09

3 2 0
                                    

"Ihanda nyo na ang mga gamit nyo ha. Pati ang passport" saad ni Ate Lara.

Si Mr. Perez ay nauna na raw sa Malysia. Wala naman kaming pake. Simula kasi noong sinagot sya ni Peter ay parang napahiya na sya. Aba, dapat lang.

Pagkarating namin sa airport ay naghintay na lang kami ng oras. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Hindi ko alam kung kakabahan ba ako or maeexcite. Syempre championship na to, sino ba ang aayaw sa ganito? Pero yung pressure, iba rin kasi ang epekto.

"Ayos ka lang?" tanong ni Mina na nasa tabi ko.

Tinunguan ko sya bago napabuntong hininga. Ano ka ba naman, Harue? Ang dami mo ng sinakripisyo bakit ngayon ka pa kakabahan?

Pero normal lang naman ang kabahan!

"Pre, natunog cellphone mo" saad ni Russel na nasa kaliwa ko. Napatingin ako sa bulsa ko at mukhang kanina pa nga natunog. Kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang natawag.

"お父さん"

Pinindot ko ang answer button at bahagyang lumayo sa pwesto.

"Yā tōsan"

"Harue, Anata wa ima marēshia ni imasu ka?" saad ni Papa.

"Watashi wa ima kūkō ni imasu watashitachiha furaito o matteimasu" sambit ko naman.

"Ganbare musuko yo. Do your best, okay?" napangiti na lang ako sa mensahe nya. He's not affectionate like other parents but he knows how to comfort me by his words.

Pagkatapos ng paguusap namin ay ibinaba ko na ang telepono. Pabalik na sana ako sa upuan nang tumunog ulit ang cellphone ko. Pikit mata ko itong isinwipe at inilagay sa tenga ko. Baka may nakalimutan sabihin si Papa.

"Yā tōsan"

"Anong kutosan? Tarantado ka ba talaga" napakunot tuloy ang noo ko. Pucha si Naz lang pala.

"Akala ko si papa e" natatawa kong saad.

"Goodluck pala. Ngayon alis nyo diba? Di ako makakapunta e, finals namin sa mga major subs ngayon. Goodluck na lang ha, sana hindi mag crash ang eroplano na sasakyan nyo" dire-diretso nyang sambit bago walang habas na ibinaba ang tawag.

Ang babaeng ito talaga!

"Nagseselos si Mina" natatawang saad ni Peter pagkabalik ko sa pwesto at tinuro si Mina. Mukhang nagulat pa ito at awkward na napangiti.

"Huh?!" saad nya.

"Si papa yung kausap ko" pagpapaliwanag ko at umupo ulit sa may upuan. "Tapos tumawag din si Naz, nag goodluck lang" dagdag ko.

"Si Eros daw pala ang nagseselos" pang aasar ni Luke.

"Hindi nya ba ako ig-goodluck?" patawang tanong ni Eros.

"Yung goodluck nga sa akin may kasama pang "sana hindi mag crash ang eroplano nyo" e. Parang pinagandang version lang ng "sana huwag kayong mamatay" pambihira" pagk-kwento ko na ikinatawa nila.

"Ano kayang magandang brand ng skateboard?" mahinang saad ni Eros. Parang nagtatanong kay Luke pero narinig ko naman.

"Hoy anong skateboard skateboard yan?" pang uusyoso ko.

"Gago ba naman tong si Eros. Binigyan pang fulldraw si Theo kapalit ng mga favorite ni Naz" hindi makapaniwalang saad ni Luke.

"Aha! Kaya ka pala nagtatanong sa akin kung anong magandang pang—" hindi nakatapos magsalita si Mina dahil tinakpan ni Eros ang bibig nya.

AMPUCHA!

Sinamaan ko ng tingin si Eros kaya naman natawa sya at itinaas ang kamay na parang sumusuko sa presinto.

"Pambihira. Grabe naman makabakod? Baka great wall of Harue yan?" parang gagong pang aasar pa ni Thor na kakarating lang.

"Ayos ka lang?" nag aalala kong tanong kay Mina. Ngumiti lang sya sa akin at tumango.

Tahimik lang ako buong flight. Hindi ko kasi katabi si Mina. Si Peter ang katabi ko at si Russel. Katabi ni Mina si Coach at Ate Lara. Sayang naman!

Pagka lay off namin sa airport ay kanya kanya na kaming hintay para sa mga maleta namin. Isa lang naman ang maleta na dinala ko dahil isang linggo lang naman kami dito. At pag balik ko naman sa pinas ay pasukan na para sa second semester namin.

Malapit lang ang hotel namin sa arena na pag gaganapan ng laban bukas. Hindi na rin kami pinag practice ngayon para naman daw makapag pahinga kami. Kami ulit nila peter ang magkakasama sa kwarto at sa kabila naman sila Coach.

Iniayos ko lang ang jersey na isusuot namin bukas bago inilagay sa gilid ang maleta. Hindi ko na ilalagay sa cabinet dahil baka may maiwan pa ako doon.

"Tangina, ngayon lang nags-sink in sa akin" saad ni Luke na parang namumutla.

"Mahihimatay ata ako bukas" dagdag pa ni Peter.

"Bakit bukas pa? Ngayon na" pang aasar ko kaya sinamaan nya ako ng tingin. Kahit naman ako, kinakabahan na. Kasi hindi ko alam kung kakayanin ko ba bukas, bahala na.

Nagpaalam muna ako sa kanila at lumabas ng room namin. Kailangan ko sigurong magpa hangin. Tinungo ko ang balkonahe ng hotel at nakita ko doon ang pamilyar na babae.

"Hindi ka makatulog?" tanong ko dahilan para mapatingin sya sa akin. Bakas ang gulat sa mukha nya pero agad naman syang naka bawi.

"Lamig kasi" natatawa nyang saad.

Sayang, hindi ko dala ang jacket ko.

"Kinakabahan ako para bukas" pag amin ko.

Tumingin sya sa mata ko na tila binabasa kung ano ang nilalaman ng utak ko. Naiilang ako kaya nag iwas ako ng tingin. Pambihira, iba talaga epekto nya sa akin.

"May sasabihin ako" saad nya dahilan para mapatingin akong muli sa kanya.

"Hmm?"

"Kahit manalo or matalo tayo bukas, tandaan mo na may mga naniniwala sayo, okay? Huwag mong hayaan na yung isang pangyayari ang makapagpa-wala sa lahat ng pinaghirapan mo. Hindi masusukat sa pagka panalo or pagka talo natin yung worth mo" dire-diretso nyang sabi sa akin.

Ang sarap pakinggan.

"Kasi ako, sobrang saya ko na nakilala kita..." tatawa tawa nyang saad. Lumalim ang tingin ko sa kanya, inaalam kung totoo ba yung sinabi nya. Kasi kung oo... baka naman pwede akong sumubok diba?

"I've spent my 13 days before tournament with my favorite person at the moment"

13 days before the tournamentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon