Chapter 8 : MathSci ( Quiz Bee )It was Wednesay when the MathSci started. Unang araw ng MathSci week namin. Usually, tatlong araw ito. Matatapos ang MathSci week sa biyernes. Monday and Tuesday ay ginamit ng mga estudyante bilang pag-hahanda ng kani-kanilang mga itatanghal sa MathSci Week.
Nang nag-Monday tsaka Tuesday ay wala kaming masyadong ginawa. Tumulong lang kami sa aming mga kaklase na gumawa ng water rocket tsaka 3D picture ng animal cell and plant cell. Sa ibang subject namin ay pinapacheck sa amin ang mga test papers namin.
I'm satisfied with my score in Earth And Life Science. Naka- 98 over 103 ako sa exam namin. Isa rin ako sa pinakamataas na score sa room namin. I couldn't help but to feel proud of myself.
Wednesday came at pagkatapos ng flag ay pupunta kaagad kami sa auditorium namin for MathSci Culmination. Bago ako nagpunta roon ay nagpaalam muna ako sa aking mga kaibigan na bibili muna ako ng mga candies sa canteen. Habang papunta sa tindahan ng canteen ay natanaw ko ang pamilyar na likuran ng lalaking kasama ko last week.
Tahimik siyang bumibili ng snacks niya, napatigil ako sa paglalakad.
I pursed my lips nang may naisip.
Dahan-dahan ang lakad ko nang lumapit sa kanya nang makaabot ay bumati ako.
"Hi!" Nakangiting bati ko nang nakatabi kaagad ako sa kanya.
He instantly looked at me.
"Anong bibilhin mo?" Tanong ko.
"BengBeng, you?" he asked back, still no hint of emotion on his voice.
"Magkano?"
"Ten Pesos." sagot niya. Pansin kong hindi pa siya nakapagbayad ng kanyang binili kaya kumuha kaagad ako ng pera sa akin bulsa at binigay iyon sa tindera namin.
"Isang bengbeng po ulit tsaka candies na fresh, babayaran ko rin po ang kinuha ni Kuyang katabi ko po." Sabi ko at naglahad ng bayad sa tindera.
Naramdaman kong natigilan siya sa gilid ko nang akmang isusubo na ang bili niyang bengbeng.
"Ganun ba? Sige hija.." The Vendor answered.
Habang hinihintay ang aking bibilhin ay napangisi ako sa lalaking natigil sa gilid ko.
"What did you—"
"Hija, ito na.." tawag pansin sa akin ng tindera, kinuha ko iyon at nilagay ang nine na candy sa bulsa ko at binigyan sa kanya ng isa.
"Do you want?" Marahan na tanong ko.
Kumunot ang noo niya sa akin. "Did you just—"
"Ako na ang bumayad, ‘wag ka na magwaldas na pera. Sagot ko na ang bengbeng mo." I said and smiled at him.
Kumunot ang kilay niya at nakita ko ang bahagya niyang pag-nguso. "No. Ako dapat ang magbabayad—" napatigil siya sa pagsasalita nang pinadikit ko sa kanyang bunganga ang candy na binili ko.
His brows creased as he looked below at mukhang nagtaka pa.
"Take it." Sabi ko at dahan-dahan niya iyong kinuha.
Tinignan niya ito sa likod at nakalimutan kong may mga corny tag lines pala do’n na nakasulat.
"Tae ka ba? Hindi kasi kita kayang paglaruan." He murmured.
Nanlaki ang mga mata ko at napakagat ako ng labi para pigilan ang ngiti at halakhak dahil sa narinig ko. I glanced at him at bahagyang lumayo na sa kanya para umalis pero bago ko pa iyon ginawa ay napatingin siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Charmed Series #1 : Fooling In Love ✓
Teen Fiction[ COMPLETED ] UNDER MINOR REVISIONS | Chapters will not be unpublish Charmed Series #1 : Angelus Leonel Villorejo STEM × HUMSS Angela Kristle Lopez, happens to be one of the students who have difficulties understanding Mathematics, especially her St...