PROLOGUE

5.8K 162 15
                                    

PROLOGUE
Isaac T. Perez

     
"I don't want to touch that child. I don't want him." malakas kong sigaw sa isang katulong habang karga ang isang sanggol.

I can't even bear to look at him, it's all his fault. Kung hindi siya isinilang ay hindi mawawala sa akin si Clara.

Nandito pa sana ang asawa ko kung hindi lang dahil sa kanya.

It's been three months since Clara died and he was born, but until now I can't accept it.

Niyakap ko ang picture frame ng asawa ko at sinenyasan ang katulong na ibalik na ang sanggol sa mansyon, kila Mom and Dad.

Hindi ko kayang hawakan o tingnan man lang ang sanggol na iyon dahil sinisisi ko siya sa lahat. Kailanman ay hindi ko aalagan o ipararamdam sa kanya ang pagmamahal.

"Isaac, stop this nonsensical action of yours." napabaling ako kay Mom na alam kong galit. "Bata iyon, anak mo. Wala siyang kasalanan kung namatay si Clara. I know that its been hard for you to accept it pero sa tingin mo magugustuhan ng asawa mo ang ginagawa mo."

"NO MOM! Hindi ko anak iyon and it will never be." Matigas kong sabi at nakita ko ang pagiling niya.

Nakita ko naman ang pagpasok ni Dad at naglalakad ito papunta sa amin ni Mom. Sandali pa ay naramdaman ko ang pagdapo nang isang kamao sa mukha.

My dad punched me.

"You will regret this Isaac Perez. Hindi ka naming pinalaki at pinagaral para sa ganyang ugali. Just imagine kung ganyan ang nangyari sa amin ng Mom mo."

Mariin akong napapikit at umiling sa paliwanag nila. Kahit anong mangyari ay hindi nila maiintindihan ang sitwasyon ko. Hindi nila alam ang pakiramdam nang mawalan nang asawa kaya hindi nila malaman kung saan nagmumula ang galit ko sa sanggol na iyon.

"He's a baby, he's your son."

Narinig ko ang malakas na buntong hininga na tila nahihirapan din sa nangyayari. Hinarap ko si Dad habang nakahawak sa parte nang aking mukha kung saan niya ako sinuntok.

"He's not my son and he will never be." sagot ko at umalis sa kanilang harapan.








MISTERCAPTAIN
Professor

Merry Christmas everyone! Maraming salamat sa pagbasa.

WANTED: NANNYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon