Malalim akong humugot ng hininga at binuga 'yon. Problemadong tinignan ko si Zach, ngayon na naka tayo sa harap ko. Ito na naman po kami, nagtatalo. Mag-g-grocery na nga lang marami pang salita.Ayaw niyang sundin ang gusto ko. Eh, hindi ko naman maaabot ang ulo niya para isuot ito.
Ewan ko ba, sa lahat ng ibinigay ni lord na lalaki ito pa ang matigas ang ulo, may sariling batas, at sa lahat seloso sa walang dahilan. Minsan siya ay anak ko o manliligaw. Hindi ko na alam kong alin sa dalawang 'yon. Feeling ko tatanda ako ng maaga dahil sa kan'ya. Akala ko nga na sa trabaho ako ma-i-stress hindi pala sa kan'ya lang.
Ako ayaw ko sa mga batang makukulit, siya palang na hindi na bata pero sobrang kulit. Simula siguro bukas maghahanap na 'ko ng pwedeng umampon sa kan'ya. Willing kong ibigay, hindi labag sa loob ko at buong pagmamahal kong ipapaubaya. Kahit ako na ang maghatid sa kan'ya, free shipping pa, mailayo lang 'to sa'kin dahil sumasakit na ulo ko.
Nakapamaywang ko siyang hinarap.
"Zach! Suotin mo na kasi ang sombrero! Makikilala ka ng iba do'n sa grocery store!" inis kong saad.
Pabalibag kong binigay sa kan'ya ang sombrero at nasalo naman niya agad. Sinadya niyang hinulog 'yon sa sahig at sinila patalikod. Napasapo nalang ako sa noo dahil sa gigil, at inis na baka masapak ko siya.
"Hindi 'yan... Gabi naman ngayon kaya maaaring hindi na matao ang grocery store." blangko niya tugon.
God... Give me more patience for this guy. Masasakal ko 'to ngayon mismo! Hindi ko alam kong anong klaseng pagsubok ang binibigay niyo sa'kin... Gano'n na ba 'ko kasama sa past life ko, lord? At binigyan niyo 'ko ng problemang sakit rin sa ulo ko. Sabi po nila hindi ka nagbibigay ng problema na hindi makakaya ng isang tao, pero kong siya ang problema na 'yon susuko na 'ko... Ibigay niyo nalang po sa iba. Salamat.
"Kahit na! Bakit ba pag hindi masyadong matao, hindi ka na makikilala? Brad, tumingin ka nga sa salamin. Tignan mo kong sino ang hindi makakikila sa'yo kong ganyan ang appearance mo sa mga mata ng tao, kahit nga ako!"
"Lambing mo na. Susuotin ko 'yan," parang baliw itong ngumiti at tinaas baba pa ang kilay.
Na naman?!
Hilaw ako ngumiti at lumapit sa kan'ya. Kinagat ko ito sa braso kaya napa hiyaw ito. Inis kong dinampot ang sombrero sa sahig at sinuot nalang 'yon. Ayaw niya ide ako nalang, problema na niya kong may makakilala sa kan'ya. Sinuot ko rin ang hood ng hoodie ko, magnanakaw ang outfit natin ngayon.
Inis ko itong inirapan at naunang maglakad.
"Tara na nga! Aabutin pa tayo ng bagong taon kaka-inarte mo!"
Ramdam kong humabol siya at umakbay sa'kin. Hindi ko nalang pinansin ang pagrereklamo niya.
"Sana naman papantayin mo na ang pagkagat. Kong kakagatin mo sa susunod ang isa kong braso isama mo na rin ang isa para pantay." suggest niya.
Pinakita nito ang braso nitong may bakas ng ngipin ko. Namumula pa at hindi gaanong malalim.
"Sa tingin mo..." huminto ako sa pagsasalita at inayos ang pagkakaupo. Lumingon siya sa'kin at hinintay ang sasabihin ko. Sinuot ko muna ang seat belt at tinignan siya mula sa review mirror.
"Sasagutin kita?" dagdag ko sa sasabihin.
Mukhang hind nito inaasahan ang sasabihin ko at hindi agad nagsalita. Umiwas ito ng tingin at binaling sa labas ng bintana. Humigpit ang kapit nito sa manibela. Kung sakali mang nagmamaneho ito ngayon, panigorado ay napreno na nito ang sasakyan.
YOU ARE READING
ONE NIGHT WITH MR. UNKNOWN (Z S1: Zachary Montenar)
RomanceSi Zhanielle ay lumaking 'di kilala ang tunay na magulang, at alam n'ya rin na ampon lang s'ya nang kinikilalang magulang n'ya at tanggap n'ya ito. Dahil 'di naman s'ya tinuturing iba sa umampon sa kan'ya. He's a billionaire, a ruthless in business...