Elise
"This is not my forte!" naiinis na ibinagsak ko sa mesa pabalik yung folder ng assignment na pinapagawa sakin ng boss ko. "I am not doing that. That's too crap."
Imbes na maoffend ay umangat lang yung sulok ng labi ng boss ko. Kalmanteng sumandal ito sa swivel chair nito habang pinapaikot yung hawak nitong fountain pen sa pagitan ng mga daliri.
"I am not asking if you want that project, Eli. I am assigning that one to you."
Umingos ako. "Seriously? Gusto mong sayangin yung oras nating lahat na hanapin yang taong nasa likod ng mga paintings na yan?" Itinuro ko pa yung folder. "Good gracious, have pity on me. I am not a fan of gothic arts or any of that dark-themed paintings."
Napangiwi ako ng mula sa folder na ibinato ko ay inilabas pa ng boss ko yung photos ng mga paintings na ginawa ng kung sinuman na herodes na painter na iyon na kaaway yata ang mundo o galit sa lahat ng mga tao.
Who buys paintings na ganoon yung tema? One picture shows a woman with distorted face holding a man's head on her hand na tumutulo pa yung dugo mula sa pagkakahawak nito. Nakakadiri pa yung pagkavivid at mukhang totoong laman na nangagkalat sa kamay nito na bumabagsak pa sa sahig.
Ang kakatwa pa, there's a glimpse of joy and pleasure on that woman's eyes as she stares at her victim's head. At base sa itsura ng mukha ng pugot na ulo na yon, hindi maikakaila yung takot na naramdaman nito bago ito tuluyang bumigay.
His eyes are almost popping out of its socket. The vein on the sides of his temple is throbbing and quite visible. Pati yung pagkakapinta ng bibig nito na bahagyang nakaawang na halos matuyo na. There's no doubt that he was tortured to death.
"Aren't you curious about what's running on this painter's mind habang ipinipinta nya ito?" sumungaw yung ngiti sa mga labi ng matandang boss ko. "It's exquisite. So beautiful."
Alam kong mali, pero kinilabutan talaga ako at pinanlamigan sa tinuran nito.
I know someone who's extremely talented in painting and sketches. Mas gusto ko din yung mga pinipinta niyon kahit wala naman akong binibili kahit isa.
An exact opposite of the painter my boss admired the most, recently.
Buhay na buhay yung mga ipinipinta niyon. Malukulay. Oo, may mga ilang abstract. Pero laging vibrant yung mga kulay na ginagamit niyon.
"ARK" hinaplos pa ng boss ko yung initials na nandon sa mga printed photos ng paintings na gustong gusto nitong mabili.
Isa daw iyon sa mga pinagkaguluhan noong underground auction na dinaluhan nito. Lahat daw kasi ng painting ng ARK na iyon ay pinagkakaguluhan ng mga curators at art dealers. Bibihira lang kasi yung mga painters na medieval arts ang tema na kasing vivid nito magpinta. Yung parang totoong totoo. Dinaig pa mga 3D paintings sa sobrang galing ng pagkakahalo ng mga kulay na ginamit.
"Why don't you just invite that person to do an interview with us? Assign mo kay Shelley." sabi ko pa na ang tinutukoy ay yung isa sa mga feature writers namin na sikat na sikat dahil isa ito sa pinakamamagaling at may pinakamagagandang mukha sa station. "-for sure that ARK will be interested in teaming up with us. Publicity din iyon. That could expand the market for him."
"That's too impossible." Mula sa pagkakaupo ay tumayo yung boss ko. Ibinaba nito sa mesa yung fountain pen na nilalaro nito kanina at saka pinamulsa yung mga kamay. "No one has met Ark yet. Walang may alam kung anong tunay nyang pangalan. Saan sya nakatira. At kung anong itsura nya. That person's mystery is only adding to the character."
My mouth gaped open. That made my boss chuckle. "For real?"
"Interesting right?" Dinampot nito yung mga printed photos ng mga painting. "Just like how mysterious and elusive the paintings were, ARK is also surely enjoying being a mystery for all of us too. The more na walang nakakakilala sa kanya, the more na mas nababaliw yung mga tao sa mga pinipinta nya."
BINABASA MO ANG
YuanFen
RomanceWhat we have is just now. As long as she loves me. As long as she wants to be with me. As long as there is 'we'. I love her! But the rainbow is not just a blend of vibrant and bright colors. It doesn't even stay for a long period of time-- just eno...