Chapter 18

57 7 2
                                    


Chapter 18 : Enlighten

“You're getting good at Statistic and Probability, anak. Naka 78/80 ka sa exam mo! I'm so proud!” My Mama squealed when she saw the results on my exam. 

Nagpalabas ako ng malalim na hininga at pinilit na ngumiti kay Mama. 

“Salamat, ma..”

“Oh, dahil dito. Kailangan mo pa ba ng tutor?” 

Ngumuso ako. “Wala ka pa ba naka get over sa pag-hihire ng tutor, mama?” 

Umiling siya. “Wala pa naman, for emergency purposes lang naman, anak. Diba next sem, ibang subject na naman iyong sa inyo diba?” 

Napaisip ako at naalala na ibang sub na pala ng math ang aming subject sa second sem. 

Tumango ako kay Mama. “Opo, ma. General Mathematics.”

“So? Magsabi ka lang, may alam akong tutor na pwede kang turuan.” 

Napanguso ako. My mind drifted to the past weeks when me and him kept ignoring each other. Well sometimes I'm having the urge to approach him but now, he's the one who's trying to avoid me. 

I felt so sad and hurt at the same time. Kapag  madadaanan ko siya sa hallway ay hindi niya man lang ako binibigyan ng ngiti kung saan may nakahanda na akong ngit sa kanya ‘yun rin naman ang pag-iwas niya sa akin.

Dapat ipakita ko sa kanya na kahit hindi niya ako matuturuan ay makakapagtuto pa rin ako sa iba! 

He would be proud of me for that, right?

“Sige Ma..” Sagot ko sa kanya. 

Pagka-Sunod na araw ay nagluto ako ng muffins para ibigay ko sa kanya. Celebrating my high score sa math and thanking him for our torturing lesson. Dahil sa second sem ay alam kong hindi na kami magkikita. I know that he's getting busy and understood the assignment of me avoiding him ay imposible na siguro na mag-uusap pa kami.  

But just for once, I want to thank him. Our Christmas party is about to come, may christmas party rin ang mga SSG Officers. Pero siguro hindi ako makaka-attend, we have a planned vacation pagkatapos ng Christmas Party sa school.

Pumasok ako sa school habang may dala-dalang isang paper bag. Naroon ang mga tupperware ko kung saan ko nilagay ang muffins na ibibigay ko sa kanya. 

Usually these days, hanggang tingin na lang kami sa isa't isa. Him, looking at me the same as when we first met. Me, looking at him smiling for a bit. Trying to be polite and everytime I do that, he keeps avoiding my eye contact like we don't know each other.

Nakakapanghina man, pero para naman ito sa aming dalawa.

Mamaya, I'll catch him in the canteen. 

“Ano ‘yang dala mo, Angela?” Napatingin si Feb sa aking paper bag na dala nang naka-abot na ako ng classroom namin. 

Napansin ko na wala pa ang aking mga kaibigan kaya tahimik akong pumunta sa seat na katabi kay Layla. 

“Muffins, may graham balls rin ako dito.” sabi ko sa kanya at marahan na ngumiti. 

“Naks naman! Ang sarap ng pang recess mo ah!” He exclaimed, smirking. 

Tumango ako habang nakangiti. “Good mood lang, mamaya pag-recess bibigyan kita ng graham balls.” I offered him.

Nanlaki ang mga mata niya at lumawak ang ngiti. “Yown!” 

I chuckled. 

When the morning schedule class ended ay binigyan ko muna ng graham balls ang mga kaibigan ko, lalo na si Feb tsaka ang iba ko pang mga kaklase. Hindi ko sinabi sa kanila ang rason kung bakit ako nagbibigay ng graham balls. I was just happy.

Charmed Series #1 : Fooling In Love ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon