Agad akong nakasakay ng Bus, pauwi sa bicol na probinsiya namin. Sa may bintana ang pwesto ko.
Ano kaya ang sasabihin ni tatay kapag sinabi kong buntis ako at pinagtabuyan ako ng nakabuntis sakin. Sigurado ako magagalit siya ng husto sakin.
Haharapin ko na lang ang galit niya, kaysa sa pumunta pa kung saan. Palalakihin ko ang anak ko na walang ama na babaero. Tulad ng lalaking yon, tsk!
Talagang pinalayas niya ako, at hindi man lang pinigilan na umalis. Ganun ba talaga tingin niya sakin? Ganun siya kasi nakahanap na siya ng kapalit ko, pagkatapos niyang pagsawaan ang katawan ko ganun lang igaganti niya sakin. Uuwi ako samin na wala man lang pera or kahit ano.
Ano kayang sasabihin ni tatay at kapatid ko, itatakwil niya ba ako?
Maya-maya pa, umandar na ang bus paalis. Napasandal ako sa bintana, hayss makakauwi na rin. Makakauwi na may pasalubong na baby kay tatay.
Sisiguraduhin ko na maghihiwalay din sila ng bago niya, sinusumpa ko yun.
After 12 hours na biyahe ko. At last andito na rin sa bayan kung saan ako lumaki. Sumakay ako ng tricycle papunta samin. Malapit lang naman kaya okay na. Makikita ko na ang kapatid ko at tatay ko.
Umaga na ako nakarating, 12 hours talaga kasi ang biyahe manila to Bicol San jose. Malapit sa may dagat ang bahay namin. Nang nasa tapat na nang bahay namin, pinahinto ko na si manong at nagbayad sa kanya.
Bumaba ako mula sa tricycle, medyo maganda na ang bahay namin. Binaba naman ni manong driver ang mga gamit ko.
"Salamat po."-sabi ko rito.
Natanaw ko ang kapatid ko na papalabas ng bahay.
"Jacob."-tawag ko sa kanya at kumaway kaway pa.
"Ate!"-sabi niya na parang hindi makapaniwala. Tumakbo naman siya papalapit sakin. Agad ko naman siyang yinakap. "Ate namiss kita."-sabi niya nang bumitaw na siya sakin.
"Si tatay nasaan?"-tanong ko na medyo na eexcite kahit papano.
"Nasa loob ate, tara matutuwa yon ng sobra."-sabi ni Jacob at binitbit ang gamit ko papasok ng bahay.
Sobrang taas kasi ng sahod ni Peter, halos dito niya pinapadala kina tatay, sobrang swerte niya at si Cyriel ang amo niya. Samantalang ako, kailangan kong ibigay ang katawan ko kay Sheon para sa pera.
Sayang naman yung ATM ko, marami pang laman yon. Huhuhu! Sana dinala ko na lang, wala tuloy akong ipangbubuhay sa anak ko. Bakit ko pa kasi iniwan yon? Sana kinapalan ko pa ang mukha ko, total naman si Sheon ang ama ng pinagbubuntis ko.
Marami nang alagang manok si tatay. Grabe.
Halos 3 years akong nawala dito at hindi man lang nakauwi.
Nang makapasok ako sa loob, sinalubong ako ni tatay. Yinakap ko naman siya, at napaiyak na lang bigla. Dahil siguro sa na miss ko siya.
"Bakit ngayon ka lang umuwi, bakit hindi mo kasama ang kapatid mo?"-tanong niya nang bumitaw kami sa isa't isa.
"Hindi po siya pinayagan ng boss niya, ako naman po nagresign na sa trabaho."-sabi ko at naupo kami sa sofa. Pati ang sofa bago na rin.
"Mabuti yan na nagresign kana, para naman makapagpahinga kana."-sabi naman ni tatay na tuwang tuwa. "Kumusta ka naman anak, mahirap ba doon sa trabaho mo?"-tanong niya.
YOU ARE READING
Possessive #1 MAID WITH BENEFITS
RomanceJeremiah, the bread winner of the family. So, she will do everything, just to make sure that her family won't suffer. Even in exchange for her soul. She will meet the man who will capture her silent heart. DISCLAIMER This work of fiction may includ...