Iritado akong nagmulat ng mata. Kakatulog ko lang, tapos may dididturbo sa'kin.
Inis kong inabot sa side table ang cellphone ko. Akala ko text lang tumatawag pala.
Hindi nako nag abalang tignan ang caller. Dahil sa kaantokan. Ano bang problema ng isang 'to? Hating gabi talagang tumawag.
"Oh? Kailangan mo?! Disturbo ka sa tulog!" pikit mata kong sabi.
"Hmm..."
Kaagad akong napabangon mula sa pagkakahiga. Binalot ko ang sarili sa sa comforter. Dahil sa nararamda- mang kaba.
Mali ang narinig kong boses, 'di ba? Hindi siya 'to. . . At mas lalong hindi niya rin alam ang number ko.
Tinignan ko ang caller, unregistered number ito. Kinakabahan kong tinapat sa tenga ang cellphone.
Mahigpit ang kapit ko sa comforter na nakabalot sa'kin.
Pa'no kong siya 'to? Saan niya naman nakuha ang number ko?
Tanga! Malamang sa details ng background mo!
Kinagat ko ang pang ibabang bahagi ng labi ko. Saka tanongin ang caller.
"Sino ka?" halos mautal na 'ko. Kinukurot ko minsan ang kabilang braso ko dahil sa kaba.
"Baby,"
Nabitawan ko ang cellphone dahil sa gulat. Tama ang hinala ko. . . Siya nga 'to. Pambihira, naman!
Tarantang tumayo ako mula sa pagkaka-upo. Tinakbo ang pagitan ng kama patungo sa banyo. Napahilamos nalang ako sa mukha. Pinipilit ang sarili na hindi siya 'yon.
Ilang araw naba ang lumipas, simula nong sinigawan niya ako.
Martes, miyerkules, huwebes, biyernes, sabado. Binilang ko sa daliri ang mga araw.
"Two weeks," wika ko sa sarili.
Sa mga araw na nagdaan. Wala akong ibang ginawa kondi ang iwasan siya. Minsan nakikita ko siyang dumadaan sa hallway na malayo sa opisina n'ya. Minsan rin nakakasabay namin siya ni Aljeck sa elevator. Madalas na daw siyang sumasakay sa exclusive elevator niya. Sabi ni Zenneth, 'yong secretary niya.
Palagi rin daw siyang nagpapatawag ng meeting. Nagiging magalitin, bugnutin at mas lalong naging malamig. Parang bangkay, malamig.
Iyong secretary niya sumalo sa lahat ng pagiging masamang ugali niya. Pag mali ang pinapasang dokumento ay pinupunit niya o binabasura.
May mas worst pa na ginawa niya. Nong may meeting sila kasama ang iba pang empleyado niya dito ay pinahiya niya. Hindi daw kasi niya nagustuhan ang power point nito.
Napabuga ako ng hangin bago naisipang patayin ang tawag.
Hindi ako galit o ano man. Nasasaktan lang ako dahil sa pagsigaw nito nong nakaraan. Hindi ako sanay na sinisi- gawan.
Pinipilit ko nalang ang sarili na pumikit. Ilang minuto pa ay hindi pa rin ako binabalikan ng antok. Iniba ko na ang pwesto ko sa pag kakahiga. Gumulong gulong ako, hanggang sa mahulog nako sa kama.
Pambihira! Ang sakit tuloy ng likod ko! Kasalanan talaga 'to ng ungas na 'yon! Mahimbing na sana ang tulog ko ngayon. . .
Nilibang ko ang sarili kakapanood sa anime. Wala paring epekto.
Punyeta!
Pumunta nalang ako sa dirty kitchen. Atsaka nagtimpla ng isang basong gatas. Pampaantok lang.
![](https://img.wattpad.com/cover/329962537-288-k387927.jpg)
YOU ARE READING
ONE NIGHT WITH MR. UNKNOWN (Z S1: Zachary Montenar)
RomanceSi Zhanielle ay lumaking 'di kilala ang tunay na magulang, at alam n'ya rin na ampon lang s'ya nang kinikilalang magulang n'ya at tanggap n'ya ito. Dahil 'di naman s'ya tinuturing iba sa umampon sa kan'ya. He's a billionaire, a ruthless in business...