Sinalubong ko si kuya ng may nagtatakang tingin sa akin. Hilaw na ngumiti ako at yumakap sa braso nito.Masaya ako para sa aming dalawa ni Zach. Maghihintay lang muna ako ng panahon para sabihin sa parents ko ang lahat. Pati na kay kuya na paniguradong hindi agad sasang-ayon. Hindi naman masisisi, bago pa lang ako nakilala ng nila tapos babawiin agad. Saklap!
Iniwan ko na si Zach, kasama ang mga kaibigan nito. 'Yong mga kasama niyang nakita ko kahapon. Hindi na rin naman umangal.
"Kuya, volleyball tayo." sabi ko at hinila siya palapit sa isang grupo na naglalaro.
Wala akong balak na maligo ng dagat ngayon. Hindi matutuloy dahil mabubura ang panakip kung concealer sa mga kiss marks ni Zach.
Nakisali kami at hindi kami magka-grupo ni Kuya. Simula pa lang at nagpapakitang gilas na ito. Puro pasikat sa akin at nagyayabang na magaling siya.
He didn't know...
Volleyball is my favorite sports. Naman, varsity ako sa larong ito! Libero at spiker ang role ko. Talagang buwis buhay sa pagiging libero dahil lahat ng posisyon gagawin makuha lang ang bola. Naging dahilan rin na tumigil ako sa paglalaro dahil sa injury na natamo at hindi makakapaglaro. Nagamot rin naman ngunit hindi agad bumalik sa paglalaro.
Ngayon lang ulit ako bumalik.
Kung hindi ko pa nakita na may naglalaro, hindi ko maalala na sports ko pala ito noon. Hindi ko na rin masisiguro kung gano'n pa rin ba ako kagaling maglaro gaya ng dati. Nahinto kasi.
"Yabang mo kuya!" sigaw ko at bumalik sa pwesto.
Inihanda ko ang sarili.
Nang paparating ang bola sa pwesto ko ay bumwelo ako. Inangat ko ang sarili at tumalon ng mataas. Mabilis kung pinalo ang bola matapos maset ng kasama. Bumalik sa kalaban ang bola at hindi nasalo dahil sa malakas na pagpalo ko.
I smiled and flipped my hair at my brother.
"I didn't expect that. Seems you're good at this, ha." he said in unexpected tone voice.
"Well, ako lang 'to." pagmamayabang ko.
Hindi maipagkakaila, magkapatid kami. From face to storm boastful attitude. Pero minsan lang ako mahangin.
Umiling ito. Natatawa na bumalik sa pwesto. Mas naging intense ang laro nang halos magtie ang score namin. Mas rumami ang nanonood.
Mula sa mga nanonood ay maririnig mo ang cheer nila. May isang boses pa ang naka-agaw sa atensyon ko ngunit hindi na ako nag abala pang lingunin ito.
Kaboses niya lang 'yon. Nasa kaibigan 'yon. And swear to my lolo's grave, hindi 'yon interesado sa mga ganito. Introvert and uninterested.
"Mananalo na kami, pa'no ba 'yan, Zain? Talo ka," nanunuya kung sabi at sinabayan ng mahinang halakhak.
He just smirked playfully and shrugged his shoulder.
"Let's see..."
Mas umingay ang paligid ng magsimula ang laro. Win to win na ito. At mukhang nagpupustahan ang iba sa kasamahan at kalaban namin. Mukhang circle of friends sila, kami lang ni kuya ang naiba.
Natapos ang laro nang hindi masalo ng kabilang panig ang bolang pinalo ko. Nagsiiwas sila at tumungo sa gilid. Pati na si kuya ay umiwas at naunang gumilid.
Kami ang nanalo. Nagsihiyawan ang kasama ko at nagpasalamat. Simangot na lumapit sa akin si kuya.
"Ang lakas mong pumalo! Kaya pala ang sakit mong pumalo sa braso ko. Matagal na palang naka practice kamay mo." komento nito na may reklamo.

YOU ARE READING
ONE NIGHT WITH MR. UNKNOWN (Z S1: Zachary Montenar)
عاطفيةSi Zhanielle ay lumaking 'di kilala ang tunay na magulang, at alam n'ya rin na ampon lang s'ya nang kinikilalang magulang n'ya at tanggap n'ya ito. Dahil 'di naman s'ya tinuturing iba sa umampon sa kan'ya. He's a billionaire, a ruthless in business...