Plagiarism is a crime.
"Ano? Bar tayo mamaya guys, day off naman natin bukas eh." Lintaya ng isa sa kaibigan ko. Sa'ming lahat s'ya ang mahilig pumunta o magyaya ba kamo sa bar.
'Di ako masyadong umiinom, pag uminom ako hanggang apat o lima na baso lang kaya ko.
Sumang ayon naman ang iba naming mga kasama dito, at tumingin sa'king direksyon kaya napa taas ang isang kilay ko.
Alam ko na ang tinginan na 'yan eh.
"Wag kang kj beh, sumama kana treat ko." Nakangiting sabi n'ya sa'kin.
Umiling lang ako " Baka pagalitan ako ni nanay, tulad ng dati 'di ako nag paalam" dahilan ko pa.
Pero 'di ata to nadala sa sinabi ko, at umiling lang s'ya.
"Sus, palusot mo bulok na." Ngumiti s'ya ng loko. " May isang paraan tayo para d'yan at para rin 'di ka pagalitan."
Kunot noo kong binalik ang atensyon sa kanya.
Anong na namang binabalak ng babaeta na 'to?
"Mag paalam tayo, kay nanay mo na pupunta ka sa bar..." Kala ko kong ano. "Para alam n'ya na kami ang kasama mo" dagdag n'yang sabi
Kong papayagan ako ni nanay.
"Pero-"
"Papayagan ka n'yan." Siguradong putol n'ya sa'kin, para bang alam na n'ya ang magiging sagot ni inay.
"Nay!" Tawag pansin ko kay nanay ng makarating sa tapat ng bahay. Papasok pa lang si nanay sa bahay ng makita ko siya, mukang galing s'ya sa malapit na tindahan bumili ng kong ano.
Nag tataka namang lumingon si inay, nagmano muna kami ng makalapit sa kan'ya "Oh! Ang aga mo ngayon umuwi ah," nag tatakang tanong n'ya.
Tumingin naman s'ya sa'king likod mukang nagulat " At kasama mo pa ang mga kaibigan mo"
"Nako, 'di pa ako naka luto ng pang hapunan natin, dahil sa pag-aakala ko na mamaya ka pang alas sais uuwi." Mahabang lintaya n'ya.
"Ah... " Ano ba dapat kong unang sasabihin, bahala na nga. " Nay may sasabihin po si Lesley" Turo ko kay Lesley na nasa likod ko lang.
Lesley Ann Baduria, ang pangalan sa nagyaya na mag bar daw kami.
Napabaling naman ang atensyon ni inay at nag tataka s'yang tinignan.
"Oh may kailangan ka iha?"
" Magandang gabi po." Magalang na aniya "Ipag paalam ko ho sana si Zhanielle, na sumama sa'min sa bar..." pilit ngiti niyang sabi, dahil kumunot ang noo ni nanay. "Ako na ho bahala sa kan'ya, sa'min nalang ho siya matulog kong matagalan po kami sa pag uwi."
"At saka po nay di naman 'yan mas'yadong umiinom kaya no problem kami sa kaniya." Dagdag n'ya pang sabi.
Napatingin naman ako kay inay, nag hihintay sa sagot n'ya.
Okay lang naman sa'kin na hindi ako payagan mas gusto ko pa 'yon kaysa d'un sumama sa bar
"Oh sige... Basta ligtas yan maka uwi hah! Walang galos at lalong walang lalaki na kasama pag uwi." Payag ni inay. Grabe naman na may lalaki sa pag uwi eh iinom lang naman.
"Salamat nay, makakaasa ho kayo... " Bumaling naman sa'kin si Lesley, ngiting tagumpay dahil napapayag si inay.
"Salamat po nay!" Pasalamat ko niyakap ko s'ya at binulongan. " 'Di na sana kayo pumayag nay, gagawin lang nila akong taga bantay eh."
"Ingat po kayo dito lalo na't ikaw lang mag isa jan mamaya sa bahay." Nasa 60+ na si nanay, namatay si itay 2 years ago dahil sa stroke di na kinaya ng katawan n'ya dahil narin siguro sa katandaan.
YOU ARE READING
ONE NIGHT WITH MR. UNKNOWN (Z S1: Zachary Montenar)
RomanceSi Zhanielle ay lumaking 'di kilala ang tunay na magulang, at alam n'ya rin na ampon lang s'ya nang kinikilalang magulang n'ya at tanggap n'ya ito. Dahil 'di naman s'ya tinuturing iba sa umampon sa kan'ya. He's a billionaire, a ruthless in business...