CHAPTER 10 ⚠️WARNING⚠️

3.5K 57 1
                                    

Kumatok naman ako sa pinto.


"Sheon, nanjan ka ba?"-medyo malakas na boses ko.
Maya maya narinig ko na ang boses niya.



"Oo, bakit papasok na ba ako diyan?"-sabi niya mula sa labas ng banyo pero narinig ko ang bahagyang pagtawa niya.



"Hindi, pwede bang..."-sabi ko. Napakamot pa ako sa ulo, pano ko ba siya uutusan dapat kasi nagdala ako ng napkins, hindi ko naman kasi inaasahan na ngayon darating ang menstruation ko.



"Jemah, ano?"-rinig kong boses niya.



"Pwede bang, bilhan mo kong napkins. May red days ako ngayon eh."-sabi ko at napasandal pa sa pinto. Nakakahiya grabe!



"Are you sure? Baka naman linoloko mo ko, para hindi ako maka score sayo ngayon."-sabi niya na hindi pa naniniwala at medyo natawa pa. Kaya binuksan ko ang pinto ng banyo at pinakita sa kanya ang may dugò ko na undies.


Napaiwas pa siya ng tingin.



"Sige. Sige bibili ako."-sabi niya at naglakad na papaalis. "Distorbong red days yan. Tsk!"-he mormured. Magtiis ka muna, gàģo pala ito eh.




Nagshower na lang ako para pagdating niya, tapos na ako. Tsk! Ano kaya gagawin niya sa pagbili ng napkins. Malamang baka pagtawanan siya ng makakakita sa kaniya.




Sa totoo lang mahirap kasi utusan ang mga lalaki bumili ng napkins eh. Kahit mga kapatid kong lalaki, hindi ma-utos utosan na bumili.


Buti na lang talaga, pumayag siya na bibili.



Tapos na ako maligo nang marinig ko na ang pagkatok sa pinto ng banyo si Sheon. Dumating na siya.



"Ito na."-rinig kong boses niya. Kaya nagsuot muna ako ng bathrobe at binuksan ang pinto ng banyo. At inabot niya sakin ang paper bag. Pangmayaman ba na napkins binili niya? At naka paper bag. Kinuha ko ito mula sa kanya at sinara na ulit ang pinto. At binuksan ko, tinignan ko naman ang price. $89 ang mahal naman.




Ang sosyal ng kèpày ko, makakasuot ng napkin na galing sa New york. Nang makapagbihis na ako. Linigpit ko muna nag kalat sa banyo, dadalhin kong pinas ang napkin na ito. Ito ang unang souvenir from New york.





Lumabas na ako ng banyo, natigil pa ako kasi nakahùbad ng pang itààs si Sheon. Wala naman siguro siyang gaagwing masama sakin noh.





Naupo naman ako sa gilid ng kama at pinunasan ang basang buhok ko, gamit ang towel. 2 pm pa lang naman dito, kaya matutulog muna ako, medyo napagod ako sa biyahe.



Nahiga naman sa may tabi ko si Sheon.



"Gisingin mo na lang ako pag 5 pm na. May pupuntahan tayo mamaya."-bilin niya at pumikit na ito ng mga mata. Teka, ako yung matutulog eh.


"Pero matutulog din ako."-sabi ko.



"Eh di, matulog na tayo."-sabi niya at hinila ako pahiga sa tabi niya at napasubsob pa ako sa matigas niyang dibdib. "Matulog kana."-sabi niya at hinalikan pa ang gilid ng buhok ko.



Kaya pinikit ko na rin ang mga mata ko, kasi inaantok na rin naman ako.




After few hours ago.



Nagising ako nang 5:30 pm, wala na sa tabi ko si Sheon. Wala rin naman sa banyo. Saan na kaya siya nagpunta. Medyo inaantok pa nga ako eh, dahil siguro sa jetlag. Dapat kasi oras ngayon ng pagtulog ko kung nasa pinas kami.





Possessive #1 MAID WITH BENEFITSWhere stories live. Discover now