Chapter 9

66 5 0
                                    


Chapter 9 : MathSci ( Rubiks Cube )

Natapos ang quiz bee na binibigyan niya ako ng sagot. Minsan hindi ko ito pinag-tuunan ng pansin dahil na rin ay baka mabuking kami tsaka napaka-unfair naman sa mga kaklase niya, when he knows the answer pero hindi niya sinasabi sa mga kaklase niya.

On the hard round, we got 35 score. Sampu ang mali namin, halos sa kanya nanggaling ang sagot. Meron naman na mula sa pag-sosolve talaga namin. Ngunit ang majority ng mga sagot ay nagmula sa kanya.

I blew a breath at bahagyang na-guilty sa pagkuha ko ng answer mula sa kanya. Natapos na ang quiz bee kaya nag-recess na kami.

Tahimik ako habang bumababa kami sa hagdan. Bago kami bumaba ay nagpasalamat ang class president namin sa akin dahil daw sa pagbibigay ko ng sagot sa kanya. I couldn't help but feeling a bit guilty.

I eat quietly kasama ang aking mga kaibigan, nakatulala ako sa kawalan habang kinakain ko ang sphagetti na binili ko sa tindahan ng cookery teacher namin sa school.

“Nag-sosolve ka pala kanina Angela? Kaya nagbibigay ka ng sagot?” Biglang tanong ni Judy sa akin.

Napakurap-kurap ako at napatingin sa kanya. “Ha?”

“Paano mo nalaman ang sagot? Nag-sosolve ka pala kanina? ‘di ka namin napansin ah!”

Napangiwi ako ng bahagya nang naisip ko kung bakit ako nakakuha ng sagot.

“Ginuess ko lang..” Sabi ko.

Tumango naman si Judy at ngumuso. “Maraming mali ang grade 12 stem kanina sa hard round. Pero naka-40 points pa rin sila, still..it's unexpected. Balita ko meron daw sa kanila na Math genius eh.”

Napatingin ako kay Lyka na tuma-tango habang puno ng kwek-kwek ang bibig niya.

“May alam ka ba kung sino ang math genius na tinutukoy nila? Napansin kong napapatingin ka sa pwesto nila kanina eh..” Judy said slower.

Ngumuso ako at napag-desisyonan na umiling na lang. “‘Di ko alam, inaabangan ko lang naman ‘yung mga sagot nila sa board.” rason ko at kinain ang aking sphagetti.

Nagkibit-balikat si Judy. “Okay. By the way ang galing mo pala kanina, Angela.” she smiled at me habang bahagya akong pinapalak-pakan. I just smile shyly at her at nagpatuloy sa pagkain.

Natapos ang recess na nabusog ako. Binigyan ko ng candy ang mga kaibigan ko nang nasa upuan na kami ng auditorium. We settled ourself habang hinihintay ang ilan pang mga estudyante. My eyes then unknowingly went to the Grade 12 STEM 1 Area at nakita kong halos nandito na silang lahat.

“Please settle yourself, we'll begin exactly at 10:05 o’ clock.” sabi ng Emcee namin.

Napatingin ako sa cellphone ko at binuksan ko iyon. It says 10:03 a.m na.

Napatingin ulit ako sa side ng mga 12 STEM Student pero sa pagtataka ko ay hindi ko siya nakita roon kahit ang bulto niya lang man.

Ngumuso ako at napatingin na lang sa harapan ng teacher nang nag-deklara na mag-uumpisa na ang next program namin.

“Alam niyo naman siguro ang next na laro diba? May mga representative taga section na pupunta sa itaas para maglaro ng rubiks cube. May mga category tayo diyan, ang unang category ay two hands rubiks cube, second naman ay one hand rubiks cube. Isa-isa sa mga category ay dapat may mga representatives, nasisiguro ko naman na nasa backstage na ang lahat ng mga representative ng taga section. So, let's continue our program! Give around of appluase to our first players in our first category!” Deklara ng emcee at kaagad naman na nagtilian at naghiyawan ang mga estudyante sa school.

Charmed Series #1 : Fooling In Love ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon