CHAPTER 6: BLUE DRESS

3.5K 202 60
                                    

Chapter 6: Blue Dress

     
Day-off ko ngayong araw at papunta ako ngayon sa office ni Madam Ivana dito sa loob ng mansyon. Nang nasa tapat na ako ng pintuan ay bumuntong hininga ako at tsaka kumatok.

Sandali pa ay bumukas ang pintuan at pinapasok ako ni Madam Ivana.

"Magpapaalam po ako na aalis." nahihiya kong sabi.

"I forgot that its your day-off today."

"Ayos lang po. Mapaalam lang po ako bago umalis dahil baka hanapin niyo po ako."

"Saan ba ang punta mo hija?" tanong niya sa akin.

"Sa mall lang po."

Tumango tango siya at sandali pa ay hinawakan ako nito sa balikat. "Sandali lang at bibigyan kita ng extra na pera. Bilhin mo 'yung mga gusto mo."

Naglakad siya papuntang table at may kinuha sa isang sulok. Naggulat ako nang abutan niya ako ng pera. "Wag kang mahiya na humingi ng pera kung kulang pa."

"Wag na ho! Sapat na po iyong pera na sinusweldo ko at tsaka nakatabi na rin po ako ng pera ko para sa pag-aaral." paliwanag ko.

Kinuha niya ang kamay ko at ibinuka ang palad at inilagay niya doon ang pera. "Tanggapin mo." pinal niyang sabi at napakamot na lamang ako sa ulo dahil mapilit talaga si Mrs. Perez.

Pinatawag niya si Jude para ihatid ako at samahan sa mall. Ang sabi ko naman ay pwede naman akong mag-taxi or tricycle pero hindi pa rin ako pinayagan. Si Jude na daw ang bahala sa akin.

Pagkalabas sa office ni Madam Ivana ay nagasikaso na ako sa sarili ko. Matapos 'nun aay dumiretso ako sa kwarto ni Israel.

"Good Morning Mama Jane ko." bati niya sa akin.

Wala siyang pasok ngayon kaya pwede siyang maghapon maglaro. Alam din niya ang schedule ng day-off ko kaya naman nakabusangot na naman ang kanyang mukha.

"Ma-mimiss kita." sambit niya at niyakap ako.

Patago na lang akong natawa dahil akala mo naman ay ilang araw akong mawawala eh oras lang naman.

Nagkaroon kami ng ilang minutong kwentuhan hanggang sa napagpasyahan ko na umalis na.

Hawak hawak ni Israel ang kamay ko habang naglalakad kami pababa. Ihahatid daw niya ako hanggang sasakyan.

"Good Morning po Kuya Jude." bati ni Israel at nag-apiran silang dalawa.

"Ikaw po ba ang kasama ni Mama Jane?" paguusisa niya at tumango si Jude.

"Ah sige po. Ingatan niyo po ang Mama Jane ko dahil ako ang makakabangga mo kapag hindi." banta ni Israel kay Jude at pinanlakihan ko siya ng mata.

Minsan talaga ay umiiral ang kapilyuhan ng batang ito.

Kahapon lang nakilala ni Israel si Jude at tuwang tuwa ito dahil may bago na naman siyang nakilala.

Sabay kaming naglakad ni Jude papuntang sasakyan habang si Israel ay naiwan sa pintuan at nakasunod sa amin ng tingin.

"Love kita Mama Jane." rinig kong sigaw ni Israel at ipinorma niya ang maliit na kamay sa hugis puso.

Ibinaba ko ang bintana ng sasakyan at ipinorma ko ang aking kamay katulad nang sa kanya. "Love din kita." sagot ko.

"Bye po Kuya Jude." rinig kong sabi pa nito at napasok na lamang ako sa aking noo nang makita kong nakataas ang kanyang kamao na para bang pinagbabantaan si Jude na ayusin niya.

WANTED: NANNYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon