I choose to love you

40 0 0
                                    


"I don't love you anymore" Pakiramdam ko unti unting nadudurog ang puso ko sa mga pinagsasabi ko. I'm such a liar. Mahal na mahal ko siya. Seeing him suffer like this breaks my heart a million times but I need to do this.

"N-No I know it's not true. Bakit? Di ba ipaglalaban natin itong pagmamahalan natin. Why are you giving up on me? " Napapikit ako. Hindi ko kayang makita siyang umiiyak habang nakaluhod sa harap ko. He doesn't deserve this. He loves me so much and I love him so damn much.

Pinipigilan ko ang luhang gustong gusto nang lumabas. Hindi pwede. Kailangan ko itong gawin. I'm so sorry Creampuff ....

Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa mga kamay ko. Gusto kong sambunutan ang sarili ko dahil iyon na ang huling pagdampi ng balat niya sa balat ko at tinapos ko na. Tinalikuran ko siya at doon na tumulo ang luha ko.

"May iba na akong mahal. So I'm breaking up with you" at tuluyan ko na siyang iniwan. I still hear his voice calling my name and it slices my heart into pieces.

"Please Zaiah.. Zaiah... "

"Zaiah....ZAIAH ERZA CONCEPCIÓN" Nagulat ako sa pagsigaw ng Professor ko sa tenga ko. Aist! Kabastusan naman ng mga ito kitam na natutulog ako eh! >____< Hays yun nanaman ang panaginip ko. Wala ng katapusan. Oo na pinagsisihan ko na yun. PAULIT ULIT?

"Bakit Ma'am?" tanong ko sa professor ko. Doon ko lang na-realize na ako nalang ang nakaupo sa seat at halos lahat na sila ay nakatayo sa board. Nasa harap ko naman ang professor ko na lumaki na ang butas ng ilong sa ka-highblood-an. Ek?

I choose to love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon