chapter 6

1.4K 19 0
                                    

" 'Nay, 'di ka ba talaga sasama?" pangungulit ko dito.

Kanina ko pa tinatanong si Inay, na gusto n'ya bang sumama pero ayaw daw nito. Hanggang ngayon ay kinukulit ko, pa rin 'to.

"Oh, sige po. Kung 'di po kayo sasama sa'kin, tatawagan na lang kita dito. Okay, ba 'yon 'nay?" tumango ito, kaya mas lalong bumigat ang pakiramdam ko.

'Di ako sanay na umalis sa malalayong lugar. Lalo na't 'di kasama si Inay.

"Ano kaba, anak! 'Wag kang mag alala sa'kin dito." ngumiti ito ng matamis. "Ikaw nga ang inaalala ko. Walang mag aalaga sa 'yo pag may sakit ka. At wala na rin akong gigisingin sa umaga't wala ng lulutuan ng pag-kain."

"Oh, s'ya. Ang drama mo! Halika na, kanina pa nag hihintay 'yang driver sa labas." hinatid n'ya ko sa labas ng sasakyan.

" 'Nay, baka mag bago pa ang isip mo." biro ko dito, pero 'di mawala sa tono ang lungkot.

Pa'no ba yan? Nanay's girl ako.

"Sus. Bata ka sumakay kana d'yan, baka mamaya ka pa dadating dun dahil sa traffic... Basta pag uwi huh, wala kang lalaking dala. Makukurot talaga kita, sa singit!" banta n'ya sa'kin.

Yumakap na lang ako kay Inay, ng mahigpit.

"Ba-bye, po." kumaway ako dito bago sumakay sa kotse.

Pupunta muna kami sa kompanya, bago daw dumiritso dun dahil kukunin ko pa ang susi ng condo ng anak n'ya.

Napayuko na lang ako, ng maramdaman ang pag tulo ng luha. Mahinang napahikbi.

Wala pa nga ako dun, na mimiss ko na si Inay.

"Salamat. Naman at aalis na ang mabait dito." salubong na asar sa'kin ni Rex, ng makarating.

Inilingan ko lang ito, dahil sa sinabi.

"Libre, mo na kami sa sunod sa bar pag naka balik ka dito ha." aniya ni Lesley, at lumapit sa'kin saka bumolong.

Nabigla ako sa binulong nito. "Baka nandu'n yung si mister, na nagbigay sa 'yo ng coat kagabi." mapanlaro ang ngiti n'ya. "Kaamoy n'ya, yung lalake mo nung nakaraan-" tinakpan ko na ang bibig n'ya. 'Di ko na gusto ang lumabas sa bibig nyang mga salita ngayon.

" Siguradong hindi siya 'yon!" siguradong sabi ko.

Napahalakhak ito ng malakas, kaya tinignan ko ito ng masama.

"Bahala ka na nga, d'yan!" sambit ko bago pumasok sa elevator, at pindutin ang number ng floor ng CEO.

"Good morning, Sir! And mister secretary" bati ko sa secretary at CEO ng kompanya na 'to.

"Oh. Good morning too, Miss. Zhanielle." ngumiti ito habang sumisimsim ng kape. May kinuha rin ito sa drawer ng lamesa n'ya. "Here's the key." abot sa'kin ng susi.

Mukang ito na ata ang susi sa condo ng anak niya.

Nag bow ako sa kaniya, bilang pasalamat.

"Thank you. Sir." ngumiti ako ng pilit.

Tumango ito kaya umalis na ako.

" 'Di ka namin makakalimutan, beh." kunwaring umiiyak si Lesley, habang si Rex ay pinapaypayan ang sarili na para bang ano mang segundo mahihimatay ito.

Mga kalokuhan talaga nila.

" 'Di pa ako patay, kayong dalawa talaga kung maka drama!" wagas!

"Basta, libre mo ah?" tinanguhan ko lang ito.

Napalakpak pa ito sa tuwa at tumalon talon.

"Oh. Sige, una na 'ko ha." paalam ko sa dalawa.

Kumaway ang iba naming ka office, na naging kaibigan rin namin. Hindi naman ako aalis sa ibang bansa eh. Sa kabilang lugar lang naman ako, lilipat.

ONE NIGHT WITH MR. UNKNOWN (Z S1: Zachary Montenar)Where stories live. Discover now