Chapter 5: Clara
Araw ngayon ng Sabado at walang pasok si Israel. Late itong naggising at kasalukuyan itong naglalaro kasama ang kanyang ama.Kinuha ko ang cellphone at pinicturan silang dalawa. Matapos 'nun ay iniwan ko sila. Mukhang kahit papaano ay okay na sa kanya ng presensya ng kanyang papa.
"Grabe, ang ganda ng asawa ni Sir." rinig kong sabi ng isa na kakalabas lang ng kwarto ni Sir Isaac.
Siguro ay nakita nila ang picture nilang mag-asawa nang maglinis sila sa kwarto nito. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung nasaan ang asawa niya.
Bakit hindi niya kasama?
Pumunta akong likod ng mansyon para sana maglinis pero naabutan ko doon ang ilang mga katulong na kausap si Mang Robert.
Paglapit ko sa kanila ay nakita kong may ipinapakilala si Mang Robert sa kanila na halos ka-edad lang namin.
"Jane nandyan ka na pala." pagtawag sa akin ni Mang Robert at sinenyasan ako na lumapit sa kanila.
Napatingin ako sa lalaking katabi ni Mang Robert na ngayon ay nakangiti habang nakatingin sa akin.
"Jane ito nga pala si Jude ang bagong driver." pagpapakilala ni Mang Robert sa lalaki.
"Jude, si Jane ang pangalawang maganda na katulong dito." pambobola pa niya at narinig ko ang mahinang pagreklamo ng iba na para bang nagtatampo. Bakit daw ako ang pangalawa na maganda?
"Eh sino po ang ang pinakamaganda?" tanong ni Jude kay Mang Robert at sabay sabay kaming napatingin sa likuran namin kung saan naroon si Manang Lita.
"Yieeehhhh" pangaasar namin sa kanilang dalawa at halos mamula ang kanilang mukha sa kahihiyan.
"Mga bata talaga kayo, wala na naman kayong mapagtripan. Hala! Magsibalikan na tayo sa mga trabaho." sabi ni Manang Lita.
Nagsibalikan na sila sa kanilang mga trabaho at naiwan ako kasama ni Mang Robert at Jude.
"Sinubukan kong mag-resign sa trabaho dahil medyo hindi ko kinakaya dahil may kalabuan na ang aking mata. Ang inaalala ko ay baka madisgrasya ko pa ang mag-asawanv Perez." pagkwento ni Mang Robert.
"Pero hindi ako pinayagan. Dito na lang din daw ako sa mansyon. Okay lang daw na hindi na ako mag-drive at heto nga si Jude ang bagong driver."
Nagkaroon kami nang kaunting kwentuhan hanggang sa umalis na si Mang Robert kung kaya naiwan kami ni Jude.
"Maglilinis na ako ng swimming pool." paalam ko sa kanya.
Napalingon ako sa kanga nang sumunod siya sa akin. "Tutulungan na kita. Hindi pa naman ako magda-drive." sabi niya at tumango na lamang ako.
Kinuha ko ang leaf skimmer na siyang panlinis sa pool. Ito ay parang isang lambat at may mahabang stick na nakadugtong dito. Ito ang pangkuha sa mga dahon na nalalaglag sa swimming pool.
Sa kabilang parte ako pumwesto habang si Jude naman sa kabila. Habang naglilinis kami ay nagkwekwento siya tungkol sa buhay niya.
Naikwento niya ma sideline lang ang pagda-drive niya dahil college student siya at third year student.
Natuwa ako sa kanya dahil kahit papaano ay naggagawa niyang pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho.
Ayaw sana siyang payagan ng kanyang magulang na magtrabaho pero wala itong naggawa dahil gusto ni Jude na makatulong sa mga gastusin.
"Mama Jane." rinig kong tawag sa akin ni Israel na ngayon ay nasa terrace. Kumunot naman ang noo ko nang makita ko na nasa tabi niya si Sir Isaac.
Masama itong nakatingin sa amin ni Jude kaya naman umiwas ako nang tingin at pinagpatulou ang ginagawa.
