Elise
"Crap!" Gigil na ibinagsak ko sa ibabaw ng mesa yung phone ko.
I took a deep breath as I closed my eyes. Dahil kung hindi ko iyon gagawin ay siguradong sasabog ako sa sobrang inis na nararamdaman ko ngayon matapos mabasa lahat ng kung ano-anong patutsada na naman patungkol sakin.
Ano daw? I am just an all-talk? Na puro lang ako reklamo at kung ano-anong pagkontra at paninira sa mga kapitalista? Well, fuck that woman! Hindi nya ba alam kung ano-anong mga pinagagagawa ko lately? Ilang bundok at liblib na lugar na yung inakyat at dinayo ko para lang maabot ng mga tulong at medical mission yung mga nangangailangan. Tapos ang kapal ng mukha niyon na siraan ako sa social media pa na mababasa ng libu-libong tao. The nerve!
"Huh? Sa slums? Tingin nya hindi ko kayang mabuhay at matulog man lang sa squatter's area?" gigil na ikinuyom ko yung mga kamay ko habang pinipigilan na mahampas yung malapad na dining table.
I am still having my dinner at this late hour. Pero heto, tuluyan na akong nawalan ng gana. Gayung kanina ay gutom na gutom ako pagkauwi.
"Having a bad night?"
Mula sa pagkakayuko ay napaangat yung tingin ko sa pinagmulan ng tinig na yon.
"Ma." I acknowledged my mother's presence. She's on her casual sleepwear na pinatungan lang nito ng robe. "Nagising ba kita?"
"No. Hindi naman. Kakauwi mo lang?"
Ngumiti ito bago dumiretso sa rack ng mga baso. "And you're still working up this late?"Pareho kaming napasulyap sa grandfather's clock.
"May tinatapos lang po." Pinilit kong ngumiti para hindi ito masyado mag-alala. Alam ko naman kasi na kahit hindi ito nagsasalita ay alam nito lahat ng mga masasakit na salita na ibinabato sakin ng mga taong umiikot sa sirkulo namin. Kabi-kabila kasi yung mga patutsada sakin dahil nga sa mga sinusulat ko.
Bukod pa sa talagang nastress ito noon noong halos mag-iilang buwan na akong nakagraduate with latin honors pa pero wala pa din akong nakukuhang matinong trabaho dahil halos lahat ng in-applyan ko ay tinatanggihan ako kahit pa sabihin na qualified naman ako sa position na tinatarget ko na makuha. Madalas, over qualified pa nga.
Company owners are wary of me. Being a Calvry that doesn't have a good reputation in the business industry, and someone who surely fights cartel and inequalities of capitalism, halos lahat ng kumpanyang pinapatakbo ng mga Oligarchs, inaayawan ako na mapabilang sa kumpanya nila.
At ayoko naman na magtrabaho sa kumpanya nila Mama dahil hindi din kami nagkakasundo ni Elle. Madalas lang kami magtalo. Dahil kahit pa legal na paraan yung mga ginagawa nito, hindi ko pa din masikmura na kaya nito iyong alisan ng tahanan yung mga mahihirap na pamilyang nakikitira sa lupa namin.
"Pinagsasabay mo na naman yung trabaho at pagkain." naiiling na sita ni Mama. "How many times should we remind you na iwasan mo iyan dahil hindi ka na nakakakain ng maayos at lagi ka lang nawawalan ng gana?"
Dahil hindi ako nakakain kanina sa dami ng ginagawa ko at iniisip, ngayon ko na lang din isinasabay iyon habang tinitingnan ko na din kung may balita na ba kay Kaylee. Mula kasi ng maghiwalay ito at si Payne ay bigla na lang din iyon nawala at walang makapagsabi kung saan nagpunta.
Inangat ko yung plato ko na may laman pang pagkain para ipakita iyon kay Mama. "Uubusin ko to, Ma. Don't worry. Kahit mawalan ako ng gana, pipilitin ko pa din kumain."
Mas lalo lang itong napailing. "Look at your own food. Hindi ka pa nagluto ng maayos na pagkain. Pinagtyatyagaan mo yung ganyan. Hindi ka ba naaawa sa sarili mo?"
BINABASA MO ANG
YuanFen
RomanceWhat we have is just now. As long as she loves me. As long as she wants to be with me. As long as there is 'we'. I love her! But the rainbow is not just a blend of vibrant and bright colors. It doesn't even stay for a long period of time-- just eno...