Dumating ang pinakahihintay ni Candy..ang kanyang bakasyon..excited ang dalaga na magpunta sa kanyang napiling lugar..ngunit bago s'ya tumungo sa Bagiuo..dumaan muna s'ya sa kanyang kapatid.'Mabuti naman at binigyan ka na ng bakasyon!"masayang wika ni Cindy..
"Oo nga! Baka bumigay na ako sa sobrang dami ng trabaho,but after this ready na ulit ako sumabak sa mga trabaho ko.'wik ni Candy.
'Tama yan! Magrelax ka doon ha! Gusto ko mang sumama kaso ay di na pede,baka mapaanak pa ako sa biyahe!'biro ni Cindy.
"Oo nga,sayang! Sana magkakasama tayo nina Angelo.'wika ni Candy..pinisil pa ang ilong ng cute nyang pamangkin.
"Next time na lang! Talagang sasama na ako!'wika ng nakangiting si Cindy.
'Dapat lang,aba!"wika din ni Candy.
'Oo naman,basta mag-iingat ka doon ha! Tawagan mo ako agad if may kailangan ka,ok!'bilin ni Cindy.
'Yes,Ma'am! Paano kailangan ko ng umalis,bka mahuli ako sa biyahe!'paalam ni Candy.
'Cge,ingat ka at enjoy!'wika naman ni Cindy..hinalikan pa ang kapatid..isinuot na ni Candy ang kanyang wig...para hindi s'ya makilala ng mga tao...nagpaalam na nga ang dalaga....may kaunting kaba itong nararamdaman..baka hindi sapat ang kanyang ayos para maitago ang tunay nyang anyo..kinakabahang nakipagsabayan si Candy sa mga tao sa pag-akyat sa bus na kanyang sasakyan papuntang Bagiuo...
'Bahala na!'bulong nito...
Wari ay nakahinga ng maluwag ang dalaga..nabiyahe nz zng bus..ngunit ni isa ay walang nakakilala s kanya...ang tunay nyang buhok na kulay itim at lampas hanggang balikat ay pinalitan nya ng maiksing wig...hindi pa yata lumampas sa kanyang balikat ang wig...nagpalagay din s'ya ng nunal malapit sa kanyang labi..as in parang tunay..hindi basta basta matatanggal...at nagsuot s'ya ngmakapal na salamin..wala naman iyong grado..pamprops lang talaga..kinapalan din nya ng kaunti ang kilay..
Hindi natulog ang dalaga habang nasa biyahe...ninanamnam nya ang pakiramdam na maging malaya..kahit panandalian lamang...ang sarp tingnan ang tanawin..kahit ang papalubog na araw ay naaappreciate nya din..maging ang pagsikat nito..lalo ng nagliwanag ang mukha ng dalaga ng mkita ang kagandahan ng umaga..ang sarap ng simoy ng hangin..binuksan nya ang bintana.at nilanghap ang sariwang hangin..
Ilang oras din ang itinagal ng bihaye..ngunit hindi mababakasan ng pagkabugnot ang dalaga..hindi din s'ya nakakaramdam ng antok o kahit ng pagod..excitement ang kanyang nararamdaman...ilang sandali pa ay narating ang kanilang patutunguhan..parang batang sabik na bumaba ng bus ang dalaga..
"Bagiuo,nandito na akoooooooo!"sigaw ni Candy..habang natakbo at ang kanyang dalawang kamay ay nakadipa...ang malamig na hangin ng lugar na iyon ay nagdulot ng kakaibang kasiyahan sa dalaga....wari ay isang bata na nakatakas sa kanyang ina...
"Waaaaaaaa!'sigaw pa ulit ng dalaga...walang kapagudan sa kanyang biniyahe....ilang saglit pa ay pinuntahan na ni Candy ang paupahang bahay na sinabi ng kanyangmanager...tanging ang mag-asawang Dave at Cindy at ang kanyang manager ang nakakaalam sa ginawa nyang pagpapalit anyo..ang manager nya ang nag-ayos ng kaniyang kailangan para sa bakasyon...kaya wala na s'yang poproblemahin pa.
'Mag-ingat ka doon ha! Siguraduhin mong hindi ka nila makikilala!'yan ang bilin sa kanya ng kanyang manager...
"Ok!"tanging sagot naman niya...
Maya-maya pa ay narating na ng dalaga ang paupahang bahay..sa isang simpleng lugar lang s'ya umupa..ayaw nyang sa hotel magstay..hindi nya maeenjoy ang pagiging free at simple kung hotel ang tutulugan nya....sanay din naman s'ya sa simpleng bahay..namiss pa nga nya yung bahay nila ni Ate Cindy nya..
Bayad ng lahat ang upa sa bahay..dalawang buwan...sinabi lang nya na s'ya ang nagpareserba kaya agad s'yang pinapasok sa kanyang kwarto...
"Ang sarap ng feeling ng ganito. Nakakamiss talaga."wika ni Candy habang nakahiga na sa kama....maya maya pa ay mahimbing ng nakatulog ang dalaga..dala dala ang ngiti sa kanyang labi..

BINABASA MO ANG
DECEITFUL LOVE By: Reinarose (B2:SINGDERELLA) (complete)
RomanceTeaser: "I'm bored!"wika ni Candy. Isang sikat na mang-aawit si Candy..hindi lang pagkanta ang ginagawa nya..may movie at guesting na din s'ya..ngunit namimiss ng dalaga ang buhay na simple..dahil sa mundong ginagalawan nya ang kislap ng kamera at a...