05

6 3 1
                                    

"Napapadalas na kayong magkasama, nililigawan mo na ba?" bungad na tanong ni Thor sa akin habang nag aalmusal kami.

"Hindi pa" sambit ko na ikinatawa nya.

"Sus. Sa akin ka pa nahiya? Parang hindi kaibigan oh" pang eepal nya pa.

"Di naman ako type non" saad ko bago sumimsim sa kape.

"E sino ang type? Si Peter" inirapan ko sya sabay middle finger. Parang gago, wala namang dulot yung sinasabi.

"Si idol naman, nahihiya pa" panggagatong ni Eros na kakarating lang. Si Russel naman ay nasa may blender habang kausap ang mama nya. Ang iba naman naming teammate ay tulog pa.

"Tigilan nyo ako" iritable kong sagot.

Oo iritable talaga ako.

"Sige. Para tigilan ka namin, ireto mo kami" natatawang sambit ni Eros. Kinunutan ko sya ng noo dahil kailan pa sya nagkaroon ng hilig sa babae?

Kumpara kasi kay Luke at Russel na matinik sa babae, walang pakialam si Eros sa ganoon. Kahit mas marami ang nagkakagusto sa kanya ay wala lang iyon sa kanya.

"May sanib ka ba, pre?" tanong ni Russel na kakalapit lang sa amin habang dala dala ang banana shake nya. Tapos na atang kausapin ang mama nya.

"Pucha, may lagnat ka ba Eros?" hindi makapaniwalang tanong ni Thor at hinaplos pa ang noo ng kasama namin.

"Sino ba ang type mo? Kung si Mina ay sorry ka na lang pre, may Harue na yon" sambit ni Luke na kanina pa pala nakikinig habang nasa may hagdan.

Bumaba ito at tumabi sa bakanteng upuan sa gilid ni Russel. Walang pakundangan pa itong sumalampak sa upuan at kumuha ng pandesal.

"Ang type ko? Skater na kaibigan ni Theo. Kilala mo ba yon, Harue?" seryoso nyang saad na parang may ibang pinaparating.

"Si ano!! Teka nakalimutan ko ang pangalan..."

Mukhang alam ko na kung sino.

"Nazarene?" tanong ni Thor.

Sabi na eh.

"Tumpak lagapak!" sigaw ni Thor na natatawa.

"Grabe ka naman magkagusto! Sa lowkey pa talaga?" sambit ni Russel na may pandesal sa bibig.

"True ka dyan, pare. Sobrang lowkey non. Never ko nga nakita na may update yon sa socmeds nya, kadalasan deactivated pa" gatong pa ni Thor.

"Busy ang kaibigan ko" sambit ko.

Kilala ko naman si Eros. Mabait naman sya at wala naman syang history ng pagiging redflag or ano. Kaso lang ay busy naman talaga si Naz. Hindi na nga nakain yon e, magka oras pa ba yon para sa ganito?

"Ako rin naman" sambit nya bago ngumisi.

"Nako, tinamaan na ata ang kaibigan natin" pang aasar ni Russel.

"Sobra... tamang tama"

Pang limang araw na ng practice namin at gaya ng nakagawian namin katulad noong mga nakaraang araw ay sabay kaming naglulunch ni Mina. Ewan ko ba, basta ang gaan gaan ng loob ko sa kanya. Si Theo naman ay na discharge na at nagpapractice na rin para sa tournament. Kaso nga lang ay hindi pa pwedeng pwersahin ang binti nya. Inadvice din muna ng doctor na mag saklay sya kung hindi pa talaga kaya.

Kasalukuyan kaming nasa Infinitea ni Mina at parehas kaming nagrereview. Sya ay para sa quiz nila mamaya, at ako naman ay para sa subject next sem. Binigyan kasi ako ng libro ni Naz, pwede ko raw gamitin pang advance reading. Saktong sakto ito dahil ayoko namang mapag hulihan kapag nagbalik na ang pasok namin.

"Hindi ko talaga ma gets ang purpose nitong herbicides" sambit nya.

"Patingin" saad ko.

Kinunutan nya muna ako ng noo bago iabot sa akin ang binabasa nyang libro. Binasa ko muna iyon.

"Yung herbicide, isa syang substance na toxic para sa plants, kadalasan ginagamit to ng mga magsasaka or ibang nagtatanim to destroy unwanted vegetation. Pero hindi naman masama agad ang dulot nito, kasi kadalasan, ito yung ginagamit para sirain yung mga pananim na hindi naman nakakabuti sa isang tao. Katulad ng weeds" pagpapaliwanag ko.

