CHAPTER 19:

3.9K 74 0
                                    

Hinayaan na muna ni Candy si Bryle..bukas na nya ito kakausapin...kaya inihatid na s'ya ng pinsan nito sa kanyang inuupahang bahay..

"Salamat! I'm sorry talaga!'nahihiyang wika ni Candy.

"Walang problema sa amin iyon. Kung tutuusin,kung ako ang nasa kalagayan mo at alam kong ayaw na ayaw ng pinsan ko ang celebrities,mahihirapan din akong magsabi ng totoo. Not unless di tunay ang nararamdaman mo kaya ok lang na mawala s'ya. Pero alam namin na mahal mo talaga ang pinsan ko. Kami ang humihingi ng tawad dahil talagang matigas ang loob niyon."wika ng pinsan ni Bryle.

"Sana ay mapatawad nya ako. Wala akong ibang hiniling kundi ang kapatawaran nya. Mahal na mahal ko talaga s'ya."umiiyak na naman si Candy.

"Shhhh! Tama na! Ikaw ang mag-iingat. Dahil oras na lumabas ang record na iyon,tyak dudumugin ka dito sa bahay mo.'wika pa ng pinsan.

"Sana na ako sa ganoon. Salamat ulit. Bukas kakausapin ko si Bryle."wika ni Candy.

"Cge! Walang anuman,mag-iingat ka! Hayaan mo at tutulungan ka namin na magpaliwanag sa kanya.'wika ng pinsan...sumakay na ito sa kotse..kumaway na lamang si Candy..

Pumasok na ng bahay ang dalaga...sinubukan nyang tawagan ang phone ng nobyo..ngunit sarado na iyon...napaupo si Candy...patuloy ang pagluha...hindi nya namalayan na nakatulog na s'ya sa pagkakaupo.

....

Tunog ng phone ang nagpagising kay Candy...sinilip nya ang labas...gabi na pala...tiningnan nya ang caller...ang kanyang manager...agad nya itong sinagot.

"Hello!"wika ni Candy.

'Candy! Ano ba ang pinaggagagawa mo dyan ha?"halata ang galit sa tinig ng manager.

"Ha! Bakit?'wari ay nalimutan yata ng dalaga ang nangyaring gulo kanina..wala pa s'ya sa huwisyo.

"Bakit? Buksan mo ang tv,ngayon na!"utos ng manager...agad ngang tumalima si Candy...at pagkabukas pa lang nya ng tv..agad ay bumulaga sa kanya ang eksenang nangyari sa kanila nina Bryke at Tamara.

"Ngayon! Ipaliwanag mo kung anong kalokohan yan?"sigaw ng manager.

"A-ate!"tanging nasabi ni Candy...naisip nyang malaking kahihiyan ang nangyari..malaking gulo...at tyak na maaaring makaapekto sa kanyang pangalan.

"Ate! Yan lang ang masasabi mo? Natitiyak kong dudumugin ka dyan ng press. Ipasusundo na kita,ngayon na! Ayusin mo na ang gamit mo!'wika ngmanager.at agad na pinatay ang phone...hindi na nagawang magreklamo pa ni Candy...

Maya-maya nga lamang ay may narinig ang dalaga na ingay sa labas ng kanyang bahay..sumilip s'ya sa bintana..ganoon na lang ang gulat nya dahil puro press ang nasa labas...nakita pa s'yang sumilip..kaya nagkislapan ang lahat ng camera...agad na isinarodo ng dalaga ang kurtina....

Tumunog muli ang phone ni Candy..this time ay si Cindy na ang natawag..agad nya itong sinagot.

'Ate!'mangiyak ngiyak na naman si Candy.

"Candy,ok ka lang ba?'halata sa tinig ni Cindy ang pag-aalala.

"Ok naman! Hindi pala! Ate!'umiiyak na talaga si Candy.

"Shhhh! Tahan na! Kaya mo yan! Umuwi kana,ok! Pag-uusapan natin ang lahat ng iyan!'umiiyak na din si Cindy..ramdam nitong nahihirapan ang kapatid..at base sa napanood..mukhang problema na naman ng kapatid ay ang puso nito...at alam nya..na umiibig na ito ng tunay.

"Ate! Hindi ko naman talaga gustong lokohin si Bryle. Nahinirapan din akong maglihim sa kanya,pero alam kong ayaa nya sa celebrity na gaya ko."umiiyak na wika ni Candy.

"Candy! Ang tunay na pagmamahal,kayang tanggapin ang lahat. Masama o mabuti man. Makinig ka sa aking mabuti. Dyan mo masusubok kung gaano ka nyang kamahal talaga. Sa ngayon,may malaking problema ka pang kakaharapin."wika pa ni Cindy..pinipigil na ang umiyak..ayaw nyang panghinaan pa lalo ng loob ang kapatid.

"Pero mahal na mahal ko s'ya! Ang sakit sobra!'wika pa ni Cany.

Napatingala naman si Cindy..ang luha ay nag-uunahan na talaga:sa pagpatak...

"Shhhh! Wag kang susuko. Tandaan mo ang ginawa ko,hindi ako sumuko sa pagmamahalan namin ni Dave. Kaya kita mo at maligaya na kami ngayon.'tanging nasabi ni Cindy.

Magsasalita na sana si Candy ng may bigla incoming call s'yang nareceive.

"Ate,please hold on! Natawag si Ate Aya!'wika ni Candy.

"Ok!"sabi ni Cindy..sinagot na nga ni Candy ang tawag ng manager.

"Ate Aya!'sabi ni Candy.

"Be ready! Nandyan na ang taong susundo sa'yo. Buti na lamang at nadyan din s'ya malapit sa lugar mo. Pack your things,now!'utos ng manager.

"O-ok,Ate Aya!"sabi ni Candy..pinatay na ang phone at saka mabilisang nag-impake...kalahating oras lang ang lumipas..tumawag muli ang kanyang manager..

'Ate!'sabi ni Candy.

'Nandyan na sila. Kakatukin ang pinto mo. But silipin mo muna bago mo buksan.'wika ng manager.

"Ok,Ate!'sagot ni Candy...pinatay ang phone..at naghintay ng kakatok sa kanyang pinto.

Ilang saglit pa ay may kumatok na nga..tinatawag ang kanyang pangalan..sinilip ito ng dalaga...namumukhaan nya ang nakatok..ilang kalalakihan ang kasama nito..na s'yang naawat sa mga reporters..agad aybinuksan ni Candy ang pinto..nagtago sa likod niyon.kislapan nanaman ang mga camera..agad na pumasok ang lalaki.

"Ms.Candy,tayo na po!'wika ng lalaki..binitbit ang isang bag na gamit ni Candy...tumango naman si Candy...tinakluban ng tuwalya ang buong ulo..binuksan ng lalaki ang pinto at nagsimulang maglakad..iniharang ang katawan upang hindi makunan at masaktan si Candy..ang mga kasama nitong lalaki ay mahigpit ang pagkakaharang sa mga reporters.....

"Ms.Candy! Totoo ba ang balita na nagpanggap ka para makabingwit ng lalaki?'tanong ng isang reporters.

"Ms.Candy! Konting sagot lang. Tama bang inagawan mo ng nobyo ang sikat na modelong si Ms.Tamara?"tanong pa ng isa..

"Ms.Candy! Kaya ka ba naala dahil sa naghahanap ka ng mapaglilibangan?'tanong pa ng isa...sabay ang kislapan ng mga camera.

Lahat ng iyon ay rinig ni Candy..ngunit hindi s'ya ngasalita..hindi nya itinuwid ang mga akala ng mga ito..binilinan s'ya ng manager na huwag munng magsasalita..maya maya pa ay narating nila ang sasakyan..agad na sumakay ng kotse si Candy..at agad ay pinaharurot iyon ng takbo ng lalaking sumundo sa kanya.

...

Nagwawala naman ng mga oras na iyon si Bryle..lasing nalasing ito...galit talaga ito sa ginawang panloloko ni Candy sa kanya.

"Ahhhhh! Bakit mo ako niloko?'sigaw ni Btyle..inihagis pa ang bote ng beer.

"Anak,tumigil kana!"umiihak ng wika ng Mama ng binata.

'Bakit nya ako niloko,Ma? Bakit?"sigaw pa ni Bryle.

"Anak,hindi ko masisisi si Candy kung bakit nya nagawang ilihim sa'yo ang lahat. Yingnan mo ang naging reaksyon mo ngayon?"sabi ng Mama.

"Ma,sapat na ba iyong dahilan para lokohin ako?"wika ng galit na si Bryle.

"Wag mong pakitidin ang utak mo! Alam nyong dalawa kung gaano nyo kamahal ang isa't-isa!'wika ng Mama.

"Ma! Bakit? Bakit nangyayari sa akin ito?'umiiyak na si Bryle..sarado ang utak nya sa anumang eksplenasyon.

"Anak! Intindihin mo lang ang lahat,malalaman mo na wala namang magiging problema. Mahal nyo ang isa't-isa. Mag-usap kayong dalawa."wika ng Mama..niyakap ang anak..hindi nito sigurado kung kaya pang baguhin ang anumang paniniwala ng kanyang anak.

DECEITFUL LOVE By: Reinarose (B2:SINGDERELLA) (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon