Chapter 1

233 12 1
                                    


Chapter 1 : Offensive

Sir Gomez

Class be reminded that this Monday, you need to pass the assignment i gave last meeting. You have two days to do your statistics and probability homework. I'm sure everyone got a free time for that. That assignment will be recorded as your performance task this first grading. Thank You!

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni sir at napanguso. I almost forgot about it. Sunday na ngayon at ngayon lang ako nakapagbukas ng messenger ko.

Bakit ko ba ito nakalimutan? It is okay kung ibang subject ito, i could handle the stress but this is Statistics and Probability we're talking. I bet magkaka mental breakdown na naman ako nito habang nagsasagot ako.

I should chat my friends and maybe we could have a group study on a café. Magpapatulong na rin ako kay Judy. She knows how to solve math problems.

Angela
hi, guys..group study?

Pagkatapos kong isend iyon ay nagligpit na ako at naghanda ng tote bag para sa mga librong dadalhin ko for group study.

Judy
Need pa ba natin?

Napatingin ako sa cellphone ko at kinuha iyon sa aking vanity table.

Angela
Pwede ba ako magpaturo Judy?

Judy
sure, saan?

Angela
sa park na lang.

Lyka
maingay dun. Sa café nearby na lang sa house namin.

Judy
correct malapit pa.

Angela
noted guys.

Pagkatapos kong isend iyon ay kumuha ako ng pera sa aking alkansya para sa aking pamasahe papunta sa café na sinasabi ni Lyka. Lyka's house was fifteen minutes drive away from my house kaya mahal ang pamasahe papunta roon, lalong lalo na dahil nagmahal ang gasolina ngayon.

Pagkatapos kong magligpit at magbihis ay dinala ko ang tote bag ko at lumabas ng aking kwarto, bumaba ako ng hagdan namin at nakita ko si mama na busy sa kanyang laptop. I bet she's making lesson plan again.

“Ma.” tawag ko sa kanya.

She look up at tinignan ako. Tumaas ang kilay niya nang makita na nakabihis ako at may dalang tote bag. “Saan ka pupunta?” she instantly asked.

“May group study po kami, ma malapit sa bahay ni Lyka..”

“Group study? Bakit naman sa bahay ni Lyka? Ang layo.” she commented.

“Ako po kasi ang may kailangan kaya ako ang pupunta sa kanila.” ngumuso ako.

“Magpapaturo ka sa stats and prob, tama ba ako?” she raised her brows. Napangisi ako at lumapit kay mama bago umupo sa kanyang tabi.

“Ma, alam mo namang nahihirapan ako sa statitics and probs eh. Hindi ko kaya..magpapaturo ako kay Judy.” nguso ko at niyakap ko si Mama habang tinitignan siya gamit ang mga mata kong nanghihikayap sa kanyang pumayag.

“Kay Judy naman pala? Malapit lang ang bahay nila Judy sa barangay natin, bakit hindi na lang doon?”

“Eh, ‘yun gusto nila eh.” I smiled sheepishly at her. She gave me a blank look as if she knows what happened.

“Sige na, ma..” Pagsuyo ko sa kanya.

She sighs. “Sige papayag ako, pero tumawag ka kapag nakasakay ka na ha? At kapag naroon ka na para may update ako roon sa‘yo.”

“Okay po, ‘ma!” I smiled.

Pagkatapos nang pagpapayag ko kay mama ay nagpunta ako sa isang park at hinintay roon si Tito toni, na siya ang maghahatid sa akin sa pupuntahan ko. Palagi itong nangyayari.

Charmed Series #1 : Fooling In Love ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon