03

5 3 0
                                    

"Sorry"

"Okay lang!! Wala yon, ano ka ba" masaya nyang saad na parang hindi man lang nalungkot. Grabe, anong meron sa babaeng ito?

Pagkatapos kong kumain ay bumalik na ako sa hotel. May practice pa kami at nagpaalam na rin naman si Mina na aalis muna sya saglit at babalik na lang kapag practice kaya hindi na rin kami nakapag usap.

Wow, Harue? Naga-assume ka bang mag uusap kayo?

Parang tanga.

"AHEM" walang habas na sigaw ni Eros kaya napakunot ang noo ko. Ano na namang saltik ng isang to? Hindi ko na lang sya pinansin at umupo sa dulong side ng couch.

"Grabe si idol nasa 'get to know each other stage' na ata sila"

"Huh? Sino? Saang chismis yan?" pag usyoso naman ni Luke.

"Clue. Half Japanese" pagkasabi noon ni Eros ay agad syang tumakbo sa may pintuan dahil inambaan ko sya ng tumbler. Sabi na e, kaya pala parang nakita ko sya kanina sa baba.

"GAGO SORRY!!" saad nya dahil napaupo si Mina sa sahig dahil nabunggo nya. Dali-dali akong nagtungo sa pwesto nila at tinulungan si Mina.

Tinignan ko ang kamay nya at may hiwa doon. Napatingin ako dahil nasagi pala nila ang cabinet.

Tangina naman kasi ni Eros, nasugatan tuloy si Mina.

"Anong nangyayari?" sambit ni Coach na halatang nagmamadaling pumunta dito. Nasa likod nya rin si Ate Lara na mukhang kakarating lang, bakas pa sa mukha nito ang pag aalala.

"Nasagi ko, Coach" sambit ni Eros at napakamot sa ulo. Tinulungan naming makaupo si Mina. At dahil sa nangyari ay nakansela muna ang practice namin.

"Hipan ko ha?" saad ko at dahan dahang hinipan ang sugat ni Mina. Wala kasing marunong mag first aid dito bukod sa akin.

Nandito kami ngayon sa kwarto nila ni Ate Lara. Nag sorry na rin si Eros pero gusto ko pa ring basagin ang mukha nya. Nakakairita e, ewan ko ba bakit ako naiirita.

"Uyy, salamat" saad nya pagkababa ko sa kamay nya.

Tinanguan ko lang sya dahil wala naman ito. Feeling ko nga ay kasalanan ko dahil balak kong batuhin ng tumbler si Eros kaya sya napatakbo.

"Saan ka natuto mag first aid?" tanong nya habang inaayos ko ang first aid kit na nakakalat sa kama.

"Med Tech student ako, first year" saad ko at napatango naman sya.

Mabuti nga at bakasyon namin ngayon at nakakapag focus ako dito sa laro. Kung hindi ay baka wala na naman akong tulog kaka balance ng oras ko.

"Ako Agricultural Engineering" sambit nya kaya napanganga ako.

Wow.

Karamihan kasi sa mga babaeng nakakasalamuha ko ay mga tourism, medtech, architecture, civ eng at iba pa. Ngayon lang ako naka encounter ng AE.

"Paano pala midterms mo bukas?" tanong ko.

"Tapos ko na"

"Ha?" takang tanong ko. Ano to gumawa ng himala?

"Nakiusap ako sa prof namin, sinend nya na lang sa email ko. Buti nga napaka considerate non" sambit nya kaya napatango ako.

Pero kailan nya sinagutan? 30 mins break lang ang meron kami kanina.

"Grabe, Natapos mo lahat?" takang tanong ko.

"Oo" kunot noo nyang sagot. Siguro ay matalino ang isang to.

"Kung iniisip mo na matalino ako, wag mo isipin" natatawang saad nya bago hawiin ang buhok papunta sa likod ng tenga nya.

Gara, napaka ganda.

