chapter 16

1.1K 19 0
                                    

Hanggang ngayon nandito parin kami sa loob ng office niya. Hindi pa kami kumakain at gutom na ako, kanina pa. Wala naman siyang ibang ginagawa kundi ay titigan ako. Nakakailang man ang tingin niyang ibinibigay ay, inilibot ko nalang ang tingin sa buong palibot. Gusto niya sigurong kulay ay abo't itim. Yan ang nakikita kong kulay sa pader at tiles niya, kahit ang table at swivel chair niya. Naka organized ang kulay.

Ngumiti ito. "Beautiful, baby," ang biglang sabi nito. Ramdam kong uminit ang mukha ko kaya umiwas ako ng tingin. Tumayo ako't inilagay sa sofa ang bag, nakakangalay sa balikat, hindi naman kalakihan ang bag ko cellphone at tissue nga lang ang laman.

Inilibot ko ulit ang tingin at may napansin akong dalawang itim na pintuan. Ang isa nasa kanan at ang isa nasa kaliwa.

Meron ba siyang ganon dito?

"Nasaan nga pala ang C.R. mo dito?" pabalik balik ang tingin ko sa dalawang pintuan. Kanina pa kong ihing-ihi, di naman ako makaalis. Dahil bantay sarado niya ang galaw ko.

"Yong nasa kanan," tinuro nito ang pinto sa likod ko. Kaagad akong pumasok sa C.R. tangay ang bag. Pati rin dito nangangamoy mayaman.

Pagkatapos kong umihi ay naghugas muna ako ng kamay. Naghilamos na rin ako ng mukha. Kumuha ng tissue at pinahid sa mukha. Ipinasok ko sa bag ang blazer kong hinubad. Kaya sleeveless nalang ang top kong suot. Humarap ako sa salamin at nag take ng mirror shots. Pang stories lang sa Instagram.

Nang makuntento sa mga nakuhang larawan ay pinost ko na sa social media ko. Data lang ang gamit ko. May wi-fi naman dito, kaso sayang ang load pag di ko magamit. Sinara ko ang bag ko ng marinig kong may kumatok. Binuksan ko ang pinto at nakita ko si Zach na nakasandal sa gilid. May hawak na baby wipes.

Baby wipes? Para saan naman yan, kung ano-ano na lang talaga ang alam niyang kabalbalan.

Tumingin siya sa gawi ko. Bumaba ang tingin niya sa dibdib ko hanggang paa. Angas ni uncle ah, may pa x-ray pa head to foot. Humakbang siya papalapit sa'kin at huminto sa harap ko.

Tinaasan ko ito ng kilay. "Oh, bakit? May problema ka?" tiningala ko ito. Kapre ba naman.

Tuluyan na niyang kinain ang distansya sa pagitan namin. Hinapit nito ang baywang ko't halos mapaangat na ang katawan ko sa ginawa niya.

"Pasok!" mariing sabi niya. Hinawakan niya ang door knob at humakbang hanggang makapasok kaming dalawa. Mabilis na sinarado niya ang pinto at dinouble lock. Ang isa sa doorknob at ang isa nasa itaas, hindi ko na maabot ang parteng yon.

Hindi ako maka palag dahil hawak niya ng mahigpit ang dalawang kamay ko. Dinala niya ako sa harap ng salamin at pinaharap ng di pa rin binibitawan. Inilagay niya ang baby wipes sa sink at tinignan ako ng mariin sa salamin.

Marahan akong napa lunok ng makaramdam ng kaba, napahigpit tuloy ang hawak ko sa cellphone. Gumapang ang kamay niya tungo sa panga ko't pinatingala ng kaunti. Mahigpit ang pagkakahawak niya pero hindi masakit.

Mabagal ang paghinga niya. At mukhang may pinoproblema. "Kanina ko pa to napapansin sa balat mo. Something strange to your skin today. Why there's a pale yellow color in your neck? Maputi ang balat mo kahit saang parte ng katawan mo." namula ang mukha sa huling sabi nito. Pambihirang lalaki naman to! Wala bang filter bibig nito? Masyadong bulgar. "Even your arms, your chest, meron din. Tell me the truth. Are you sick?" binitiwan niya ako at kinuha ang wipes sa sink.

Huh? Ako may sakit? Naglagay lang naman ako ng concealer. Paanong na pansin niya?

"Nilagyan ko ng concealer ang balat ko. Pa'no mo napansin? E, parang balat lang rin naman ang kulay non." pahayag ko. Nagtataka ako kong siya napansin niya, bakit mga kasamahan ko including his secretary hindi.

ONE NIGHT WITH MR. UNKNOWN (Z S1: Zachary Montenar)Where stories live. Discover now