EPILOGUE ⚠️WARNING⚠️

2.7K 56 7
                                    

Ilang araw kaming nanirahan sa bahay ng parents ni Sheon, nakilala ko na rin ang mga kapatid niya at ang asawa ni Cyriel.





Mabait naman pala siya, kaso medyo maldita nga talaga. Pero magkasundo kami, kasi ganun din naman ako eh. Mabait naman pala ang dad niya, palagi niya nga inaalagaan ang anak namin.


"Buti naman ate, napatino mo ang kuya ko. Akala ko kasi hindi na siya titino pa."-natatawang saad ni Audrey habang nasa may pool area kami at nakaupo sa bathing chair.




"Naapakan ko ata ng husto ang pride niya. Kung alam mo lang kung paano magmahal ang babaerong kuya mo. Marami siyang natutunan sa lugar namin."-nakangiti kong pagkukwento kay Audrey. Natuto mangisda si Sheon, mag igib ng tubig, at marami pang iba.



Sana lahat na babaerong lalaki, maging ganun. At magising sa katutohanan, na mas masaya ang magiging seryoso sa lovelife. Kaysa ang magpalit palit ng babae.




"Ang asawa ko naman, hindi siya babaero, pero iniwan ko siya. Nagkalayo kami ng ilang taon sa mga maling akala namin. Alam pala ng kuya ko ang lahat, pero hindi niya sinabi sakin."-saad ni Audrey.



Nalaman na kasi nila na una pa lang alam na ni Sheon ang lahat ang tungkol kay Cyriel. Nung una medyo naguluhan pa ako na ma gets yun. Pero kalaunan naintindihan ko din.




"Pero okay na rin yun. Hindi lang talaga siguro time namin nun."-sabi pa ni Audrey at napangiti na ito.



Lahat naman na tao, marami munang pagdaraanan bago mo makuha ang sinasabi nilang tagumpay. Basahin niyo ang kwento ni Audrey at Cyriel na My Ultimate Queen at My ex husband is my professor.



After few months ago.



"HAPPY ANNIVERSARY."-bati sakin ni Sheon na kakarating pa lang galing office niya. Yes, 1 year anniversarry ngayon ng kasal namin.



He kissed me on lips.




"Maaga ata uwi mo?"-tanong ko rito habang hinùhùbàd ko ang sùot niyang coat. 2 pm pa lang kasi ng hapon andito na siya. Ganito kasi ginagawa ko pag galìng siyang trabaho. Tinutulungan ko siya maghùbàd at magbihis.





"Mag date muna tayo, iwan muna natin kay mommy ang anak natin."-sabi niya.




"Wag na, dito na lang tayo. Ipagluluto na lang kita."-i said. Tulad nga nang sabi ni Sheon noon, bumili nga siya ng bahay malapit sa bahay ng parents niya.




At si Jeremmy naman 7 months old na, medyo lumalaki na rin at medyo makulit. Super close din sila ng pinsan niya na si Cydrey.



Linapitan naman ni Sheon ang anak namin na nasa crib na mag isang naglalaro. Kinarga niya ito.




"Panuorin ka namin magluto."-nakangiting saad ni Sheon kaya sabay na kaming naglakad palabas ng kwarto.


Nang makababa kami sa sala, may bisita pala kami.



Si Peter at Chelsea. Ang alam ko liniligawan niya si Chelsea sa ngayon. Kay Chelsea niya kasi nakita ang standard niya sa isang babae. Ang matalino at isang Model. Nakakatawa naman yun, kung alam ko lang na ang tulad ni Chelsea ang hinahanap niya, sana pinakilala ko sila sa isa't isa noon.


"Magluluto lang ako ng Meryenda natin."-sabi ko while smiling.



"Tulungan na kita ate."-pagpresenta ni Chelsea.


"Parang di ka naman marunong, baka makasira ka lang sa lulutuin ni ate."-pagkòntra ni Peter sa kaniya na parang nang aasar pa .



"Tsk. Para naman matuto ako magluto noh. Wag mo nga akong ipahiya, babàstedin kita. Sige ka."-mataray nitong saad kay Peter na may kasamang pangbàbànta.



"Tsk. Oo na. Ate, turuan mo ang binibining ito. Pag hindi siya natuto, hindi ko na siya liligawan."-Peter said while chuckled.



*Kitchen




"Kailan mo naman pala sasagutin ang bunsong kapatid ko Chelsea?"-tanong ko kay Chelsea, habang tinutulungan niya ko magprefer ng mga lulutuin namin. Napangiti naman siya ng husto sa tanong ko.



"After Graduation niya po siguro ate. Yun ang gusto kong regalo sa kaniya ang maging kami. Dalawang beses ko na kasi siyang binasted, kasi hindi ako sure sa feelings ko sa kaniya noon. Pero ngayon, sigurado na ako."-nakangiti at seryoso niyang saad.




Magkakaroon ng happy ending ang love story nila. Si Jacob naman, wala atang balak mag asawa yun.



Sure ako na si Chelsea at Peter ang para sa isa't isa. Perfect match sila, parehong matalino at madaldal.




×××××



"Ito nga pala ang gift ko para sayo."-sabi ni Sheon at may pinakita sakin. Isang I.D company, I.d ko ito noon ah. Bakit nasa kaniya ito? Matagal ko na tong hinahanap eh, kasi ito yung rembrance ko sa unang trabaho ko dito sa Maynila.



"Bakit nasa iyo to?"-nagtataka kong tanong sa asawa ko.




Nasa kama na kami ngayon at magkatabi na nakaupo at nakasandal ang mga likod sa headboard ng kama.




"Hindi mo naman ata na aalala ang tunay na first meet natin."-nakangisi niyang saad. Ibig niyang sabihin hindi sa labas ng bar niya ang first meet namin.



"Baka nga ako pa una nagkagusto sayo. Tsk."-sabi niya habang nakangisi. "Pero katawan mo talaga ang una kong nagustuhan sayo. Haha."-sabi niya at natawa pa.




"Tsk. Yun naman talaga habol mo. Napakamànyàk mo."-nakairap kong saad sa kaniya.



"Sundan na natin agad si Jeremmy, gusto ko babae naman."-nakangisi niyang saad. At hinalikan pa ang balikat ko.





Parang ayoko pa mag anak ulit, gusto ko kasi ipagpatuloy ang pag aaral ko.





"Pwede naman nating sundan ang anak natin, pero hindi muna ngayon. Gusto ko tapusin ang pag aaral ko, after that magnenegosiyo na lang ako. Gagamitin ko yung pera na bigay ng father in law ko."-sabi ko. Tumango tango naman si Sheon.





"Okay, ikaw ang boss ko eh."-sabi pa niya. Binigyan kasi ako ng pera ng daddy niya, award niya daw sakin dahil napatino ko ang anak niyang babaero.



Habang si Sheon, ang salary niya binibigay niya ng buo sakin. Tapos ang kita niya sa negosiyo niya, yun ang mga ginagastos para sa lahat. Nakalaan kasi ang salary niya para sa future nang anak namin at magiging anak pa.




Para naman paglaki nila, hindi nila kailangan maghirap. Or maranasan ang mga hirap na pinagdaanan ko.



Lumipas nga ang mga araw, linggo, buwan at taon. Nakapag graduate nga ako ng College, pero hindi ko na binalak maging licensure Lawyer.





Gusto ko lang makagraduate. Bago ako magsisimula sa pag bi-business ko. Dahil kakilala ni Sheon ang isa sa may ari ng malaking Mall sa Maynila, nakakuha agad ako ng pwesto rito.




Simula nung naging asawa ako ni Sheon, naging mahilig ako sa pangongolekta ng bags at Shoes. Kaya yun ang naisip ko inegosiyo. Lalo na't ganun din si Chelsea at Audrey at mga kaibigan nito.



Kaya sila ang suki ko sa negosiyong naipatayo ko.



"Magaling ka Jeremiah."-rinig kong saad nang isang babae na kakapasok lang ng Shoe store ko.



Bakit niya ba ako kilala? Eh hindi ko naman siya kilala.



"Magkakilala po ba tayo Miss?"-nakangiting tanong ko rito.



"Im Binibining Nadya. Ako ang dahilan kung bakit kayo nagkatuluyan ni Sheon."-nakangising saad niya.




Teka, parang namumukaan ko siya at yung name niya. Siya yung sinasabi ni Sheon na manghuhula daw at dati niyang client.




Tinignan ko siya mula paa hanggang ulo. Okay naman, sexy naman siya.

Possessive #1 MAID WITH BENEFITSWhere stories live. Discover now