Bumalik na ako sa room namin pagkatapos kong gamutin ang sugat ni Mina. May bibilhin pa raw sya sa baba kaya hindi na kami nag sabay.

Pag bukas ko naman ng pinto ay sinalubong ako ng mapanuksong tingin nila Eros. At bakit naman nandito sila sa kwarto namin? Pati si Peter ay tinitignan ako na parang nang aasar.

Mga gago.

"Binata na Harue namin" pag uumpisa ni Luke kaya inirapan ko sya. Pinagsasabi ba nito?

"Crush mo si Mina?" tanong ni Thor habang ngingiti ngiti, parang demonyo e.

"Hindi" kalmado kong sagot.

Hindi naman talaga e.

Kahit cute sya, na maganda tapos mabait na matalino. Hindi ko nga crush. Ang daldal kaya non, ayoko sa madaldal!

"Weh?" pang eepal naman ni Eros.

"Sige, edi sa akin na lang" sambit ni Peter.

Buong gabi ko tuloy inisip yon! Kahit kinaumagahan ay nilalapitan nya talaga si Mina, akala mo naman ay close sila. Hindi man lang nila ako napapansin? Edi wag pake ko ba sa kanila.

"Selos ka ba?" tanong ni Luke habang naka upo kami sa gilid ng pool. Kakatapos lang ng 5hrs straight naming practice at nakaka drain iyon, mabuti na lang at may oras pa kami para mag pahinga.

"Hindi" maikling tugon ko.

"Sa mga tingin mo parang papatayin mo na si Peter e" dagdag nya pa kaya inirapan ko sya. Magsasalita na sana ako pero biglang tumunog ang cellphone ko at rumehistro doon ang pangalan ni Theo, ano na naman kaya ang kailangan ng lalaking ito?

"Busy ako" panimula ko.

"Tanga nasa hospital ako" sambit nya kaya napatayo ako bigla, ano na namang kagaguhan ang ginawa nito? Dapat ay nagpapractice siya ngayon e.

"Anong ginawa mo?"

"May nagbanggan sa intersection kanina, nasagi ako" sambit nya. Sumenyas ako kay Luke at mukhang naintindihan nya naman kaya patakbo akong naglakad papunta sa elevator, kukunin ko lang ang pitaka ko at magpapaalam kay coach.

"Sinong nandyan?" tanong ko. Nakita ko kasi ang iba nyang kasamahan kanina sa kabilang building, mukhang wala pang may alam sa kanila.

"Si Naz"

"Tarantado ka talaga, alam mo namang may finals yan" saad ko. Sa dami ba naman ng tatawagan ay si Naz pa. Sobrang busy pa naman non.

"Hindi naman ako ang tumawag. Number nya kasi yung nilagay ko sa incase of emergency sa id ko" tatawa tawa nya pang saad.

Tarantado talaga e.

"Send mo address" saad ko bago ibaba ang tawag.

"Okay ka lang?" napatunghay ako nang marinig ang boses ni Mina. Kanina pa pala ako nakatayo sa tapat ng elevator. Si Theo kasi e, parang sira.

"Ah, oo. Nakita mo ba si coach?" tanong ko.

"Nako, kakaalis lang. May meeting daw e, umalis silang tatlo nila Mr. Perez" saad nya.

"Pwede bang pasabi na may pinuntahan lang ako pagkabalik nila?"

"Ay oo naman! Pero i chat mo rin ha?" suhestyon nya at tumango naman ako bago pumasok sa elevator.

Habang paakyat ako ay binuksan ko muna ang twitter ko at nabungaran agad ako ng walang dulot na balita.

eentertainment @expoentertainment
breaking news: QIX Peter and GL Mina was seen in the convenience store. Ayon din sa ilang netizens ay kasama si Mina sa magrerepresent ng PH Team sa COD kasama ang QIX! May mabuo rin kayang spark?

gina @ginanoon
omg! bagay na bagay sila!!

Napairap ako bago patayin ang cellphone. Bagay daw? Sus, hindi naman!

13 days before the tournamentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon