CHAPTER 2: MAMA JANE

4.2K 171 27
                                    

Pasensya po kung hindi maayos yung ch. 1 dahil nagkaroon ng pagkakagulo sa dalawang pangalan. Ni-edit ko na po 'yun, salamat po sa pagunawa.

Israel: anak
Isaac: tatay

CHAPTER 2
MAMA JANE

    
Narito ako ngayon sa kusina at tumutulong sa paluto ng ulam. Nanibago ako kanina paggising ko dahil walang Israel na gumising sa akin.

Medyo maga pa ang mga mata ko ngayon dahil sa ginawang pagiyak kagabi. Hindi pa rin ako makapaniwala na wala na siya. Na sa isang iglap ay kinuha siya ng kanyang tunay na magulang.

Wala man akong tunay na alam sa nangyari noon pero iba ang pakiramdam ko ngayon kung bakit kinuha ni Mr. Isaac ang anak niya.

Napailing ako sa iniisip ko dahil hindi dapat ako magisip ng masama sa kapwa.

"Pwede mo naman sigurong bisitahin si Israel. Nakakasiguro din ako na bibisitahin ka niya. Iyong bata pa naman na iyon ay kilalang kilala na natin." sabi ni Manang Lita sa akin nang mapansin niya malalim ang iniisip ko.

Napalingon naman ako sa tumawag sa akin na isa rin katulong. Sinabi nito na pinapatawag ako ni Mr. Perez sa office niya. Tumango ako at sinabing pupunta na rin.

Hinugasan ko ang kamay ko at pinatuyo ito bago tuluyang pumunta sa office ni Mr. Perez.

"Good Morning po." bati ko at binati ako nito pabalik. Itinuro niya ang upuan na nasa harapan niya at agad naman akong naupo.

"My son didn't change until now. He's still too stubborn. I thought that after all these years he'd changed."

Nakinig lang ako sa mga sinabi ni Mr. Perez tungkol sa anak. Base sa ekspresyon ng kanyang mukha ay namomroblema ito.

"Pinaimbestigahan ko ang anak ko."

Nanlaki ang mata ko sa narinig. Ibig sabihin 'nun ay wala siyang tiwala sa anak niya.

"My investigator found out may mahalagang investor ang gustong makuha ng anak ko. But it's not about the investment, it's about the investor. Nagiinvest lang daw ito sa mga taong may sarili nang pamilya."

Nagpoproseso pa sa utak ko ang sinabi ni Mr. Perez. Ilang sandali pa ay tuluyan kong naintindihan ito.

Ibig sabihin ay kinuha ni Mr. Isaac ang anak niya para ipakita sa investor na may sarili na itong pamilya. Hindi ko akalain na sobrang sama niya, masyado siyang makasarili.

"Hindi namin alam ang gagawin Jane. Nagaalala kami sa apo ko at ganun din naman kay Israel."

"Sir, pwede ko po bang bisitahin si Israel?" lakas loob kong tanong.

Napatingin siya sa akin. Wala naman akong masamang sinabi pero wala siyang reaksyon ngayon.

"Okay." sagot nito.

Napangiti naman ako dahil akala ko ay hindi ako papayagan. Bago lumabas sa office ay pinatawag niya ang family driver at sinabi dito na ihatid ako mamaya sa bahay ng kanyang anak na si Isaac.

Buong oras ng trabaho ay wala akong ibang inisip kundi si Israel.

Kumain na kaya siya? Maaga ba siyang gumising? Na-miss niya ba ako? Pinapsok kaya siya ng kanyang ama sa school?

"Jane." tawag sa akin ni Manang Lita.

Nandito ako ngayon sa garden at inayos ang ilang mga halaman. Matapos 'nun ay diniligan ko rin ito.

Hindi nila ako pinapatulong sa loob ng mansyon. Ano namang gagawin ko, kung hindi nila ako patutulungin. Katulong rin naman ako at pinapasweldo.

"Jane, kakain na." muking pagtawag sa akin ni Manang Lita.

WANTED: NANNYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon