Chapter 14

3K 168 53
                                    

Akira

"Jeez!"

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa kay Elise na panay ang singhot habang nakatitig sa laptop nito at nanonood.

It's just almost an hour that we're together but I have already seen multiple shades of human emotions crossing on her expressive face.

Mula sa pagkakakunot ng noo nito, mahinang pagmumura, galit sa tatanga-tangang bida sa pinapanood nito, yung pagsupil sa sumusungaw na ngiti, na nauuwi minsan sa mahinang pagtawa o di kaya tila ba wala ng bukas na paghalakhak.

At ngayon ay umiiyak naman ito.

"You're so pathetic." mahinang insulto ko dito habang sige naman ako sa pag-abot ng tissue.

Nakakaawa pa din pala itong tingnan pag umiiyak. Kaya kahit naweweirduhan ako ay hindi ko din mapigilan na abutan ito ng tissue.

"Shut up!" siniko ako nito. "I'm just a human with human feelings. Palibhasa bato ka yata." halos mabulol pa ito dahil kumagat ito ng malaki sa hawak nitong burger.

That's another thing that I've noticed about her. Kahit anong pagkain kinakain nito. Kahit pa nga mumurahin lang.

And I couldn't help but to wince a little. Kasi burnt patties yung nasa burger nito. Actually, not too burnt. Pero papunta na doon. The lettuce is dry. Yung tomatoes hindi na malasahan. And the mayonnaise is obviously a cheap one.

Sabagay, what do you expect in a cheap burger?

Yet, Elise is eating it without complaint. Tila ba napakasarap pa niyon kung titingnan ito dahil malalaki yung kagat nito at tila ba sarap na sarap pa habang nginunguya.

Samantalang yung akin, ni hindi ko nga nagalaw after matikman ng kaunti.

Napatingin ako sa labas ng glass window. Malakas pa din ang buhos ng ulan. I bet hindi na ito makakabalik sa work nito dahil kanina pa iyon walang tigil.

Nastuck na nga kami pareho dito sa mumurahing coffee shop na wala naman customer bukod sa aming dalawa. Ito lang kasi yung malapit nang bumagsak na nga yung malalaking patak ng ulan kanina.

And there's really no doubt why there's no one entering this diner.

Bad food.

Bad location.

Bad marketing.

Inappropriate market targeting.

Sigurado ako na ilang linggo na lang ay tuluyan na din itong magsasara.

Sino ba naman yung makakaisip na magtayo ng mumurahing burger and pasta sa gitna ng naglalakihan na mga building at sentro ng busy metro?

Karamihan ng mga nandito ay mga mapepera. Kung hindi man ay mga bigatin na tao na may pinapangalagaan na reputasyon. And even the normal staff ng mga building na nakikita at tanaw na tanaw sa labas ay tila ba mga takot na takot na makita na pumapasok sa ganitong klaseng lugar. Lahat gusto makipagsabayan.

Pero sa kaso nga nitong diner, hindi naman talaga kataka taka na walang kumakain.

"Paabot ng catsup."

Napailing na lang ako. Mukhang plano pa ni Elise ubusin yung fries sa platter namin.

"The fries is too oily and soggy. Wag mo na kainin yan. Pag humina yung ulan, bibilhan kita ng iba. Lipat tayo."

Umangat yung kilay ni Elise. "This is still food. Sayang 'to!"

"Hindi naman masarap. Okay na' yan. Bawasan mo lang ng kaunti."

YuanFenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon