Few moths had past, naging maayos naman ang pagsasama namin ni Sheon bilang mag asawa. Alagang alaga siya samin ng anak niya.
Pinapaliguan, binibihisan pinapakain, tagalaba, tagaluto at tagalinis at marami pang iba. Nagmumukha tuloy akong paralisado sa ginagawa niya. Hindi man lang siya umuuwi ng maynila para dalawin ang parents niya pati yung negosyo niya hindi man lang binibisita.
Nagdidilig ako ng mga halaman ni tatay sa bakuran namin ngayon. Nang makaramdam ako nang pananakit ng tiyan, napahawak pa ako sa puson ko.
"SHEON! SHEON!"-Malakas na sigaw ko kasi parang manganganak na ako. Kabuwanan ko na kasi ngayon.
"Bakit?"-tanong niya habang nasa pintuan at parang umiinom ng kape.
"Manganganak na ko, bilisan mo bwèsìt ka!"-naiinis kong saad habang tinitiis ang sakit ng puson ko pati tiyan ko. Naibuga niya naman yung iniinom niyang kape at tumakbo papalapit sakin. Dumating na rin si Jacob na galing pa sa kapit bahay.
"Jacob, ang sasakyan bilis!"-natatarantang saad ni Shèon. Kaya agad agad namang binuksan ni Jacob ang pintuan ng kotse sa backseat. Inalalayan ako ni Sheon na sumakay ng kotse.
"Ako na kuya magdadrive."-pagpresinta ni Jacob at sumakay na siya ng Driver seat. Sumakay na rin sa tabi ko si Sheon.
Maya maya pa umandar na ang sasakyan paalis. Medyo hindi na masakit ang tiyan ko ngayon.
"Okay ka lang ba? Kumusta ang baby natin?"-natatarantang tanong ni Sheon. Mas natataranta pa ito kaysa sakin eh.
"Okay lang ako."-sagot ko at sumandal pa sa headboard ng upuan ng kotse.
"Are you sure?"-paninigurado niya pang tanong. I nodded.
"Kumalma ka nga, hindi naman ikaw yung manganganak eh."-naiirita kong saad. Masyadong nerbiyoso ang lalaking to.
"Naninigurado lang ako."-he said. "Wala bang ibang Hospital na malapit? Yung may private room sana?"-tanong niya kay Jacob.
"Malayo yun kuya, 2 hours pa ang biyahe papunta don. Baka lumabas na ang baby niyo, hindi na aabutin."-Jacob explained.
"Sheon, okay lang na jan sa malapit. Magiging okay ako. Wag kana mag alala."-sabi ko at hinawakan ko ang kamay niya masyado nang linalamig. Bahagya pa akong natawa dahil sa itsura niya. Napaka nerbiyoso niya pala.
Sa ilang buwan na paninirahan niya samin at simpleng tirahan at buhay. Hindi nawawala kay Sheon ang mukhang mayaman.
Ang galing niya magdala nang sarili niya, kasi ako palagi akong mukhang mahirap eh. Samantalang siya, kahit simple lang ang damit niya nagmumukha pa ring mayaman.
Hospital.
Habang andito kami sa hallway at nag aantay na matapos sa loob ng ward yung nanganganak pa. Kaya tiis tiis muna, hindi pa naman nagmamadaling lumabas ang Baby Jeremmy ko.
Lalaki kasi ang baby namin, nung nagpa ultrasound ako. Tama nga ang hula ni Binibining Nadya, kasi Jeremmy naman talaga ipapangalan ko sa anak ko. Para malapit sa pangalan ko.
Palakad lakad naman sa harap ko si Sheon, kanina pa ako naiirita sa lalaking to. Mas kinakabahan pa siya kaysa sakin eh.
"Maupo ka nga, kanina ka pa jan!"-naiirita kong saad kay Sheon. Si Jacob umuwi muna para kumuha ng mga gamit namin, kasi nakalimutan naming magdala ng gamit sa sobrang taranta ni Sheon.
YOU ARE READING
Possessive #1 MAID WITH BENEFITS
RomanceJeremiah, the bread winner of the family. So, she will do everything, just to make sure that her family won't suffer. Even in exchange for her soul. She will meet the man who will capture her silent heart. DISCLAIMER This work of fiction may includ...