Nakatitig lang sya sa akin at naiilang ako kaya nagpatuloy na lang ako sa pagpapaliwanag.

"Syempre kung may masamang epekto sa halaman, ganoon din sa tao. All chemicals, including herbicides, are potentially hazardous to human health. However, a basic principle of toxicology is that "the dose makes the poison". Kumbaga, mas maraming amount, mas delikado. Kagaya ng nandito sa picture, yung iba nakakaligtas, pero may mga namamatay din. If you swallow it, you may have increased saliva and burns and pain in your mouth and throat. It can cause nausea, vomiting, and diarrhea. In some cases, people who intentionally swallowed products with glyphosate have died" saad ko bago ibinalik sa kanya ang libro.

"Kaya mag iingat ka kapag pinag aaralan nyo yan, hmm? Huwag magsusubo ng kamay kapag humahawak ng chemicals, lalo na kapag hindi mo alam ang epekto" pagpapaalala ko sa kanya.

"O-okay" saad nya na parang natataranta.

Nag kibit balikat na lang ako at nagpatuloy na rin sa pagbabasa.

Pagkatapos naming mag lunch at mag review ay bumalik na kami sa hotel. Practice ulit ang gagawin namin at papanoorin daw kami ni Mr. Perez. Ang epal na to.

Pinili ko ang Locus dahil Search and Destroy ang mode na lalaruin namin ngayon. Naka chopper si Eros, qxr kay Thor, krm kay Luke at asm10 kay Mina. Si Peter ay nasa gilid lang at naka spectate sa amin.

TLF ang kalaban namin ngayon. Clan din na hawak ng management namin. Sayang lang at hindi sila makakalaro internationally dahil nalaglag sila sa playoffs.

Sa unang round ay napatay agad si Mina dahil nakaapak sya ng tripmine. Pero nanalo naman kami dahil na defuse agad ni Eros ang bomb. Sa second round naman ay napatay ako ng sniper nila. Nakita ko ang pag iling ni Mr. Perez pero hindi ko na lang ito pinansin.

Nang matapos ang game ay nanalo naman kami. Si Luke ang Mvp at pangalawa naman ako. Pabagsak na inilagay ni Mr. Perez ang cellphone nya sa side table kaya napatingin kami sa kanya.

"Anong score yan? 5-3?! Muntikan pa kayong mahabol! Ayusan nyo naman!!" sigaw nya sa amin.

Napatingin ako kay Mina na halatang nagulat sa kinilos ni Mr.Perez. Nakakahiya.

"Sir—"

"Tumigil ka, Leon! Lagi mo kasing kinukunsinti ang mga ito kaya nagpapabaya. Kung hindi lang naa-agapan ni Mina ang possible na pagp-plant nila ay matatalo pa kayo? Paano na sa international yan e kung sa local pa lang nanganganib na kayo?!" dire-diretso nyang sigaw sa amin.

"E ano bang alam nyo sa larong to, Mr. Perez?" sabay sabay kaming napalingon kay Peter nang mag salita sya.

"EXCUSE ME?!" sigaw ni Mr. Perez.

"Ay dadaan ho kayo?" natatawang saad ni Peter bago tumayo at marahang lumapit sa amin.

"Seryoso Mr. Perez, ha. Wala naman ho kayong alam sa laro e. Puro kayo utos, na dapat ganito... na dapat ganyan. E parang objectives nga ng laro hindi nyo alam e. Ano lang alam nyo? pagd-defuse? pagp-plant? Ilang years na ako sa QIX, lagi kayong ganyan. Tapos babait lang kayo sa amin kapag nanalo na kami. Magiging proud lang kayo sa amin kapag may camera na nakatutok. Sasabihin nyo lang na ang sipag namin kapag may media na. Katulad ngayon, walang camera, kaya kayo ganyan. Ni wala nga kayong konsiderasyon sa amin. Alam nyo bang si Harue, Mina, Luke, Eros ay estudyante pa? Nakikita ko yan, sinisingit yung pag aaral kapag lunch, dinner, ni hindi na nga nakain e. Kasi wala na silang free time" dire-diretso nyang saad habang kalmadong nakatingin kay Mr. Perez.

"Wala kayong konsiderasyon, pero ang lakas nyong mag demand" sambit ni Peter bago tuluyang lumabas ng silid.

13 days before the tournamentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon