06

8 3 0
                                    

"Ikaw namang bata ka, sa susunod wag ganoon ang pag sagot ha? Naiintindihan naman kita, pero wag na uulitin sa iba yon. Okay?" pagpapangaral ni Ate Lara kay Peter.

Kasalukuyan kaming nagha-hapunan at wala si Mr. Perez. Hindi ata kinaya ang mga sinabi ni Peter, pero totoo naman kasi.

"Opo, Ate" saad ni Peter at tumango naman si Ate Lara.

"Gusto mo ng adobo?" tanong ko kay Mina dahil kanina pa nya tinitignan iyon. Malayo kasi sa kanya at mukhang nahihiya syang ipa abot kay Luke.

Tumango sya kaya marahan akong tumayo at kinuha ang bowl ng adobo bago lagyan ang plato ni Mina. Pagkatapos kong gawin iyon ay nakatingin na pala silang lahat sa akin. Bakit? Anong meron?

"Naknampucha pati pagkain by partner?!" saad ni Russel na ikinatawa ng mga kasama namin.

Si Mina naman ay pulang pula ang mukha. Wala naman kaming kinakain na maanghang?

"Ako rin, Russel. Lagyan mo nga ako ng kanin" tatawa tawang saad ni Luke.

"Tangina mo, kumuha ka mag isa" sabi nya sabay middle finger pa.

Pagkatapos naming kumain ay alas diez na rin. Naunang umakyat sa kwarto sina Mina at Ate Lara at ang iba naman ay kasama ko dito sa pool. May quiz kasi si Mina kaya magpaalam na agad sya. Si Ate Lara naman ay may lakad pa bukas kasama si Coach kaya maagang matutulog.

"Balita ko maraming nagpapa-picture dyan kay Mina e" pagsisimula ni Thor.

Kapag chismis talaga ay hatik makasagap ng balita ang isang ito.

"Tama ka dyan. Nung bumili kami sa convinience store sa baba, puta, ako pa pinagpicture nung lalaki?!" iritang saad ni Peter kaya natawa kami.

Pero nag bago agad ang mood ko.

Iyon ata ang araw na nai-post sila sa twitter.

"Kaya ka pala nai-post sa twitter e" sambit naman ni Luke.

"Gago nga yung balita na yon. Sinamahan ko lang naman bumili yung tao. Iba naman yung... gusto ko" mahinang saad ni Peter.

Ewan ko bakit napangiti ako.

"Ako rin may gusto" singit ni Eros, dahilan para mapatingin kami sa kanya.

Gaya ng mga nauna naming reaksyon ay hinawakan pa ni Peter ang ulo nito para tignan kung may sakit.

"Gago? Sinasakit ka ba?" tanong ni Peter.

"Kilala namin crush nyan" pag mamayabang ni Russel at tumango tango pa.

"Hoy sino?! Maganda?" tanong ni Peter kaya magkasabay kami ni Eros na nagsama ng tingin sa kanya.

"Seryoso ka ba, Eros?" tanong ko na nagpalingon sa kanila sa side ko. Bakit? Gusto ko lang malaman ano.

"PUCHA! CRUSH MO SI HARUE?" tarantadong sambit ni Peter. Napaka bonak naman ng lalaking ito.

"Gago! Yung kaibigan ni Harue" hindi na nakapigil si Luke at sinabi na.

"Ako?" nauubusan na ako ng pasensya sa mga sinasagot ni Peter kahit natatawa ang mga kasama ko.

"Joke lang! Naiirita na si Harue. Si Naz? Yung kaibigan nyo ni Theo?" tanong ni Peter bago bumaling kay Eros.

Ngumisi ito at tumango.

"Sabagay. Kahit ako magkagusto doon e" sambit ni Peter kaya nakita kong sinamaan sya ng tingin ni Eros.

"Seryoso ako, Harue"

"Puta, binata na!" palakpakang saad nila Russel.

Napa iling na lang ako.

"Ini-stalk nga ni Eros kanina. Ayon walang napala" natatawang sambit ni Thor.

"Malamang, naka private account non" saad ko. Bumaling sa akin si Eros at ngumiti na parang tanga bago itinaas ang kilay.

"Hindi! Naka public yung isang twitter nya!" sigaw ni Peter na kaya pala nanahimik ay iniistalk na si Naz.

"Pucha saan mo nakita yan?" manghang sabi ni Eros.

"Bakit main lang ba nakita mo? Check mo kasi mga following ni Harue at Theo" mayabang na sabi ni Peter bago ipinakita ang twitter ni Naz. Napatingin kaming lahat doon.

Kahit alam ko naman ang mga naka post doon.

e.nazrn @nnazre
8 following 13followers

e.nazrn @nnazre 3d
finals na ulit, kapagod

e.nazrn @nnazre 4d
see you, championship

e.nazrn @nnazre 5d
ingat, @reureuu_ @dtheoo sana hindi kayo mabugbog sa daan.
|
theowht @dtheoo   5d
hindi naman ako lampa @nnazre
|
e.nazrn @nnazre   2d
balikan ko lang tong comment mo. hindi raw lampa pero nabangga

"Hala gago namersonal" tatawa tawang sabi ni Luke habang binabasa iyong sagutan nila Theo.

"I-follow ko nga" masayang sabi ni Eros.

"Naknpucha, malala na to!"

Maaga kaming nagising dahil nagkayayaan na mag jogging. Pang anim na araw na namin ngayon dito sa hotel at halos isang linggo mahigit na lang kami mamamalagi dito.

Nauna nang lumabas dila Luke kaya ako na lang ang natira sa loob. Isinintas ko ang sapatos ko bago buksan ang pinto. Pagkabukas ko nito ay sakto ring bukas ng nasa harapan kong pinto.

Si Mina.

"Good Morning" saad nya at nginitian ako. Mukhang magj-jogging din sya.

"Morning. Umalis na si Ate Lara?" tanong ko dahil wala akong masabi pero gusto ko syang kausap.

"Oo kanina... Pasabay ako, pwede? Magj-jogging din ako" sabi nya at nginitian ako. Tinanguan ko sya at sabay na kaming tumungo papuntang elevator.

Pinindot ko ang ground floor sa elevator habang katabi ko si Mina. Tahimik lang sya at iniaayos ang nakapuyod nyang buhok. Napatingin sya sa akin kaya nag iwas ako ng tingin.

Malala na ako.

"Kaya pala natagalan!" pang aasar ni Luke at nauna na silang tumakbo. Napatingin naman ako kay Peter na nangingisi pa.

Habang natakbo kami ay napatingin kami sa katapat na building. Dito nags-stay dila Theo. Maaga pa kaya may ilaw pa rin doon, napansin kong medyo may nagkukumpulan kaya nagbagal ako ng takbo.

Napansin ata iyon ni Mina kaya napatingin sya sa tinitingnan ko.

"May sumigaw kanina" saad ni Mina.

Napansin kong nalaglag ang ipit nya kaya kinuha ko iyon at inipitan sya nang maayos. Bakit naman kasi hindi nya hinihigpitan ang tali nya gayong madulas ang buhok nya?

"Harue, natunog iyong cellphone mo" sambit nya kaya napatingin ako sa cellphone na nasa bulsa ko.

Binitawan ko ang buhok nya at kinuha ang cellphone sa bulsa.

Naz

"He-"

"Nasa hotel ka ba? Pakipuntahan naman si Theo, tinulak daw sa pool, alam namang may pilay yung tao tapos hindi pa marunong lumangoy" dire-diretso nyang sabi.

Hindi na ako nakapagsalita at tinungo na ang hotel na nasa tapat namin. Bago ako pumasok ay napansin kong nakasunod pala sa akin si Mina. Ngumiti sya bago kumapit sa braso ko.

"Sasamahan kita"

13 days before the tournamentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon