni Mina ang pinto kaya naman nagulantang ako. Dire-diretso syang pumunta sa may edge ng rooftop na mukhang naghahanap ng signal. Pero hindi naman nya ako napansin kaya nagpatuloy na lang ako sa pagpapahinga.

"Oh hi kay Iris, sana hindi ka mag tae ha?"

Huh?

"Oo nasa hotel ako ngayon. Pero ayon change topic ha?"

"Ano yung sabi? Ay ito!! Kasama nyo po ba ang QIX ngayon?Hmmm... Oo kasama ko sila!! Goodluck po sa inyo... Salamat!!"

Ayoko sa ganitong babae, napaka daldal.

"Ate Mina, Nakita mo na po ba si QIX Russ?... Oo mga be, nakita ko kanina" diretsa nyang sagot habang nakatutok sa cellphone.

"Pogi po ba si Peter?" pagkabasa nya noon ay tila nagbago ang ekspresyon ng mukha nya. Parang nalulungkot na ewan.

"Ha?! HUY HINDI AKO NALULUNGKOT!! May nabasa kasi akong comment tapos na scroll agad!!" saad nya at bahagyang tumawa, sinungaling.

Nagpatuloy sya sa pagsho-shout out kaya naman hindi na ako nakapag pahinga dahil ang ingay ingay nya. Natapos ata sya bandang 4:30.

Wow buti naman naisipan nya pang tumigil.

"HALA!! MAY TAO PALA" gulat na sabi nya pero hindi ko na sya pinansin. Iniayos ko na lang ang upuan na ginamit ko at naglakad na paalis sa rooftop.

"Huy sorry!! Ang ingay ko ba?" sabi nya habang nakasunod sa akin.

Gagi ang cute nya.

"Oo, ang ingay" sambit ko at pasimpleng napangiti.

13 days before the tournamentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon