08

4 2 0
                                    

"So, hindi na sya makakalaro?" tanong ni Coach Aldrin —coach nila Theo— na kararating lang.

"Hindi po sya makakalaro if hindi maganda ang maging result ng test mamaya" pagpapaliwanag ni Naz.

"Pero gusto kong lumaro. Sayang yung practice ko" mahinang sambit ni Theo. Napapikit na lang ito at napa iling dahil sa narinig.

"Pwede ko po bang malaman kung sino ang nag tulak sa kanya?" seryosong tanong ni Naz. Kami na lang ang naririto. Nagsabi lang ako kay Mina na ipagpaalam muna ako kay coach at pumayag naman sya. Sila na daw muna ang bahala kapag hinanap ako.

"It's not important—"

"Hindi ho importante? E muntikan na hong malunod yung kaibigan namin. Hindi po yan marunong lumangoy" inis na saad ko.

Kung si Naz ay nakakapagtimpi sa Coach nila Theo, Ako hindi.

"Look, I know that concerned kayo sa friend nyo... but, mataas na personalidad ang nasa likod nito. And they are willing to pay, basta ay wag itong ilabas sa public" saad nya at bumaling ng tingin kay Naz.

"Bayaran?" sarkastikong pag uulit ni Theo.

"Yes. 500k, wag nyo lang ilabas sa public" saad ng coach nya na tila naiinip sa sagot namin.

"Gaano po ba kalaking tao ang nasa likod nito?" tanong ni Naz.

"I think si Theo na ang bahalang mag sabi sa inyo. But i'm warning you, take it or regret it. It's up to you" saad ng lalaki bago tuluyang umalis sa kwarto. Kaming tatlo na lang ang nandito.

"Sino?" diretsahang tanong ni Naz kay Theo.

"Anak ng senator, si Lourence. May... manic depressive illness kasi sya" pagpapaliwanag ni Theo.

"So, kaya ka gustong bayaran ay ayaw nyang maibalita sa public ang anak nya? ayaw ipaalam ng senator sa publiko na may sakit si Lourence?" tanong ni Naz na tila pinoproseso ang mga sinabi ni Theo.

"Oo. Malapit na kasi ang campaign. Kapag naibalita to sa media, sigurado na magd-dig in sila. Narinig ko kanina parang itinatakwil na si Lourence. Hindi nya raw matatanggap na may anak syang sira ulo. Kaya siguro ako itinulak ni Lourence kanina, dahil siguro sa epekto ng salita na sinabi ng papa nya" pagpapaliwanag ni Theo.

"Sya ang sira ulo" sambit ni Naz.

"E anong gusto mong gawin, Theo?" tanong ko. Dahil hindi ko alam ang gagawin. Alam ko ang sitwasyon ni Lourence, mayroon syang bipolar disorder. At ang kailangan nya ay treatment, hindi ang pagtatakwil ng tatay nyang senador.

"Hindi ko alam. Pero nakakaawa kasi si Lourence, hindi lang naman ako ang biktima dito e. Mismong sya rin" nag aalalang saad ni Theo.

"Ayoko na rin ilabas sa public to. Malapit na ang championship, baka sabihin tricks pa namin ito. At ayoko ring tanggapin yung pera, ayokong magkaroon ng utang na loob sa kanila" dagdag nya pa.

"Tama. Baka sa susunod ay gamitin ka pa, hawakan ka pa nila leeg pag nagkataon" pahayag ko.

Pagkatapos ng araw na iyon ay puro na kami practice. Discharged na ulit si Theo at makakalaro naman sya, pagaling na rin ang pilay nya. Tatlong araw na lang ang mayroon kami para makapag practice. Pagkatapos nito ay lilipad na kami patungong Malaysia dahil doon na raw gaganapin ang tournament.

"Kumain ka muna" saad ko kay Mina at nilapagan sya ng plato na may carbonara. Napagsabihan kasi sya ni Coach Leon kanina kaya nagpractice sya nang nagpractice.

"Salamat" saad nya. Ramdam sa boses nya ang pagod pero nagagawa nya pang ngumiti.

Hay nako, Mina. Paano na ako nito?

Umupo ako sa may gilid nya. Nandito kami ngayon sa may rooftop. Hinila ko ang isang armchair para may pagpapatungan kami ng pagkain. Ibinaba nya na rin muna ang cellphone nya bago sya nag unat.

Ang cute.

"Magl-live ako! Okay lang na kasama ka?" masayang saad nya at ngumiti sa akin.

Paano ko naman sya matatanggihan?

"Ahh. Sige lang, kung gusto mo" saad ko.

Pumalakpak sya bago iayos ang buhok. Inilagay nya rin ang cellphone nya sa may dulo ng armchair at ipinunta ito sa instagram.

"Game na?" tanong nya sa akin at tumango naman ako.

Pagkapindot nya ng start button sa live ay nakita ko agad ang pagdami ng nanonood. Awkward tuloy akong napangiti.

"Hi guys! Hi hi!" saad nya habang kumakaway sa camera.

mina.aar                                             live: 1209 👁

dor.haemon: oh my gosh?! si harue ba yan ng QIX?

klarity23: shout out po

jennini: gago bagay sila!

areawqs: goodluck po sa championship!

davifg: hindi ko alam kung kanino ako maiinggit e. kung kay harue ba na kasama si mina or kay mina na kasama si harue

justwq12: saan po si eros?

Natatawa na lang ako sa ibang mga comment. Si Mina naman ay walang tigil kaka shout out sa kanila.

May nagpa shout out pa nga sa tatay nya na nasa bilyaran daw, Paki sabi daw na umuwi na dahil galit na daw ang nanay nya.

"Shout out? Ay teka, eto!" sambit ni Mina at iniharap akong maigi sa camera.

"Shout out mo daw, Harue" sambit nya.

"Shout out sayo, Theo. Kapangalan mo pa yung kaibigan ko. Mabuhay ka hanggat gusto mo" saad ko na ikinatawa ni Mina.

"Kumain na po ba kayo?" basa ni Mina sa comment.

"Ay ito oh!" saad nya at itinaas ang pagkain nya.

"Panoorin nyo kaming kumain ngayon!" sambit nya bago nagsimulang kumain. Kumain na rin ako at nakibasa sa comment.

"Hoy fake news! Hindi ko crush si Peter, ano!" pagkaklaro nya.

Yes!

"Asan po si Luke at Eros?" basa nya ulit bago sumubo ng carbonara. Nginuya nya muna ito bago bumwelong mag salita.

"Nako nasa room na nila yon. Tapos na ang practice namin e" sambit nya.

May mga nababasa akong comment na ang cute daw naming tignan pero hindi ako nagpapahalata. Baka mamaya ay i end nya ang live, nag eenjoy pa naman akong magbasa ng comment.

Nakakakilig.

haroldiswtf: kuya harue, wink ka nga po kung crush mo si ate mina!

Pagkabasa ko noon ay kumindat ako sa camera na mukhang napansin ni Mina dahil kahit sya ay nagulat at napatingin sa direksyon ko.

Bakit ko pa itatago? E crush ko na talaga sya.

13 days before the tournamentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon