Mangha akong nakatingin sa mga magagandang tanawin dito. Napaptingala pa ako sa mataas na estilo ng mga gusali. Hindi na rin kasing lamig ang panahon tulad noong unang dating ko dito.Halos dalawang buwan na kami dito ngunit hindi pa rin ako nasanay hanggang ngayon sa mga ganitong tanawin.
Tulad na lamang ngayon, nasa isang sikat na park kami dito sa bansa. Nakasunod lamang ako kila Kuya na nauuna. Para akong isang bata dito na ignorante.
Namamasyal kami ngayon sa 'The Land of Legends Theme Park', hindi talaga ako makapaniwala sa mga tanawin. Akala ko sa panaginip lang ang mga ito. Ang kaibahan lang nila sa park sa Pilipinas ay walang masyadong street foods akong nakikita. Nasa malayo sila. Habang sa Pilipinas naman ay nakikita mulang sa tapat. Wala ngang fish ball at kwek kwek dito. Mga expensive type kasi street foods nila. Saka hindi ako sure sa lasa kung masarap ba o hindi. Iba-iba kasi taste natin.
Sa susunod na araw rin ay ipapasyal nila ako sa Aktur Park. Kasama ang iba pang pinsan ko. Gusto kasi nilang makita ko ang kanilang mga park, baka magustuhan ko na dito at 'wag ng umuwi.
I can't do that.
Mas gusto ko ang Pilipinas kahit maganda dito. Sa Pilipinas ang buhay ko. Doon ako lumaki, doon nakatira ang kaibigan at minanahal ko. Wala naman silang magawa sa desisyon na ginawa ko. Sabi nila bibisitahin nila ako sa Pilipinas pag may libreng oras. Sumang-ayon rin ako dahil ayaw ko rin namang maka-abala. May kanya kanya na silang trabaho.
Noong pagdating ko dito ay halos wala na sana akong tulog kung 'di ako nakatulog sa eroplano. Pa'no ba mag-uumaga na nang tumigil ang kasiyahan. Kulang na lang na iisipin ko na kinain nila ang isang sachet ng nescafe puro. Ang taas ng stamina nila. Nag-iyakan pa nga ang iba.
Tapos pagkabukas may pa welcome party pa. Hindi man lang ako nakapaghanda. Sa grandparents naman at halos ayaw na akong bitawan kung di lang umawat si kuya.
Mabuti nga at may nakakaintindi ng tagalog ang iba kung pinsan. Half Pilipino ang iba sa pinsan ko kaya sila ang naging translator ko minsan. Hirap naman kasing intindihin ang salita nila kung hindi sila mag-eenglish. Daig ko pa ang kausap na alien.
Sa trabaho ko naman ay sa kompanya namin ako magtatrabaho. Doon sa isang branch na nasa Pilipinas. Mabuti at may kompanya rin sila doon at si Kuya ang nag-m-manage, kaya simula pag-uwi namin sa susunod doon na ako magtatrabaho.
Si nanay naman ay naka-uwi na sa bahay. Dalawang linggo lang ang pananatili niya doon sa kamag-anak niya at umuwi rin. I don't know, pero sabi niya hindi niya kayang iwan ang bahay ng ganoon ka tagal. Kaya bumalik siya dahil walang maglilinis doon.
Buong araw kaming tumagal sa park at umuwi. Gusto pa nga namin na manatili doon hanggang gabi ngunit pagod na ang katawan kakalakad. Sabi nga ni Kuya na mas mabuti na sa gabi kami gumala dahil magaganda ang mga lights doon ngunit sa susunod na daw gagawin namin 'yon. Doon sa Aktur Park, mas maganda ang lights paggabi doon. May ferris wheel at kung ano pang mga rides.
Hindi kami nakasakay sa mga rides kanina dahil naglakadlakad lang kami. Parang nilibot na rin ang buong park.
"Kuya... Wala bang fish ball dito?"
Tumawa ito at umakbay sa akin.
"Wala. Mahirap hagilapin ang mga Pinoy foods dito. Madalas ay sa mga Pinoy restaurant or fast food. Kaya ayon," sagot nito.
Kaya nga kailangan kung subukan ang kanilang mga street foods. Para naman hindi ako maignorante na ganiyan pala ang lasa. Pero na mimiss ko ng kumain ng isaw, penoy at kwek kwek. Talagang pag makauwi ako didiritso ako sa park.
Hindi rin naman kami aabot ng eksaktong tatlong buwan dito. May birthday invitation kasing natanggap sila kuya. And our family is invited kaya pupunta kami. Kabusiness partner rin nila ito kaya dadalo talaga sila. I guess mga third week babalik na kami. At sila mama ay babalik rin naman after party. Two or three days kasi ang celebration kasi aside sa party may iba pang icecelebrate double purpose na rin. Lahat ata ng kabusiness nila nadoon.
YOU ARE READING
ONE NIGHT WITH MR. UNKNOWN (Z S1: Zachary Montenar)
RomanceSi Zhanielle ay lumaking 'di kilala ang tunay na magulang, at alam n'ya rin na ampon lang s'ya nang kinikilalang magulang n'ya at tanggap n'ya ito. Dahil 'di naman s'ya tinuturing iba sa umampon sa kan'ya. He's a billionaire, a ruthless in business...