CHAPTER 3: I'M SORRY

4K 176 44
                                    

CHAPTER 3
I'M SORRY

     
Nang makauwi ako sa mansyon ay kinamusta ako ni Mrs. Perez sa naging pagbisita ko sa bahay ng anak nila.

Marami itong naging tanong lalo na sa kung paano ako pinakisamahan ng anak nilang si Isaac. Ang tanging sinabi ko lang ay maayos naman akong pinakisamahan ng anak nila kahit kabaliktaran ang nangyari.

Halos isang oras kaming magkausap ni Mrs. Perez at karamihan ng mga tanong niya ay tungkol na sa apo.

Mabuti na lang ag kaunti lang ang tinanong niya tungkol kay Isaac dahil hindi ko kayang magsinungaling sa kanya ng marami.

Sumapit ang gabi ay hindi ko maggawang makatulog dahil iniisip ko ang sinabi ni Sir Isaac sa akin.

Hindi pwedeng hindi ko bisitahin bukas si Israel dahil ipinangako ko sa kanya na araw-araw ko siyang bibisitahin.

Lumabas ako ng kwarto at bumaba para pumuntang kusina. Kahit wala na dito si Israel ay sa guest room pa rin ako natutulog.

Sinubukan kong sabihin sa amo namin na lilipat na akong maid's quarter pero hindi nila ako pinayagan. Sa akin na daw ang kwartong iyon.

Sa katunayan ay hindi isang katuling ang naging turing nila sa akin, kundi parang anak nila.

Mabuti na lang ay mababait ang ibang katulong at kailanman ay hindi nainggit or naggalit sa akin.

"Hindi ka makatulog?" naggulat ako nang makita ko si Manang Lita sa may pintuan.

Napatingin ako sa pitsel na hawak hawak at nagsalin ng tubig sa baso. "Marami lang pong iniisip." sagot ko.

Habang umiinom ako ng tubig ay ramdam ko ang pagtitig niya sa akin.

"Hindi maganda ang pakikitungo sa iyo ni Sir Arthur."

Napatingin ako kay Manang Lita sa sinabi. Hindi iyon patanong kundi isang pangungusap na para bang sigurado siya sa sinabi niya.

Umiwas ako ng tingin bumuntong hininga. "Ang sabi niya po sa akin ay huling araw ko na daw po iyong kanina na makikita ko si Israel." pagamin ko.

"Tinanong niya rin po kung magkano po ang kailangan ko para lumayo ako sa anak niya."

Agad na lumapit sa akin si Manang Lita at niyakap ako. Sandali pa ay naiyak ako dahil nasaktan talaga ako doon sa mga sinabi ni Sir Isaac. Sobrang baba ng tingin niya sa aming mga katulong. Kailangan namin ng pera pero hindi naman namin pinagpapalit ag dignidad namin sa pera.

Tinanong ko si Manang Lita kung pwede sa tabi niya ako matulog at pumayag naman ito. Halos anak na rin ang turing niya sa akin simula noong magtrabaho ako dito sa mansyon.

Nang makapasok sa kanyang quarter ay may nakita akong mga bulaklak at chocolates sa kanyang kama. Hindi ko na sana ito papansin pero nakita ko ang pangalan ni Mang Robert.

"Nanliligaw po sa inyo si Mang Robert?" biglaan kong tanong sa kanya.

"H-hindi..." nahihiyang sagot ni Manang Lita sa akin at napangiwi ako doon.

Ngayon ko lang nakita na mataranta si Manang Lita. Mabilis niyang kinuha ang mga bigay sa kanya ng manliligaw niya at itinabi ito.

"Ang matandang iyon ay ang dami talagang alam." sabi pa niya na ikinatawa ko.

Kaya pala palagi akong tinatanong ni Mang Robert tungkol sa kanya dahil may gusto ito dito.

Ang pagiisip ko tungkol sa sinabi ni Sir Isaac ay panandalian kong nakalimutan dahil sa dalawang nagliligawan dito sa loob ng mansyon.

WANTED: NANNYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon