CHAPTER 11:

4K 87 7
                                    

Nasa bahay na noon si Candy..kahahatid lang sa kanya ni Bryle...biglang bigla ay hindi nya maintindihan ang sarili..wari ay naging kakaiba ang pintig ng kanyang puso...simula ng matitigan nya ang mga mata ni Bryle..nakita nya na ngakaroon ng kakaibang kislap ang mga mata nito..samantalang noong una nyang makita ang mga mata nito..punong puno ng galit at hinanakit..

Nagpabaling-baling sa kanyang higaan si Candy..hindi s'ya makatulog..hindi mawaglit sa isip nya ang binata..hindi nya mawari kung bakit...basta ganoon na lamang ang tibok ng kanyang puso kapag nasa mapalit lang ito..pinilit na lamang ng dalaga na matulog..kung anong oras..di nya alam.

----

Kinabukasan..napagpasyahan na dalawin ni Candy si Tita Vina nya..ngunit hindi nya maamin sa sarili na gusto lang nyang silayan ang gwapong mukha ng anak nito.

'Morning,Tita!"bati ng nakangiting si Candy.

"Morning,Hija!'ganting bati ng Tita..hinalikan pa s'ya sa pisngi..

"I just drop by to ask if you have new stocks here,Tita! I just want to buy some,and I want to send it to my sister.'wika ni Candy..inilinga linga ang mga mata..kunwari ay naghahanao ng bagong bulaklak..ngunit ang totoo ay hinahanap ang binata..

Wari naman ay nakahalata ang ginang na may gustong makita ang dalaga..kaya nagsalita ito....

"Meron kaming new stocks,Hija! Ay naku,ano ba naman yang si Bryle tanghali na hindi pa din nadating.'wika ng Tita.

"Ayy! Wala pa pala!"wika ng isip ni Candy.bigla tuloy s'yang nawalan ng gana..."babalik na lang ako mamaya.'wika pa nya sa sarili.

"So paano,Tita. Babalik po ako mamaya para tingnan ang mga bago nyo,at oorder na din po ako. Magpapahangin lang ako saglit sa galaan.'wika ni Candy.

'Cge,Hija. Mag-ingat kana lang!'wika ng Tita.

"Ok po,thanks!'sabi ni Candy...saktong ibinaling nya ang katawan at nagsimulang maglakad..hindi sinasadyang may mabangga na naman s'ya.

'Sorry!'sabay na wika ng lalaki at ni Candy.

"Are you ok,miss!'tanong ng lalaki.

"I'm fine! Don't worry."sagot ni Candy.

"Napakapabaya ko naman. Sorry talaga,Miss.'sabi pa ng lalaki.

"Ok lang talaga ako."sagot ni Candy.

'Paano po,Tita alis na ako."paalam ni Candy...nagsimula na s'yang lumakad palabas ng shop ng awatin s'ya ng lalaki.

"Would you mind if I ask your name? I'm Mark!'pakilala ng lalaki sa sarili.

"I'm Candy! Nice to meet you,Mark!"wika naman ng dalaga..inabot ang nakalahad na kamay ni Mark...sya namang dating ni Bryle..at kitang kita nito na magkahawak ang kamay ni Candy at ng lalaking iyon...

Balak sanang awatin ng Mama niBryle sina Candy at Mark..ngunit nasulyapan ya ang anak..kaya hinayaan na lang nya ang dalawa..gusto nya g malaman kung ano ang gagawin ng kanyang anak..

"I'm really sorry,Candy. Its all my fault.'wika pa ni Mark..hindi binibitiwan ang kamay ng dalaga.

'I said I'm fine. We both don't know,ok!"sabi ni Candy..

Nagsimulang maglakad si Bryle..walang expresyon ang mukha nito..ngunit mababakas sa mga mata nito ang itinatagong....panibugho...nagdetetso ng lakad ang binata...dumaan s'ya sa ginptna mismo nina Candy at Mark..kaya nagbitaw ang kamay ng dalawa.-

Parehas naman napahakbang patalikod sina Mark at Candy..nagulat sa biglang pagdaan ni Bryle.

"Daan kasi yan. Nakaharang kayo.'wika ni Bryle..nakatalikod..hindi humaharap sa dalawa.

Napataas na naman ang kilay ni Candy..dumali na naman ang kasungitan nito....

'Im sorry pare. Pero sana agsabi ka na dadaan ka.'wika ni Mark.

'Ilang bese na akong nagsalita,hindi nyo naririnig."pagsisinungaling ni Bryle.

Napakunot noo naman si Candy..nagsalita ba ito?..bakit wala s'yang narinig?..napapailing na lang ang dalaga.

'Ah,ganoon ba! Lasensya na pare.'wika ulit ni Mark...muli ay bumaling kay Candy.

"Candy,ok lang ba kung maimbitahan kitang magbreakfast. My treat dahil sa pagkakabangga ko sa'yo."yaya ni Mark..

"Ha! Ahmm,ok!"pagpayag ni Candy.

"She's not alone,she's with me!'bigla ay sabat ni Bryle.

'Anu daw?"biglang tanong ng isip ni Candy.

"Ha?'tanong ni Mark.

'Gusto mo tagalugin ko? Hindi s'ya nag-iisa.dahil magkasama kami. Actually may lakad kami ngayon.'wika ni Bryle..hinawakan ang kamay ni Candy..saka hinila palabas ng shop..naiwang napapakamot sa kanyang batok si Mark..isang ngiti naman ang pinakawalan ngMama ni Bryle.

"Teka,wag naman kabilis!"angal ni Candy..hila-hila pa din s'ya ni Bryle.

Bigla naman s'yang binitawan ng binata at hinarap..

'Kakikilala nyo lang agad kang sasama sa lalaking iyon!'inis na wika ni Bryle.

'Bakit ba? Mukha naman mabait yung tao ah.'wika ni Candy.

'Akala mo mabait,pero madami ang nasa anyong anghel pero demonyo."singhal ni Bryle.

"Eh bakit ka ba nagagalit? Ano naman sa'yo ha?"tanong ni Candy.

"Inaalala kana nga,ikaw pa ang galit. Ganyan kaba talaga kung kanikanino na sama ha!'inis na wika ng binata.

Isang sampal ang pinakawalan ni Candy sa pisngi ng binata..ano s'ya pokpok at kung kanikanino nasama.-

'Hindi ako pakawala tulad ng iniisip mo. Kaya wala kang karapatan na pagsalitaan ako ng ganyan!"sigaw ni Candy..sabay lakad palayo sa binatang natitigilan.

Nasapo ni Bryle ang nasaktang pisngi...hindi naman nya sinasadyang sabihin iyon sa dalaga..hindi lang talaga nya maipaliwanag ang galit na naramdaman ng may makitang may kahawak kamay ito...nagdesisyon si Bryle..agad nyang tinakbo ang distansya nya kay Candy..hinabol ito.

"I'm sorr!"humihingal na sabi ni Bryle..naabutan nya ang dalaga.

Ngunit hindi ito pinansin ni Candy..galit talaga s'ya dito.

'Sorry na nga kasi!"ulit pa ng binata..hindi pa din ito pinansin ni Candy..nagtuloy ito sa paglakad.

Dahil sa inis..hinarang na ni Bryle ang dalaga..hinawakan ang mukha..

"Sabi ko,sorry na!'wika ni Bryle...sabay siil ng halik sa mapupulang labi ni Candy....

DECEITFUL LOVE By: Reinarose (B2:SINGDERELLA) (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon