Real quick. Back to normal after that celebration happened. I scolded the person who sleeped in my room. Matinding suyuan ang naganap.Hindi ko na alam ang sarili at panay na ang pagiging mainitin na ulo ko. Kaunting maling galaw ay galit. Hindi na rin alam ni nanay at kuya ang gagawin sa akin. Maski si Zach ay parang susuko na. Hindi pa naman napuputol ang manipis na pisi sa pasensya niya.
Palagi kaming magkatawag ni Zach dahil nasa trabaho siya. Which is kasalungat sa akin. Palagi akong nasa bahay ni nanay at ayaw kung lumabas. Hindi ko na rin gustong magtrabaho dahil tinatamad na akong bumangon ng maaga. Hindi ko na rin gustong maligo na siyang kinabahala ko. Ayaw kung maligo pero umiiyak ako pagpinapawisan. Nag-iiba ang amoy ko sa sarili. Para bang ilang buwan akong walang ligo sa tuwing pinapawisan ako.
Hindi na maintindihan ni nanay ugali ko. Madalas akong nakahiga at kahit sa pagkain, gusto ko ito mismo ang lalapit. Kapal ng mukha ko 'di ba?
Dati'y gusto kung uminom ng gatas tatlong beses sa isang, hindi ko na magawa. Sa isang araw kalahati ng baso ang nauubos ko. Para akong nasusuka pag pinipilit kung ubusin lahat.
Madalas rin ay nasusuka ako pag bagong gising. Hinahanap ko ang amoy ni Zach pero ayaw ko siyang makita. Kaya nag-iiwan na lang ito ng damit na suot niya at hindi nilabhan. Tuwing Friday nandito siya at babalik sa kanila pag monday.
Hindi rin nakaligtas ang mga mapanuring tingin nila sa aking paningin. Kibit balikat ko lang itong binalewala. Wala naman akong magagawa kung nagtataka sila sa akin dahil pati ako ay gano'n rin.
Ngayon ay kasama ko si kuya sa dagat ay naglakad-lakad kami sa dalampasigan. Hindi naman mabato.
May maliliit na alon ang siyang tumatama sa binti ko, dahilan na mabasa ang laylayan ng suot kung dress. Bitbit ni kuya ang flip-flops ko. Sinabi kung iwanan sa may bato pero hindi niya ginawa. Baka raw pagbalik ay wala na. Hindi na lang ako komuntra.
Sinasayaw ng hangin ang mahaba kung buhok. Hindi gaanong marahas ang hampas ng hangin at sakto lang. Ang mga malalaking kahoy rin dito ay para bang may sariling musika at sumasayaw ang mga sanga at dahon. Kung titignan ang mga ito ay parang malakas ang hangin.
Magkatapat na kami ni Kuya. Nasa malayong parte na kami kung saan naka park ang motor. Dito banda ay mabato ang dalampasigan at marami ang mga tao para kumuha ng mga shells.
Lumapit ako sa isang binatilyo. I guess he's 15 or 16, hindi ko sigurado dahil matangkad ang isang 'to.
May dala itong maliit na timba. Bahagya itong nakatuwad at may kinakapakapa sa ilalim ng malaking bato. Nang nahirapan siguro itong makuha ang hinahanap ay, maingay nitong hinila ang gilid ng bato at inangat. Nang matagumpay na binaligtad ang bato ay may kinuha ito gamit ang dalawang kamay.
Namangha ako ng makita maliit na talangka iyon. He placed it carefully in the bucket and looked for another crab. I observe how he catch small crab. 'Yong magkabilaang sipit lang ang hinahawakan niya para hindi makapitan nito.
Hindi ko alam kung anong klaseng sakit ang mararamdaman mo kapag nasipit ka. Tignan mo lang ang sipit ay may maliliit na ngipin ito. Para itong food tongs na may ngipin. Tapos kasing sakit siguro kagaya ng maipit sa pinto.
"Kuya... Bili tayo ng barbecue." I said as I ride with him in the motor. Mabuti na lang at naka sniper itong pumunta dito. Tinatamad siyang magmaneho ng sasakyan kaya ito ang dinala niya.
And I think bagong bili dahil sa amoy at makinis nitong tignan. Iwan kung bakit ito ang pinili niya.
He groaned.
"Elle, since last friday ka pa kumakain ng barbecue. Ginagawa mo na itong agahan at hapunan. Which is not good." He snapped and look at me in the mirror.
YOU ARE READING
ONE NIGHT WITH MR. UNKNOWN (Z S1: Zachary Montenar)
RomanceSi Zhanielle ay lumaking 'di kilala ang tunay na magulang, at alam n'ya rin na ampon lang s'ya nang kinikilalang magulang n'ya at tanggap n'ya ito. Dahil 'di naman s'ya tinuturing iba sa umampon sa kan'ya. He's a billionaire, a ruthless in business...