07

4 2 0
                                    

"Napilayan na nga tinulak pa nila" saad ni Peter.

Alas otso pa lang ng umaga ay nandito ulit kami sa St. Thomas Hospital dahil kay Theo. Natripan daw kasi ng ka team at itinulak sa pool.

"Kain muna tayo" saad ni Mina na kakapasok lang. May hawak syang dalawang plastic. Puno ito ng lugaw at lomi. Tipid ko syang nginitian bago kuhanin sa kanya ang bitbit, halata kasing mabigat.

Lahat kami ay narito sa hospital. Pinatulog muna si Theo at ie-examine daw ng doctor mamaya. Hindi na namin naituloy ang pagj-jogging dahil sa nangyari. Mabuti na lang at mamayang alas diez pa ang practice namin at malapit lang ang hospital sa hotel.

"Kain ka na" saad ko kay Mina at iniabot sa kanya ang tasa na may lugaw. Hindi naman kami inasar ng mga kasama dahil busy din sila sa pagkuha ng pagkain.

Kasalukuyan kaming kumakain nang biglang bumukas ang pinto. Napatingin kaming lahat sa kadarating lang na si Naz. Naka uniform pa ito at mukhang kakagaling lang sa klase.

"Good Morning. Bakit tulog yan?" pambungad nya agad bago dumiretso sa gilid ni Theo. Inilapag nya doon ang gamit nya bago muling bumaling sa amin.

Kinunutan nya kami ng noo na tila inaalam kung bakit kami nakatitig sa kanya.

"Bakit?" tanong nya.

Napasinghap ang mga kasama ko bago tuluyang mag salita si Mina.

"Naz! Kakagaling mo lang sa school? Almusal ka muna" masayang saad ni Mina. Tinanguan sya ni Naz bago hayain na bumili muna ng kape sa baba.

Nagtanong sila sa amin kung may ipapabili, at dahil makapal ang mukha ni Russel at Peter ay nagpabili pa sila ng kape. Nag abot naman sila ng pambili. Mabuti naman, garapal sila kung magpapalibre sila.

"Sya si Naz?" saad ni Luke pagkalabas nung dalawa.

"Gago, Eros!" dagdag pa ni Thor.

"Si Harue naman parang hindi kaibigan, bakit ngayon lang namin nakita yon?" tatawa tawang saad ni Russel.

"Mukha bang may interes sa lalaki yon?" saad ko at nagpatuloy na lang sa pagkain.

"Sakto bading ako" sambit ni Eros kaya lahat kami ay nagtawanan. Tarantado si gago.

"Tanga HAHAHAAHHAHAHAHAHAHAH" mautas utas na saad ni Luke, kulang na nga lang ay maibuga iyong kinakain nya.

Pagkarating ni Mina ay nagtahimikan ang mga kasama ko na parang hindi nag aasaran kanina. Napailing na lang ako at niligpitan na ang pinagkainan namin.

"Wala ka na bang pasok?" tanong ko kay Naz na tulala lang habang nakain. Parang sabog pa si gaga.

"Wala. Isa lang klase ko pag biyernes" sambit nya bago nagpatuloy sa pagkain.

Sabay-sabay kaming napalingon sa pintuan dahil sa biglaang pagbukas nito. Iniluwal nito ang doctor at ang nurse.

"Good Morning. So, sino si Ayeri Nazarene—"

"Ako po" saad ni Naz at hindi na pinatapos magsalita ang doctor.

"What's your relationship with the patient? kapatid mo ba si Theo?" tanong nito.

"Hindi po" saad nya.

"Impossible namang tita ka nya?" takang tanong ng doctor. Si Naz nga pala ang naka lagay sa incase of emergency ni Theo.

"Ako lang po kasi ang matatawagan ni Theo dito sa pinas... nasa abroad po ang family nya" saad ni Naz at nag iwas ng tingin.

Napatingin sya sa akin at tinanguan ko sya. It's Theo's secret. I have no rights to speak about it.

