CHAPTER 1
ISRAEL
Naggising ako sa naramdaman kong paghalik sa pisngi ko. Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata hanggang sa tuluyan kong makita ang humahalik sa pisngi ko, si Israel.Si Israel ay apat na taon ko nang inaalagaan. Apo siya nang amo ko at hindi ko alam kung nasaan ang mga magulang niya. Minsan kong sinubukan na tanungin ang ibang katulong na matagal nang nagtatrabaho pero ni isa sa kanila ay walang nagsasalita.
"Wake up po." utos niya sa akin at ngumiti ito kung kaya sumilay sa akin ang kanyang bungi sa gilid.
Napatingin ako sa orasan at napakaaga pa pero kahit ayoko pang bumangon ay napilitan ako dahil hinihila ako ni Israel. Nag-stretching muna ako bago tuluyang bumangon sa kama.
"Kiss." aniya sa akin at binigyan ko naman siyang halik sa pisngi. Ewan ko ba sa alaga kong ito kung bakit nasanay siya na hinahalikan ko. Hinawakan ko ang kamay niya at sabay kaming lumabas ng kwarto.
Dati ay kasama ko ang mga katulong sa iisang kwarto ngayon ay nagkaroon ako ng sariling kwarto dito sa mansyon. Habang lumalaki kasi si Israel ay nakasanayan na niya na ako ang kasama at katabi.
Isang araw ay panay ang punta niya sa kwarto namin mga katulong dahil gusto niya akong katabi. Nang malaman iyon nila Mrs. Perez ay napagpasyahan nila na patulugin ako sa isa sa mga kwarto dito sa mansyon.
"Mukhang excited ang alaga mo pumasok." sambit ni Manang Lita sa akin sabay tingin kay Israel
Napapikit ako nang mariin na ngayon pala ang unang pasok ni Isaac sa eskwelahan. Kaya ganun na lang kaaga itong nagising. Nawala ito sa isip ko dahil sa inasikaso kong mga dokumento niya.
"Good Morning po." bati ni Israel sa kanya at napangiti si Manang Lita dito.
Nauna nang bumaba si Manang Lita sa amin ni Israel. Tahimik akong nakinig sa mga kwento ni Israel tungkol sa panaginip niya at maging sa nararamdaman niya na gayong papasok na siya sa school.
Nang makarating sa baba ay pinaupo ko si Israel at sinabihan na hintayin na lamang ako mamaya dahil tutulong muna ako sa kusina. Tumango lang ito sa sinabi ko at humingi sa akin ng halik.
Pagkapasok ng kusina ay tumulong ako sa pagluluto pero agad akong pinigilan. "Jane, ano ka ba't tumulong ka pa dito. Baka hanapin ka ni Israel." saway sa akin at napakamot ako sa ulo at dahan dahang binitawan ang sandok.
"Katulong din naman po ako dito." sagot ko.
"May kanya kanya tayong gawain dito sa mansyon at labas ito sa trabaho mo. Hala at puntahan mo na ang alaga mo. Ayaw pa naman 'nun nawawalay sa iyo."
...
Kasalukuyan kong binibihisan ng uniform si Israel. Napangti ako nang makita kong nakanguso siya. "Hindi ba ikaw pwedeng maging teacher ko?" biglang tanong niya.
Mahina akong natawa sa kanyang tanong at ginulo ang kanyang buhok. "Hindi ako pwedeng palaging nasa tabi mo. Kapag big boy na dapat marunong kang makisama sa ibang tao." paliwanag ko sa kanya per mukhang hindi siya nakuntento sa sinabi ko dahil nanatili siyang nakatingin sa sahig.
"Ngek! Ayoko nang maging big boy. Gusto ko palagi kita kasama, Mama Jane."
Nanlaki ang mata ko nang tawagin niya akong Mama Jane dahil nakasanayan ko na tawagin niya ako na 'yaya'.
"Ulitin mo 'yung tinawag mo sa akin." utos ko sa kanya at nahihiya siyang tumingin sa akin.
"Mama Jane." sambit niya at hindi ko maipaliwanag 'yung nararamdaman ko. Ang sarap pa lang tawagin na Mama.