Kinabukasan.
Sa restaurant ulit kami nag breakfast. Buti na lang hindi humirit ng round 2 si Sheon kagabi, nakita niya naman kasi na sobrang pagod na ako kagabi.
"Kumusta ang tulog mo kagabi?"-tanong ni Sheon na magkaharap kaming nakaupo sa pagitan ng desk. At kumakain na rin for breakfast.
"Okay naman. Masarap tulog ko."-walang gana kong sagot.
"Good, kahit ako kung meron man nagpapaligaya sa akin bago matulog masarap talaga ang tulog ko."-sabi pa niya at naka smirk pa ito habang nakatitig sa mga mata ko. Tsk.
"Tsk. Any way, 2 days na lang tayo dito noh. Kaya mamasyal pa tayo."-sabi ko. Mag iisang linggo na kasi kami dito.
"Balak mo bang libutin ang buong New york?"-he ask while smirking at me.
"Kung pwede lang, gagawin ko. Kaso kulang ang 1 week."-sabi ko. Mamimiss ko ang New york. Ngayon pa lang medyo nalulungkot na ako.
"Don't worry, pag may time ulit ako. Dadalhin kita ulit, pero sa ibang bansa naman. Saan mo ba gusto?"-he ask. Seryoso ba siya? Or nagbibiro lang siya? Gusto ko kasi sa thailand. Magaganda ang tanawin doon. Na puro sa drama ko lang nakikita. Kaso nakakahiya naman sa kanya, sobrang dami niya nang nagastos dahil sa akin.
"Wag na. Okay na sa akin sa pinas."-sabi ko. Tumango tango lang ito.
"Okay. Ikaw naman ang masusunod, pero kung may gusto ka pang puntahan. Sabihin mo lang sa akin."-sabi pa niya. I just smile.
Ang bait talaga ni Sheon, isa lang talaga ang ayaw ko sa kanya yung pagiging babaero niya. Pero pwede naman siya magbago diba?
Sana nga, magbago pa siya.
Sa dalawang araw naming natitirang pamamalagi ni Sheon sa New york. Sinulit talaga namin ng husto. Hanggang sa uuwi na nga kami sa pilipinas dahil may trabaho pa si Sheon at ang mga pusa binilin lang ni Sheon sa kaibigan niya. Na puntahan ito lagi sa condo.
Kaya nang dumating kami sa pinas at makauwi sa condo, sinalubong kami ng tatlong pusa, kaya kinarga ko naman si Layla. At yung dalawa karga karga ni Sheon.
"Na miss niyo ba ako mga anak ko?"-tanong ni Sheon kina Zilong at Dyroth na mga pusa. Naupo naman ako sa sofa habang karga karga si Layla. Nakakapagod sa biyahe.
"Magpahinga kana sa kwarto, may pupuntahan pa ako tapos bibisita ako ng bar."-sabi niya at binaba sa tabi ko ang mga pusang karga niya.
"Baka, mangbabae lang tsk!"
"May sinasabi ka?"-tanong niya at tinitigan ang mukha ko.
"May sinabi ba ako?"-palusot ko. Jusko! Bakit ko ba kasi nasabi yun. Napaghahalataan tuloy ako. "Akin na phone mo."-sabi niya at linahad pa ang kamay niya na hinihingi ang phone ko. Kaya binuksan ko ang sling bag ko at kinuha sa loob nito ang phone ko at binigay sa kanya.
At kung ano-ano na ang ginawa niya sa phone ko at linabas niya ang phone niya. Then binalik niya na ang phone ko sa akin.
"Lahat na pumupunta sa Bar ko, kilala ako at friends ko sa facebook. Kaya pag nakita nila yan hindi sila lalapit sa akin para landiin ako."-sabi niya at umalis na.
Anong sinasabi niya? Dati ba siyang àdiķ?
Narinig ko na ang pagsara ng pinto ng condo. Kaya binuksan ko naman ang history ng phone ko kung ano ba ang pinaggagawa niya. Nag facebook siya. Oh my!
YOU ARE READING
Possessive #1 MAID WITH BENEFITS
RomanceJeremiah, the bread winner of the family. So, she will do everything, just to make sure that her family won't suffer. Even in exchange for her soul. She will meet the man who will capture her silent heart. DISCLAIMER This work of fiction may includ...