"Okay. I'll discuss something to you" saad nya at isinenyas na lumabas muna sila dahil kahit anong oras daw ay magigising na si Theo.

Ewan. Kinakabahan ako.

Ilang oras matapos ang paglabas ni Naz at ni Doc ay nagising na nga si Theo. Nagtataka pa ata sa nangyari pero bigla na lang syang napa pikit, siguro ay naalala bigla ang nangyari.

"Kamusta ka, pre?" sinserong tanong ni Russel.

Tinanguan sya ni Theo at dahan dahan na umupo.

"Parang namamanhid yung paa ko" saad ni Theo. Napatingin sya sa akin at binigyan ko sya ng tipid na ngiti. Lumihis naman agad ang tingin nya kay Mina na nasa tabi ko at ngumisi naman sya na parang nang aasar!

Tignan mo naman talaga ang lalaking ito oh!

"Ilang araw na ako dito?" tanong ni Theo.

"Pre, mahirap sabihin pero... 3" parang kalokohang saad ni Luke.

"3days?!" halos pasigaw na saad ni Theo.

"3 hours HAHAHHHAHAHHHAHA"

"Mga gago kayo" sambit nya at napa-iling na lang.

"Harue, bibili lang ako sa baba" mahinang saad ni Mina. Kinunutan ko sya ng noo dahil pwede nya naman akong isama. Bakit hindi nya ako hayain?

"Samahan na kita" saad ko. Bahagya pa syang nagulat pero naka bawi din naman. Tumango sya bago nag paalam sa mga kasama namin. Tumungo kami palabas at nakita pa namin doon si Naz at Doc na mukhang seryoso sa pinag uusapan.

Pagkababa namin ay dumiretso na kami sa convenience store. May mga iilan din na nagpapicture sa amin kaya pumayag kami. Ewan ko ba sa iba bakit ayaw nila na may nagpapa-picture sa kanila. Hindi naman sa feel na feel ko pero, syempre dapat ready sila pag pumasok sila sa ganitong field.

Syempre magkakaroon ng mga taga hanga, at hindi rin maiiwasan yung bashers. Pero para sa akin dapat ine-entertain din natin yung fans hanggang kaya natin lalo na kung free time naman natin. Perspective ko lang naman, iba iba naman tayo. Pero syempre kailangan din ng privacy.

"Kuya, hello po" saad ng isang babae pagkapasok namin sa convinience store. Kakaunti lang ang tao dahil siguro ay work hours ngayon.

"Hello" saad ko at nginitian ito.

"Kayo po ba yung sa QIX? Kamukha nyo po kasi yung Harue. Bukambibig po kasi ng kapatid ko e" nag aalangang sabi nya pa.

"Oo beh! Sya yonn" masayang sabi ni Mina kaya napangiti na lang ako.

Supportive.

"Talaga po?! Pwede po bang magpa video greet? Idol po kasi kayo ng kapatid ko, bumibili din po sya ng merch nyo" saad nya na halatang excited.

"Oo naman" saad ko bago humarap sa kanya. Ini ayos nya ang cellphone nya at nanginginig pa ang kamay nya kaya humingi sya ng paumanhin.

Nag alok si Mina na sya ang maghahawak at pumayag naman ito at nagpasalamat.

"Hello, Aeron! Goodluck sa studies and thank you sa pag suporta. Malapit na yung championship namin, manood ka ha? Magpaka bait ka sa ate mo, okay? Staf safe palagi, see you soon!" saad ko.

"And cut!" masiglang saad ni Mina kaya natawa na lang ako. Ini-abot nya iyon sa babae at nginitian nya pa ito.

"Thankyou po! Matutuwa po yung kapatid ko dito! Sorry po sa abala ha, ingat po kayo! Ang bait po ng girlfriend nyo, kuya! salamat po ulit!" saad nya bago nagpaalam na umalis.

Gagi, ano ba naman yon si ate girl, girlfriend daw!

13 days before the tournamentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon