Chapter 3

87 6 0
                                    


Chapter 3 : Sorry

I sighs heavily habang kinakain ang ulam sa lunch pack ko. Nasa canteen kami ngayon ng kaibigan ko dahil tanghali na. Nakatulala ako sa kawalan at ramdam ko ang bigat sa dibdib ko. Hindi lang ‘yun, kundi nagsisimulang kumukulo ang dugo ko sa lalaking iyon.

“Angela, bakit hindi ka pa tapos? It's been thirty minutes. Hindi ka pa tapos kumain.” puna ni Lyka nang mapansin ang panghihina ko.

Napatingin ako kila Judy, may hawak na silang handouts at nag-rereview para sa quiz ng teacher namin mamaya sa UCSP. May mga highlighter na sila at nag-hihilight na pero ako kumakain pa lang. Hindi pa nakakapag-umpisa mag review sa oras na ‘to.

“Wala, sorry,  may iniisip lang.” mahinahon na sinabi ko at ngumiti sa kanila. Kumain muli ako at nang maubos ay kaagad ako nagreview. Pangmadalian na review. Hindi ako masyadong matataranta ngayon sa pagrereview dahil may stock knowledge na rin naman ako dahil nakapagstudy ako noong gabi ng sabado, kaya magrereview na lang ako.

Maya maya ay narinig namin na tumunog ang buzzer. Indicating that mag-stastart na ang klase maya maya. We gathered our things at inayos ang pinagkainan namin, after that we walk through  the hallways papuntang room namin.

“Hoy, Angela ha! Kapag mamental block ako mamaya, bigyan mo ‘ko ng answer. I tap ko lang ‘yung upuan ko tsaka tingin sa sakin ha?” nakangising sabi ni Lyka.

Napatawa ako.

“Practice nga tayo!” saad ni Judy at napatigil sa paglalakad. Napatigil na rin kami ng lakad ni Lyka

Judy moved her mouth na may sinsabi pero walang tunog. I tiled my head at kumunot ang noo habang nag-iisip.

“Eight.”

“Late!”  si Lyka.

Napaawang ang labi ni Judy at humalakhak bago niya tinampal ang balikat ni Lyka.

“Gaga, number ‘to Lyka!”

Napangisi ako.

“Edi sorry! Akala ko kasi random word lang!” pagdedepensa ni Lyka sa kanyang sarili, habang nakanguso.

I smiled and chuckle a bitm

“Ikaw Angela, ha? Bigyan mo kami ng sagot mamaya!” pabirong sinabi ni Judy.

I raised my brows at tumango habang nalangisi. “Sige ba.”

“Yown!” hiyaw ni Lyka.

Pinagpatuloy namin ang aming paglalakad hanggang sa malapit na kami sa faculty. May lumabas na tatlong lalaki roon at familiar ako sa kanilang mga mukha. Nakangiti at nakangisi sila pareho habang nag-uusap.

My eyes instantly met that rude guy eyes.

“Uy, ‘yan yung transferee diba?” si Lyka.

“Oo, ang gwapo, ano?” si Judy sa gilid ko sumsagot sa mga bulong ni Lyka. Hindi naputol ang pag-titiningan namin nang ako na lang ang nag-iwas sa kanya nang tingin nang nagkalapit na kami at nadaanan namin sila. His eyes are intense, hindi na blanko ang nakikita ko kundi may ibang emosyon na bumabalot roon.

“Ang bango shit!” mahinang tili ni Lyka sa gilid namin na kaagad naman siyang kinirot ni Judy sa beywang. “Napaka-burikat mo Lyka.”

“Ano ba? Joke nga lang ulit eh!”

Nang makapasok kami sa room ay kaagad kong napapansin ang iilan kong mga kaklase na nag-rereview na rin sa subject namin ngayon. Ang iba ay nasa gilid hinaharap ang wall, ang iba'y bumuo ng circle gamit ang mga upuan nila para mag-group study.

Charmed Series #1 : Fooling In Love ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon